Derek Ramsey will celebrate Christmas with his family

by Julie E. Bonifacio
Nov 10, 2007
Derek Ramsey and girlfriend Angelica Panganiban (not in photo) will not be spending Christmas together. The 27-year-old actor says, "I'll be with my family. My family are in Tagaytay. My parents are here. They live in Tagaytay now. Pasko doon kami lahat, and then my dad has something...26 to before New Year, aalis kami. That's what I don't know. Surprise na ‘yan."

Nagpaplano si Derek Ramsay na paoperahan ang kanyang kanang paa, na naaksidente sa huling sinalihang sports, sa darating na Disyembre or early next year.

Pina-block-off na raw niya ang schedule para sa operasyon niya sa Makati Medical Center. Pero hindi raw ito nangangahulugan na titigil na siya sa mga nakahiligang sports.

"When I was a kid, ang Daddy ko tinapon lang ako sa swimming pool para mag-swimming. Hindi ako may parents na kapag nalaglag, laging may nakabantay sa bata. My Dad wants me to learn. If I fall down, I'll learn from it. Ang pinaka-recent itong fingers ko. I broke it a week and a half ago," bungad ni Derek sa presscon ng One More Chance under Star Cinema, na ipapalabas on Wednesday, November 14.

Hindi ba natra-trauma ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban sa mga aksidenteng inaabot niya?

"I think nasasanay na siya. Nasasanay na siya kasi everytime I see her of, ah, nasugatan ako, kumakamot na lang ng ulo. Like my parents also, kumakamot na lang ng ulo...Tinahi ako dito. 'Etong mata ko nalaglag na ‘yan dati. Sinisipa-sipa pa ako nung araw sa rugby ng spike ng sapatos... Pero sana alagaaan niya ako habang nakahiga ako sa ospital."

Continue reading below ↓

CHRISTMAS PLANS. Pasko na rin next month. Ano ang plano nila ni Angelica?

"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa nga alam ang plano ng Dad ko, e."

Malamang ay sa Tagaytay raw magpa-Pasko ang 27-year-old actor kasama ang kanyang pamilya. Inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal), inimbita ba niya si Angelica for Christmas sa kanila?

"Of course, iimbitahan ko siya sa Tagaytay but not on Christmas day. Kasi Christmas day, kailangan sa family niya. Bisita ako, bisita siya. But during Christmas kasi sa amin, we still celebrate Santa Claus.

"My Dad dresses up as Santa Claus. Three o'clock in the morning habang tulog na kaming lahat, maglalagay siya ng gifts niya para sa amin. Naiba lang siguro, dati stockings, ngayon pillow case. Last year ang binigay sa akin is digital na SLR na camera."

Ano naman ang kahilingan niya ngayong Pasko?

"Wala pa," ang sabi ni Derek. "Kasi kung ano yung sinusulat namin para kay Santa Claus, yun ang regalong gusto namin. Pero ang regalo ng parents ko sa akin, iba pa ‘yon. Ang regalo ng parents namin para sa amin, ilalagay sa ilalim ng puno. And then, under the tree, that's where we exchange gifts. Pero ang gusto talaga ng mga bata, yun yung mga sinusulat namin."

Continue reading below ↓

Hindi pa masyadong napag-isipan ni Derek kung ano ang hihilingin niya kay Santa Claus. Pero baka isang bagong wakeboard worth P25,000, plus another P25,000 para naman sa sapatos.

LIVE-IN RUMORS. Nabanggit din ni Derek na wala pa sa plano nila ni Angelica ang magpakasal. Although, may mga usap-usapan na nagli-live in na sila.

"Hindi pa. She has her place, I have my place."

But most of the time nasa place ba siya ni Angelica?

"Hindi nga kami masyadong nagkikita because of work. So, yung isyu na lumitaw na naging PA ko lang siya. Hindi totoo yun kasi ang effort namin sa relationship, kapag may trabaho ako at siya wala, bisita siya. Kung may trabaho siya at ako wala, pupunta ako. That's the only way we can make it work."

SEX-VIDEO ISSUE. Parehong silang busy kaya lalong walang time na makabuo ng isang sex video, gaya ng napabalita.

"Wala," nakangiting sagot ni Derek. "Mukha ba ‘kong Chinese? Maputi yung guy at ang laki ng tattoo ko sa likod. I'm not defending myself but it's so obvious naman na hindi ako yun."

Continue reading below ↓

Napanood na raw ni Angelica ang sinasabing diumano'y sex video nila. Siya kaya?

"Natawa lang ako. Actually, hindi ko ano, hindi ko hinanap even though I knew about it already kasi alam ko kung ano ang totoo."

Sinabi niyang isang kaibigan ang nagsabi sa kanya tungkol dito. Ano ang reaksyon ni Angelica?

"Ganun din. But I was a bit concerned para kay Angelica kasi, you know, the worst end is the girl here, e."

Dagdag pa niya, "You know, what's the point of denying kung kayo talaga, e, kitang-kita naman kayo ‘di ba? Uhm, you're just making yourself even worse. May sex video ka na, sinungaling ka pa. So...pero like what I said, you learn from the mistakes of others. Marami na ang nasunog d'yan sa paggagawa ng sex video o kung anuman ang nilalagay sa cellphone, so the best thing to do is huwag gumawa ng ganun."

So, hindi pa niya na-try gumawa ng sex video?

Continue reading below ↓

"Hindi ko pa nasubukan ang ganyan. Kahit sa ibang babae. I mean, bakit mo kailangang i-document? If you want to be safe gumamit ka na lang ng salamin kung gusto mo talagang panoorin ang sarili mo ‘di ba? Gumamit ka na lang ng mirror."

Pero nakapanood na siya?

"I'll be the first one to admit. Yeah, I've watched ever since I was in high school going to puberty. Sinungaling ka kung hindi ka nakapanood ng some sex video."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsey and girlfriend Angelica Panganiban (not in photo) will not be spending Christmas together. The 27-year-old actor says, "I'll be with my family. My family are in Tagaytay. My parents are here. They live in Tagaytay now. Pasko doon kami lahat, and then my dad has something...26 to before New Year, aalis kami. That's what I don't know. Surprise na ‘yan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results