Gladys Reyes told to avoid sex while on anti-rabies treatment

IMAGE 0


"Hindi ako puwedeng makipag-french kissing, makipag-sex or anything namay exchange ng body fluids hanggang hindi matapos ang mga pagturok saakin. Dyusko, mababaliw ako! Lagot sa akin ‘yang pusang gala na ‘yan!Pati sex life namin ng mister ko, na-put on hold!" screams Gladys Reyes, laughing.



Nakibalita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gladys Reyes tungkol sa kanyang kalagayan pagkatapos makagat ang kanyang paa ng isang pusang gala sa presscon ng Sine Novela ng GMA-7 na My Only Love noong November 7.



Hindi na nakabalik sa presscon si Gladys dahil tinurukan na siya ng anti-rabies injection sa isang hospital. Nanlata na raw ang buong katawan ni Gladys kaya minabuti na lang niyang umuwi.

"Naku, takot pa naman ako sa mga injection, ‘tapos bigla akong tinurukan! Wala akong choice, or else, baka ma-infect ako ng rabies. Ewan ko ba naman kung bakit may pusang gala na nakapasok sa restaurant na ‘yon," sabi ni Gladys nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Hanggang December 5 pa raw ang anti-rabies injections ni Gladys. Kinakailangan daw na 24 injections ang ibigay sa aktres para matiyak na hindi siya ma-infect ng rabies.



"Wala talaga akong choice at kailangang sundin ko ang doctor. Okay lang kasi health ko naman ang nakasalalay kung dededmahin ko ‘yon. Kailangan kong maging rabies-free kasi ang ini-endorse ko pa naman, e, sabon na pamputi pampaganda ng kutis. 'Tapos malalaman nila na bumubula na pala ang bibig ko at naghuhuramentado! Hindi yata magandang image ‘yon, di ba?" malakas na tawa ni Gladys.



Ang ikinaloka raw si Gladys ay hindi siya puwedeng sumiping sa kanyang mister na si Christopher Roxas for 28 days hangga't hindi natatapos ang anti-rabies injections.



"Hindi ako puwedeng makipag-french kissing, makipag-sex or anything na may exchange ng body fluids hanggang hindi matapos ang mga pagturok sa akin. Dyusko, mababaliw ako! Lagot sa akin ‘yang pusang gala na ‘yan! Pati sex life namin ng mister ko, na-put on hold!" tawa niya ulit.



Pero kaya naman daw nilang mag-asawa na magtiis dahil para naman ‘yon sa ikabubuti ng kanilang kalusugan. Kaya naman sa trabaho muna concentrated ang mag-asawa.



"Mabuti na lang at may My Only Love ako sa GMA-7 at Moments sa Net 25 na pinagkakaabalahan ko. Kung wala akong shows, mababaliw ako! Iisipin ko na lang parati kung ano ang ginagawa ng mister ko!" at napahalakhak na naman si Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pero malaki ang trust ko kay Christopher," bawi niya. "Makakatiis siya dahil 28 days lang naman. Bago nga kami ikinasal noon, ilang buwan din siyang nawala pero he remained faithful sa akin. ‘Tsaka malalaman ko naman kung may ginawang hindi ko ikatutuwa ang mister ko, ‘no! Matalas ang pang-amoy ko. The nose knows, ‘di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN