Bea Alonzo credits her diet for slimmer body

IMAGE 0


Young actress Bea Alonzo dispels speculation that the reason for her slimmer body is because of liposuction. "Balik na naman ako sa South Beach, kasi for a while huminto ako," says Bea.



Ilang beses nang itinanong kay Bea Alonzo kung nagpa-liposuction din ba siya gaya ng ibang artistang nag-lose ng weight. Pero sa tuwi-tuwina ay itinatanggi ito ng young actress. Sana ay maging happy na lang daw ang ibang tao sa kung ano ang looks niya ngayon since pinaghirapan din niya itong ma-achieve.



Ayon kay Bea, ang South Beach diet ang isa sa naging dahilan kung bakit siya pumayat. Sa katunayan, pagkatapos ng presscon ng latest movie nila ni John Lloyd Cruz na One More Chance kagabi, November 8, instead na pagkain sa presscon ay may sariling baon si Bea na South Beach diet nga.



"Sarap ng pagkain ko, di ba?" natatawang biro ni Bea tungkol sa kanyang pagkain. "Actually, masarap pa nga itong kinakain ko na ito, merong mga recipe na hindi. Pero kanya-kanya naman kasing panlasa ‘yan."



Kuwento ni Bea, bumabalik na naman daw siya sa pagsa-South Beach diet dahil may nakakapansin daw na mukhang nagge-gain na naman siya ng weight.

"Naku, nagbabagong-buhay na naman ako!" tawa niya. "Balik na naman ako sa South Beach, kasi for a while huminto ako. ‘Tapos, nagalit sa akin si Direk Cathy [Garcia-Molina] kasi tumataba na naman ako. So ‘yon, nagbalik-loob ako. Kasi kung kailan naman magpi-premiere night na nga naman."



LOVE TALK. As for her lovelife, nasabi ni Bea na sa tingin niya, mas swak siya sa mas matanda sa kanya, tulad nga ng sa kanila ngayon ng boyfriend na si Mico Palanca.



"Hindi talaga, parang hindi ko nai-imagine ang sarili ko na may karelasyon na mas bata sa akin or kasing-edad ko. May nanligaw sa akin na kasing-edad ko, pero iba yung level of maturity kasi iba na yung pinagdaanan ko," sabi ni Bea.



Sumang-ayon na lang din si Bea since sa kaso ng ka-loveteam na si John Lloyd, type rin nito ang mas older girl. Kaya sabi nga namin, hindi talaga sila magkakatuluyang dalawa sa aspeto pa lang na ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOKE GONE WRONG. Samantala, hindi itinanggi ni Bea na maging siya ay nagulat sa naging takbo ng presscon nila kagabi dahil sa binitiwang biro ni John Lloyd sa co-star nila sa One More Chance na si Maja Salvador, na ikina-offend ng ilan. Si Bea raw kasi ay sanay na sanay na kay John Lloyd kahit palagi ring pinauulanan ng biro ‘tulad noong unang press conference ng pelikula nila.



Noong nakaraang presscon kasi nila, si Bea naman ang naging paboritong biru-biruin ni John Lloyd, especially sa mga nagtatanong sa kanila about their first love scene in the movie.



Pero never bang na-offend si Bea sa mga hirit or joke sa kanya ng ka-loveteam?



"Hindi talaga!" mabilis niyang tugon. "Kasi alam ko naman na wala siyang masamang intention. So, parang there's no point na ma-feel bad. Kasi, parang hello, alam ko naman na talagang nagbibiro lang talaga siya. Ganoon talaga siyang tao.



"Kung ako ang pamimiliin mo between sa tahimik na John Lloyd at walang humor—yung John Lloyd's mood—mas gusto ko na sa malokong John Lloyd kasi masarap siyang kasama. Saka sa tingin ko, isa rin yung ingredient kung bakit okay pa rin ang loveteam namin.



"Kasi yung mga biruan naming dalawa... Actually, nagulat talaga ako kanina. Nagulat ako kasi, akala ko, nagkakabiruan pa. Pero noong nagdidiskusyunan na sila, totoo pala. Hindi ko ine-expect, e.



"I didn't expect it's coming. Buti nga nakaya ni Lloydie. Kasi kung ako siguro ‘yon, baka hindi ko na lang alam ang gagawin ko. Pero sabi nga, ganoon talaga. Kahit anong mangyari, dapat hindi ka magpapaapekto," ani Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN