Rumored breakup of Christian Bautista and Rachelle Ann Go getting more buzz

IMAGE 0


Although Christian Bautista denied that he and Rachelle Ann Go have broken up, the rumor just refuses to simmer down. According to a report, the singing couple ended their relationship long before their U.S. concert tour.



May nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na break na sina Rachelle Ann Go at Christian Bautista after two years of being together. Matagal na raw break ang dalawa at sa last trip nila sa United States for a series of shows ay wala na sila. Pero ngayon lang lumabas dahil hindi nila sinabing tapos na ang kanilang relasyon.



Sa concert ni Beyonce Knowles sa The Fort noong November 7, ang dating manliligaw na si Jed Madela ang kasama ni Rachelle. Niyaya raw siya ng binata at dahil wala na siyang boyfriend ay sumama naman.



"Hindi kami magkasundo sa ugali," ang sagot daw ni Rachelle nang usisain sa breakup nila ni Christian pero hindi na siya nag-elaborate. Hindi rin nito sinabi kung sino sa kanilang dalawa ang nagbago ang ugali.



Ang breakup din daw nila ni Rachelle ang rason kung bakit hindi pumayag si Christian na magkaroon ng presscon ang show niya sa St. Francis Square. Bukod sa ayaw siguro nitong matanong sa nangyari sa kanila ng dalaga, ayaw rin nitong magsinungaling. Si Christian pa naman, pagdating kay Rachelle ay non-stop ang mga kuwento. Ano nga naman ang itsitsika niya sa press kung wala na sila?



Balita pa ng PEP, mula nang malaman ng mga dating manliligaw ni Rachelle na wala na sila ni Christian, bumabalik ang mga ito at muli siyang nililigawan. Kasama kaya sa mga muling nanliligaw sa singer si Mark Bautista?



Nag-text ang PEP sa publicist ng Stages, ang management company ni Christian, upang kumpirmahin ang balitang breakup ng dalawang singers ng ASAP '07. Ang reply sa amin ni Oliver Oliveros ay saan daw nakuha ng PEP ang istorya.

Nang sabihin namin na reliable ang pinanggalingan ng balita, kakausapin daw muna niya sina Rachelle at Christian at saka babalikan ang PEP. But as of press time ay hindi pa uli nagti-text sa amin si Oliver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN