PEP EXCLUSIVE: Richard Gutierrez puts closure on personal issues

IMAGE 0


Richard Gutierrez found it difficult to sustain his long-distance loveaffair with long-time girlfriend Georgina Wilson (inset, top), who lives in Australia. Moving on, he has signed an exclusive contract with GMA Films. He expresses warm support for former co-star Angel Locsin (inset, bottom), no matter that she crossed over to ABS-CBN.



Sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Richard Gutierrez sa taping nito ng Kamandag sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan, kagabi, November 11, para makuhanan ng kanyang reaksiyon sa iba't ibang isyu tungkol sa kanya.



Kumapal na nang husto ang mga nagmimiron sa taping ng Kamandag kahit si Richard lang naman ang kukunan ng mga eksena. Kahit naka-costume na siya nang lumabas sa trailer van ng GMA-7 ay nakilala pa rin siya ng mga tao at nagkaroon ng pandemonium.



"I re-energize my mind and my body for this new series," panimula ni Richard nang kumustahin siya ng PEP. "Ganoon naman ako everytime na may bagong challenge. Lupin was a bigger challenge than Captain Barbell, and definitely, Kamandag will be much bigger than Lupin.



"I'm not just physically prepared for this, but mentally as well. I have strengthened my workouts, got into more cardio exercises. I even had a personal trainor who's going to appear in the series, too—si Brandon Vera, who's really very good in martial arts.



"Here in Kamandag, there's a special kind of footwork and moves that we're going to show the public, as far as fight scenes are concerned. Nag-aral talaga ako ng Jujitsu and Muay Thai for this. Almost three weeks na dire-deretso ang training ko," lahad ng matinee idol.

RAYMOND & RUFFA. Sa mga intriga, ayaw nang pag-usapan ni Richard ang kung anumang naganap sa pagitan nila ng kakambal niyang si Raymond Gutierrez.



"Tapos na rin 'yon, naayos na. Kung magsasalita pa ako, baka maging isyu uli," pag-iingat ng aktor. "It's no big deal really, but my mom [Annabelle Rama] just mentioned it during her birthday celebration in SOP. I don't want to dwell on it. Pero okay na kami [ni Raymond].



"'Yung tungkol naman kay Ate [Ruffa Gutierrez]," patuloy niya, "never kaming nagkaroon ng rift. Kaya lang naman hindi na kami nagkakausap dahil pare-pareho kaming busy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi na kami nagkikita-kita sa bahay. May kanya-kanya kaming trabahong magkakapatid, everyone's busy. Kami nga ni Ate, nagte-text na lang. O kaya, sa telepono na lang nag-uusap.



"Normal na sa amin yung three to four days, hindi nag-uusap-usap, kasi walang time. Kailangan naming mag-work, kanya-kanya muna. But we text and call each other sa phone, pero sandaling-sandali lang. Hindi na kami nakakapag-bonding," sambit ni Richard.



GEORGINA WILSON.
Zero ang lovelife ngayon ni Richard. Matagal na silang off ng kanyang ex-girlfriend na si Georgina Wilson, who is now based in Australia.



"Sinasabi lang naman ni Mommy na si Georgina ang talagang gusto niya sa akin, dahil ganoon naman siya. Kung sino yung love ko, gusto na rin niya," sabi ni Richard.



"Pinababayaan naman niya ako sa parteng 'yan. She doesn't meddle in my private and personal affairs. But being my mom, she has the right to voice out her opinion. Nasasabi lang niya na gusto niyang balikan ko si Georgina, because I'm not yet dating anyone. Naka-focus ako sa trabaho ko ngayon.



"Hindi nag-work yung sa amin ni Georgina dahil long-distance love affair yung sa amin. Hindi talaga uubra sa akin ang ganoong set-up," pag-amin ni Richard.



ANGEL LOCSIN. Nagsusuportahan pa rin sila ni Angel Locsin kahit nasa Kapamilya network na ito. Pero idiniin ni Richard na hindi niya gagawin kung anuman ang naging career move nito na paglipat from GMA-7 to ABS-CBN.



"Five years ago, gusto na ako ng ABS-CBN," pagsisiwalat ni Richard. "Kaso, GMA-7 gave me an offer I couldn't refuse, that was Mulawin. Kami ni Angel, gumanda ang takbo ng career namin noon dahil sa series na 'yon, at nagtuloy-tuloy rin ako.



"Masaya ako sa GMA-7 dahil through the years, inalagaan nila ako nang husto. Narating ko ito dahil sa kanila, kaya hindi puwedeng basta iwan ko na lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"As for Angel, kung 'yon ang gusto niya, may reasons siya, and I just have to respect them. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na susuportahan niya ako, the same way na I'm always ready rin to support her. Walang nabago sa friendship namin," pahayag ng young actor.

Mukhang ilalaban pa ni Mother Lily Monteverde ang paniniwala niyang dapat ay gumawa pa ng ilang pelikula si Angel sa Regal. Pero si Richard, pumirma na ng exclusive contract sa GMA Films.



"Yeah, tapos na ang contract ko sa Regal, at wala na kaming obligation kay Mother. Yeah, Mother Lily understands naman dahil noon pa nakipag-usap ang mommy ko sa kanya. As far as I'm concerned, wala nang problema riyan, that's why exclusive na ako sa GMA Films at sa kanila na ako gagawa talaga ng movies," huling pahayag ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN