Rochelle Pangilinan defends Sexbomb in "snubbing" incident with Jaya

by Ruel J. Mendoza
Nov 11, 2007
As the Sexbomb Girls are gearing up for the 17th season of Daisy Siete, the media and press ask the group about their snubbing incident with Jaya. Rochelle Pangilinan, who will play the lead role in Ulingling, says it wasn't intentional.

Bilang leader ng Sexbomb Girls, ipinagtanggol ng bida ng Daisy Siete: Ulingling Season 17 na si Rochelle Pangilinan ang kanyang grupo sa paratang diumano ni Jaya na hindi raw siya pinansin ng Sexbomb Girls noong nagkasalubong ng SOP group at ang All Star K! host sa hallway ng GMA-7 studio. Tanging si Sexbomb Che-Che lang daw ang bumati kay Jaya, samantalang dedma raw ang iba.

Though wala noong araw na iyon sa SOP si Rochelle, alam daw niya kung gaano kabilis ang palitan ng production numbers sa naturang show. Ang dressing room daw nila parati ay nasa third floor, kaya after ng isang production number, tatakbo sila kaagad para sa mabilisang palitan ng costume at bababa rin agad para bumalik sa studio.

"Kung alam lang nila kung gaano kabilis ang ginagawa naming pagbihis, hindi ninyo kakayanin kasi wala ka nang ibang iisipin kundi ang umakyat at magpalit, 'tapos baba ka ulit. Gano'n kami kabilis kumilos kaya kung may bumati man sa amin, hindi na namin talaga napapansin kasi lahat kami, abala," paliwanag ng lider ng nasabing dancing group.

Continue reading below ↓

Pero kung hindi man nabati ng Sexbomb girls si Jaya ay ihihingi na lang daw ni Rochelle ng pasensiya ang kanyang grupo. Kasi nga naman, hindi yata tama na binati mo ang isang tao 'tapos dedma ang aabutin mo.

Aniya, "Pero kung sa palagay po ni Jaya ay na-offend ng grupo ang ‘di pagbati sa kanya, ako na po ang magsu-sorry in behalf of the group. Hindi po nila meant na hindi batiin si Jaya. Nagkataon lang na sobrang nagmamadali lang sila that day dahil magkasunod ang production numbers nila."

May ilang reporters nga sa nasabing press conference ng Daisy Siete—na naganap sa Fun Side bar sa Timog Avenue, Quezon City, last November 9— ang nag-react sa issue na iyon ni Jaya sa Sexbomb Girls. Medyo sensitive daw kasi itong si Jaya na porke't hindi lang siya nabati ay nagsumbong na kaagad ito sa isang reporter.

"Bakit si Jaya ba, marunong bumati?" talak ng isang mataray na reporter. "Eh, dedma rin naman siya kapag binabati siya ng mga reporter. Palibhasa, hindi siya nag-e-effort na tandaan ang mga pangalan ng mga reporters kaya hindi siya nambabati. Binabati lang niya yung mga kilala niya. 'Tapos, nag-e-emote siya diyan. Matuto muna rin siyang bumati, ‘no!"

Continue reading below ↓
Teka, teka, sino ba ang hindi marunong bumati, ang Sexbomb girls o si Jaya?
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As the Sexbomb Girls are gearing up for the 17th season of Daisy Siete, the media and press ask the group about their snubbing incident with Jaya. Rochelle Pangilinan, who will play the lead role in Ulingling, says it wasn't intentional.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results