Iwa Moto rushed to the hospital again

by Ruel J. Mendoza
Nov 11, 2007
Last month, Iwa Moto was rushed to the hospital due to appendicitis. She was supposed to rest for two to three months, but due to her numerous projects, she asked her doctor to allow her to go back to work. Recently, she was rushed to the hospital again. This time, doctors cited overfatigue and potassium deficiency as the reasons why she fainted.

Tinakbo ulit sa ospital ang Starstruck 3 First Princess na si Iwa Moto noong nakaraang Thursday, ika-8 ng Nobyembre, habang nagsu-shoot siya ng isang challenge sa Mandaluyong para sa gag show na Nuts Entertainment.

Kuwento nga ni Iwa ay mabilis ang mga pangyayari at bigla na lang daw siyang nawalan ng malay. Pagkagising niya ay pinapaypayan na siya ng mga kasamahan sa set. Dinala siya sa ospital na malapit sa location ng taping nila noong araw ding iyon.

"Ang challenge ko kasi ay yung mag-carwash ako ng tatlong kotse. May kasama naman akong carwash boy at nakaposas ako sa kanya. Noong una nga ay okey lang at ang kulit-kulit ko pa. Nakikipag-hilahan pa nga ako roon sa carwash boy kasi ang bilis-bilis niya kumilos, eh, bagong opera pa naman ako, ‘di ba?

"Tapos nakaramdam ako na nahihilo na ako. Kasi nga, bukod sa mahirap yung challenge, mainit pa sa pinuntahan namin. Kaya noong nahihilo na ako, hindi na lang ako masyadong nagsasalita para mapakiramdaman ko nang mabuti at may magawa akong paraan para ‘di ako matumba.

Continue reading below ↓

"Eh naririnig ko na yung handler ko na sinabi na, ‘O tahimik na si Iwa, nahihilo na ‘yan!' 'tapos tinanong naman ako kung okey pa ba ako? Kung hindi raw, titigil na raw yung challenge. Eh, um-okey ako naman ako," ang salaysay ng Fil-Japanese actress.

Kahit na medyo masama na ang pakiramdam ay hindi raw nagpahalata si Iwa.

Aniya, "Ayoko kasing maging cause ng delay o maging dahilan ako kung bakit ‘di natapos yung challenge. Kaya kinaya ko hanggang matapos namin yung paglinis sa isang kotse.

"Eh noong puntahan na namin yung second car, doon na ako nag-blackout! Hindi ko na alam ang nangyari. Sabi nila, bigla na lang daw akong bumagsak, eh, buti na lang nakaposas pa ako doon sa carwash boy kaya na-break niya yung bagsak ko. Grabe kasi wala akong matandaan na nangyari pagkagising ko."

Nang dalhin siya sa isang ospital sa Mandaluyong, nag-request si Iwa na i-transfer siya sa ospital sa Las Piñas City, kung saan nandoon ang family doctor niya at malapit lang sa bahay nila.

Continue reading below ↓

"Noong malaman nga ni mommy, nataranta siya kasi nga opening pa naman ng araw na iyon ng carinderia niya na malapit lang sa bahay namin. Gusto niya akong puntahan sa Mandaluyong pero sabi ko na okey na ako. Nagpalipat na ako sa Las Piñas para mas malapit na at doon na lang siya pumunta. Ayoko namang sirain ang opening ng business niya, ‘di ba?" sabay tawa ni Iwa.

Ang findings nga ng doctor ay overfatigue. Kulang din daw si Iwa sa potassium.

"Kaya pala hirap akong igalaw ang mga legs ko. Hindi ko nga siya mai-angat kaagad para makalakad ako. Yun daw ang sign na kulang ako sa potassium. Sinabi nga ng doctor ko na kumain lang daw ako ng mga pagkain na rich in potassium tulad ng saging. Kaya si mommy, isang sanga yata ng saging ang binili para kainin ko.

"Na-over fatigue ako kasi nga one month pa lang ako nakakapagpahinga since my operation, eh, nagtrabaho na ako kaagad. Nag-taping na ako agad for Zaido: Pulis Pangkalawakan at yung mga huling eksena ko for Kung Mahawi Man ang Ulap. Tapos may Nuts Entertainment pa ako. Kaya hayun, naging suki na naman ako ng sakit!" tawa niya ulit.

Continue reading below ↓

Bilin nga sa kanya ng doctor noong una ay two to three months ang pahinga niya dahil sa naging operasyon niya. Pero nagpumilit si Iwa na magtrabaho dahil nga marami na raw siyang nabitin na mga tapings.

"Alam naman ng lahat na tinutulungan ko ang mommy ko sa mga gastusin namin sa bahay. 'Tapos may bahay pa akong pinapatapos gawin. Ako na ang nangulit sa doctor na magtrabaho na ako. Basta ang bilin niya na huwag ko raw kalimutan uminom ng mga vitamins at kumain ako ng tama," ang sabi pa ng dalaga.

Kahit pa pagod siya dahil sa dami ng projects niya ngayon ay laking pasalamat pa rin niya. Malaking bagay din para sa kanya ang pang-unawa na ibinibigay sa kanya ng management.

"Naiintindihan naman ng GMA-7 ang kalagayan ko. Lalo ngayon ay hindi pala ako puwedeng ma-stress parati or else mahihimatay na naman ako sa pagod. Ako nga, nahihiya na sa GMA-7 kasi lagi na lang nila akong iniintindi since nagkasakit ako. Kaya ngayon I'm taking extra precaution na. Alam ko na ang mga gamot ko at hanggang saan ang kaya ko sa work. Kapag may nararamdaman daw akong kakaiba, sabihin ko lang para makapahinga ako."

Continue reading below ↓

And as usual, na-tsismis na baka raw buntis itong si Iwa kaya siya nahimatay.

"Ano ba ‘yan? Nakailang buntis na ba ako?" tawa niya ng malakas. "Kung totoo ang mga balitang buntis ako, baka tatlo na ang anak ko ngayon. Jusko naman, bagong opera ako. One month pa lang ang nakalipas, paano naman ako mabubuntis niyan? Eh, di bumuka na agad ang tahi ko niyan."

At para hindi na lumaki pa ang isyu, nagbigay na agad si Iwa ng isang klarong pahayag: "Hindi po ako buntis at wala pa sa plano ko na magkaroon ng baby. Kung okey na ang buhay namin at may natagpuan na akong lalake na magiging asawa ko, doon na ako puwedeng magbuntis. Ako na mismo ang mag-annouce na buntis ako."

Read Next
Read More Stories About
Iwa Moto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last month, Iwa Moto was rushed to the hospital due to appendicitis. She was supposed to rest for two to three months, but due to her numerous projects, she asked her doctor to allow her to go back to work. Recently, she was rushed to the hospital again. This time, doctors cited overfatigue and potassium deficiency as the reasons why she fainted.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results