Gretchen Barretto's new surprises

Nov 10, 2007
“Alam mo, hindi tahimik ang buhay ko. Hindi puwedeng maging tahimik ang isang Gretchen Barretto. Hindi na ako nagugulat sa mga intriga,” declares the ever-controversial Gretchen Barretto.
Nakatakdang lumipad patungong Boston, Massachusetts si Gretchen Barretto at ang kanyang life partner na si Tonyboy Cojuangco bago matapos ang buwang kasalukuyan. Itutuloy daw kasi ni Tony Boy ang kanyang treatment doon.

Ayon kay La Greta, may isa pang naghihintay na surprise sa kanilang pagdating doon.

“We’re going to Boston kasama namin si Joyce [Jimenez]. We’re leaving on November 29 and alam n’yo, ito yung surprise, sinabi sa amin ng doctor ni Tony sa Boston... Kasi siya yung doctor ni Julie Andrews and so the doctor is giving Julie Andrews a cocktail. So we will be there, na-invite kami ni Tony, so I’m gonna meet Julie Andrews. Yes! December 1, pine-prepare ko na yung outfit ko. Imagine, meeting Julie Andrews!” pagmamalaki ni Gretchen.

Si Julie Andrews ay isang Oscar award-winning Hollywood actress na lumabas sa mga pelikulang Mary Poppins, Sound of Music, Princess Diaries, at marami pang iba.

Sa launching ng isang beauty product na ini-endorse ni Gretchen naikuwento ni Gretchen sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) na halos hindi na sila naghihiwalay ni Tonyboy.

Continue reading below ↓

Nakita ang dalawa sa concert ni Beyonce Knowles noong Miyerkules ng gabi, November 7. Magkasama na naman sila kinabukasan, November 8, nang i-launch si La Greta bilang “ambassador of beauty” ng isang beauty product.

“Tony is always with me, kaya lang, para siyang multo. Hindi nagpapakita. Ayaw niyang malaman ng tao na nandiyan siya dahil nahihiya siya. Parang hindi siya kumportable. Ganyan siya, parang multo. Tawag ko nga sa kanya, my ghost. He’s my avid fan, so you know, nandiyan siya parati,” lahad ni Gretchen.

A new surprise. Hindi man daw pumapayag si Tonyboy na mag-artistang muli si Gretchen, siguradong itutuloy pa rin niya ang pagsu-showbiz.

Imbes na pelikula, isang special CD ang kanyang ire-record bago siya umalis patungong Boston.

“I will be recording a CD with 12 of my most favorite songs and I will be giving it away kasi nakakahiya naman kung ibenta ko at walang bumili,” patawang sinabi ni Gretchen.

Continue reading below ↓

“Ako ang kakanta ng mga favorite love songs ko through the years. Makikita n’yo yung buhay ni Gretchen Barretto sa bawat kanta.”

Unexpected ang title ng album ni Gretchen at ang isa pang malaking sorpresa ay ang partisipasyon ni Tonyboy sa nasabing CD.

“Tony is joining me in one song ‘The Last Time I Felt Like This.’ Nung una, pinipilit niya na maggi-gitara daw siya for one of my songs. So, sabi ko, 'Huwag na lang, mas magaling kang kumanta,'” pahayag ng aktres.

TonyBoy’s support.Sa hitsura nina Gretchen at Tonyboy nang gabing ‘yon, tila hindi sila naaapektuhan o naapektuhan sa mga intrigang nagdaan sa kanila.

Ayon kay Gretchen, tila nasasanay na raw kasi siya sa mga kontrobersiya.

“Alam mo, hindi tahimik ang buhay ko. Hindi puwedeng maging tahimik ang isang Gretchen Barretto. Hindi na ako nagugulat sa mga intriga,” sabi niya.

Malaking bagay rin kasi ang suporta na ipinapakita ni Tonyboy kay Gretchen sa gitna ng kahit anong intriga.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Tonyboy kay Gretchen, “The movie industry is full of intrigues. So it’s part of it. So as long as they’re talking about you, it’s like politics, they’re all talking about you. Whether it’s good or bad news, your awareness level is up, then it’s good for you.”

CHRISTMAS PLAN. Tila may plano na raw si Gretchen kung paano nila ise-celebrate ang kanilang Pasko ngayong taon. Hindi lang daw pamilya ang kanilang kasama sa espesyal na araw na ito.

“Christmas, I spend it with people who really are close and dear to me. Naging tradisyon na namin that we do it in our Forbes house even if I live in Dasma now. We have very close friends and friends who have no husband or husbands who have no wife, kasi naghiwalay, in-adopt namin. Christmas is supposed to be solemn, di ba, so may mass kami parati and a lot of eating,” kuwento ni Gretchen.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Alam mo, hindi tahimik ang buhay ko. Hindi puwedeng maging tahimik ang isang Gretchen Barretto. Hindi na ako nagugulat sa mga intriga,” declares the ever-controversial Gretchen Barretto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results