Carlene Aguilar gets physical with Cristine during their confrontation

IMAGE 0


Many attributed Carlene Aguilar's (left) aggression towards sexy actress Cristine Reyes (right) as a sign of post-natal depression. Carlene recently gave birth to her son with young actor Dennis Trillo (middle).


Nagbigay pa ng karagdagan maaanghang na impormasyon ang kolumnistang si Abu Tilamzik kaugnay sa napa-ulat na backstage confrontation sa pagitan ng young sexy actress na si Cristine Reyes at ang ina ng anak ni Dennis Trillo na si Carlene Aguilar.

Ayon sa column ni Tilamzik na lumabas ngayong araw, November 9, sa Abante Tonite, talagang ang kaibigang si Jenny Miller ang sinadya ni Carlene nang dumalaw siya sa taping ng All Star K noong Miyerkules, November 7, sa Broadway studio. Guest si Jenny ng nasabing programa, kasama ang iba pang sexy actress.

Noong simula raw ay nakapag-usap pa ang dalawang magkaibigan subalit biglang napukaw ang atensyon ni Carlene nang maaninag si Cristine sa loob ng studio. Nakiusap diumano ang dating beauty queen na personal siyang ipakilala kay Cristine ngunit mahinahong tumanggi si Jenny sa dahilang alam niya ang napabalitang naging relasyon daw ni Dennis at Cristine.

Dahil sa hindi napagbigyan, ay isang staff naman ng show ang sinabing nilapitan ni Carlene sabay pakiusap na ipakilala siya sa nakababatang kapatid ni Ara Mina. Hindi rin daw pumayag ang staff dahil na rin sa takot na baka nga naman may mangyaring hindi maganda.

Matapos matanggihan ng dalawang beses, hindi na daw nagpapigil pa si Carlene at kusa na itong nagpakilala kay Cristine, sabay kapit nang mahigpit sa kamay ng huli. Ayon sa ulat ng kolumnista, base na rin sa mga nakasaksi, akmang pinipilipit na ni Carlene ang kamay ng kausap dahil sa sobrang gigil nito.

Napaghiwalay lang daw ang dalawang dalaga nang makiusap ang staff ng All Star K kay Carlene na umalis na lang para maiwasan pa ang mas malaking gulo. Wala naman daw problema ayon sa ina ng sanggol ni Dennis dahil talagang aalis din siya agad para manood ng concert ng international singer na si Beyonce Knowles sa Fort Bonifacio, Taguig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEAVING IT ALL UP TO DENNIS. Matapos mabalita ang mainit na insidente, parehong tumanggi ang dalawa na magsalita tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang ma-dramang kumprontasyon.

"Ayoko na lang siyang patulan," sagot ni Cristine nang tanungin ni Tilamzik. Hindi naiwasang mapansin ng manunulat ang kuwintas na suot ng makinis na sexy star, kapareho raw ito ng suot-suot ni Dennis. Agad naman daw nilinaw ni Cristine na hindi ‘yon regalo mula sa matinee idol.

Maging sa Carlene ay umiwas na ding pag-usapan ang insidente na siya mismo ang nagsimula.

"Kung alam ko naman po na nandu'n pala siya [Cristine], hindi na ako pupunta ro'n," depensa ni Carlene sa sarili, sabay sundot na nais lang daw niyang makilala si Cristine kaya siya lumapit.

Tumanggi rin itong sumagot nang diretso sa tanong: totoo nga bang sinabihan niyang "home wrecker" si Cristine? Ito'y ayon sa ulat na nakarating sa media.

"Hindi ko na po maalala, e," maikling niyang sagot.

Kagaya noong panahong siya'y nagdadalang-tao, nakiusap si Carlene na huwag na lang pag-usapan ang nangyari at ipinapaubaya na lang niya kay Dennis kung nais nitong magsalita kaugnay sa insidente.

Maugong ngayon ang balitang lubhang nabahala si Dennis nang makarating sa kanya ang balita. Malamang ay lalo siyang magiging mailap sa press para makaiwas sa mga tanong.

"Basta, ayoko na pong pahabain pa iyan," pakiusap ni Carlene. "Ayoko na pong pagpiyestahan pa. Mas gusto ko na lang pong tahimik na lang po kami ng anak ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN