Valerie Concepcion talks about motherhood, her crush, and her co-host

IMAGE 0

"I go out on dates, para hindi namanboring. Para kahit papaano may thrill ang buhay ko. But to have aserious relationship, not this time," says single mom Valerie Concepcion about falling in love again.



Sa kabila ng pagiging isang single mom na sumalo ng solong responsiblidad sa pagpapalaki ng anak niyang si Heather Fiona, nakakabilib ang positibong pananaw ni Valerie Concepcion na darating din ang panahon na makikita niya ang lalaking nakalaan para sa kanya. At 16 ay naging dalagang ina si Valerie, pero buong tapang niyang hinarap at tinanggap ang nagawang desisyon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie sa set ng Wowowee noong November 6, sinabi niyang hindi pa siya bukas sa isang serious commitment, but she's open to dating.

"Busy naman ako sa work," saad niya. "Mas gusto kong bigyan ng focus yung career ko. Yung commitment sa isang relationship, huwag muna. I go out on dates, para hindi naman boring. Para kahit papaano may thrill ang buhay ko. But to have a serious relationship, not this time.



Dagdag pa niya, "Hindi naman ako na-trauma sa nangyari sa akin, I'm still looking forward to be in love again, but not muna now."

THE LOST FATHER. Nang mapag-usapan ang tungkol sa three-year-old daughter niyang si Fiona, tila dedma lang ang ama ng bata at ni walang effort na makita ang anak.



"Wala siyang effort, wala ring financial support," sabi ng actress-TV host. "Pero okay lang, I have naman my work and I'm with my parents. They're helping me naman.

"Ever since naman, never akong lumapit sa father ng baby ko. But if ever siguro he would make an effort na makita ang anak ko, I would allow him. Pero kung yung kami pa ang lumapit, hindi na."

JOHN LLOYD, WOW! Samantala, hindi rin itinatago ni Valerie ang malaking paghanga niya sa young actor na si John Lloyd Cruz. Balita nga na noong mag-guest co-host si John Lloyd sa Wowowee ay kinilig daw si Valerie dahil matagal na pala niyang crush ang mahusay na young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin namin si Valerie na kung wala kayang Liz Uy sa buhay ngayon ni John Lloyd at manligaw ito sa kanya, may pag-asa kaya sa kanya ang binata?

"I won't deny, yes, matagal ko nang crush si John Loyd," pag-amin niya. "Nung una ko siyang nakita dito [sa Wowowee], na-startstruck talaga ako. Siyempre, galing ako sa kabila [GMA-7]... Nung nakita ko siya, napa-‘wow' ako.



"Siguro naman, he's mabait. Tuwing naghu-host siya dito sa Wowowee, he's very approachable. Hindi mo mapi-feel na, ‘Oy, star ako or something.' Walang ganun. He's very humble and down to earth," kuwento ni Valerie.

DEFENDING MARIEL. Nakabuo na rin ng bonding si Valerie with Mariel Rodriguez sa pagsasama nila araw-araw sa Wowowee. Sa pagpasok sa Bahay ng Kuya ni Mariel ay marami ang na-off sa kanya nang magbitaw ng salita na "kadiri" ang showbiz. Marami rin ang naaartehan at sa tingin nila ay wala sa lugar ang pagiging prangka nito.

Pero ipinagtanggol naman ni Valerie ang kanyang co-host. "Si Ate Mariel sa sandaling nagkasama kami dito [sa Wowowee], I know her, she's like that talaga. She's very frank, very vocal to what she thinks. So parang ‘pag nakikita ko siya ngayon sa TV, natatawa ako. Kasi ganun talaga siya by nature.

"I don't think na ginagawa niya ‘yon para magpapansin or mag-OA. Let's just accept na ganun talaga siya, hindi naman siya nananakit ng ibang tao," depensa ni Valerie.



Dagdag pa niya, "Kaya niya siguro nasabi yung kadiri ang showbiz kasi siguro before... Naikuwento niya sa akin na nung nasa school pa siya, siyempre yung mga friends niya sosyal-sosyal. ‘Pag inaaya siyang mag-showbiz, ayaw daw niya kasi sasabihin daw baduy siya. But now daw, she's loving showbiz."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN