Piolo Pascual and Sam Milby find a new ally in Dolly Anne Carvajal

IMAGE 0


"We already talked to our lawyers. Lumabas na naman si Sam [Milby, right], so I don'tthink kailangan ko pang magsalita. Wala akong dapat sagutin. Let's justwait and see," says Piolo Pascual (left) about the possibility of filing a case against Lolit Solis.



Nagsalita na sa unang pagkakataon si Piolo Pascual last Sunday, November 11, sa The Buzz kaugnay ng isinulat ng entertainment columnist/talent manager/TV host na si Lolit Solis sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon noong October 15. Ayon kay Lolit, nakita niya sina Piolo at Sam na nagbubulungan sa coffee shop ng Hotel Sofitel noong October 12.

Matatandaang unang nagsalita si Sam sa The Buzz kaugnay sa naturang isyu bago siya umalis kasama sina Piolo at Pokwang papuntang Canada para sa series of shows nila roon. Nagbanta si Sam na idedemanda si Lolit kung hindi ito mag-apologize o kung hindi niya babawiin ang kanyang isinulat.

Noong Miyerkules, November 7, bumalik ng Pilipinas sina Piolo at Sam. Pero bago sila dumating, lumabas sa column ni Dolly Anne Carvajal sa isang broadsheet na posibleng "hearsay" lang ang Lolit Solis exposé.

Nakarating kay Dolly Anne na wala talaga diumano si Lolit sa Hotel Sofitel noong maganap ang kontrobersiyal na pagkakita niya kina Piolo at Sam. Ayon pa kay Dolly Anne, isang kaibigan lang ni Manay Lolit ang nagkuwento na nandoon ang dalawang kontrobersiyal na matinee idol.



"I'm very thankful na may mga taong katulad niya [Dolly Anne] na naniniwala sa katotohanan," pahayag ni Piolo. "Nakakatuwa dahil hindi na siya inoobliga or you're not even asking her to support or protect or order you, pero siya na ang gumagawa."

Dagdag ni Piolo, "I hope yung katulad ni Dolly Anne, e, mas dumami pa, you know. Kasi importante rin na may kredibilidad tayo sa pagsusulat and so, I salute her. I admire her for doing that."

Samantala, nagbigay rin ng kanyang pahayag si Sam sa The Buzz tungkol sa isinulat ni Dolly Anne.

"I just can't be thankful enough for supporting... For what she's doing just to take me in to the article, so I just want thank her. Thank you so much, Ate Dolly."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa plano nilang pagsasampa ng kaso laban kay Lolit, ito ang naging pahayag ni Piolo: "We already talked to our lawyers. Lumabas na naman si Sam, so I don't think kailangan ko pang magsalita. Wala akong dapat sagutin. Let's just wait and see."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN