Mark Anthony Fernandez: Totally healed and recovered

IMAGE 0


"Wala na po yung regrets kung dahil sa naging sitwasyon ko noon, maymga na-miss or nasayang. At peace talaga ako ngayon, thankful ako salahat ng bagay," says Mark Anthony Fernandez about his current state of mind.



Pagkatapos ng Impostora, kung saan marami ang nagkagusto sa ipinamalas na performance ni Mark Anthony Fernandez, nabigyan kaagad ang aktor ng bagong serye ng GMA-7, ang Kamandag.

"Matalik akong kaibigan ni Vergel dito, ni Richard Gutierrez nga, pero magiging mortal din niya kong kaaway. Magsisimula yung away sa pagitan namin dahil isa sa leading ladies niya ang pareho naming magugustuhan, I think it's Jewel Mische. Pareho kami ng kapangyarihan ni Richard, pero yung sa akin nga lang, ginagamit ko sa kasamaan," paglalarawan ni Mark tungkol sa kanyang character sa Kamandag sa presscon ng naturang fantaserye kagabi, November 12, sa Studio 3 ng GMA Network.

"Magaganda talaga yung mga project na ibinibigay nila," patuloy niya, "kaya nagpapasalamat talaga ako sa GMA. Ipinagkakatiwala nila sa akin yung mga role, na talagang gusto ko rin naman talaga ang ibinibigay nila. Kaya kapag may inu-offer sila, halos hindi na ako nagdadalawang-isip dahil naniniwala naman ako sa mga ibinibigay nila sa akin."

Binigyang-linaw rin ni Mark kung bakit hindi na niya nagawang tanggapin ang sequel ng Super Inggo ng ABS-CBN, kahit isa siya sa original cast ng naturang telefantasya at hindi rin naman siya exclusive star ng Kapuso network.



"Nauna kasi ito [Kamandag], e, nauna itong in-offer," paliwanag ni Mark. "'Tapos siyempre, kumbaga, parang malaki talagang project at ‘yon nga, mas nauna nga. Hindi ako exclusive sa GMA. I believe puwede pa rin akong gumawa kahit saan, pero as of now, nandito nga kami, so we're very happy.



Dagdag niya, "At saka, gusto ko talagang bumawi sa GMA dahil magaganda yung ibinibigay nila sa akin. Pinagkakatiwalaan pa rin nila ko kahit na nadapa ako dati sa harap nila, okay lang sa kanila ‘yon."



LAPID'S CONSULTANT. Kahit very busy na si Mark sa pag-aartista, tuloy-tuloy pa rin daw ang trabaho niya kay Senator Lito Lapid bilang consultant nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Consultant pa rin po niya ako," sabi ni Mark. "Actually, para rin akong proxy. Yung job description ko consultant, pero lumalabas para rin akong proxy na kapag hindi siya makapunta, ako yung nagiging representative niya. Hindi naman ako yung regular na pumapasok, basically, on call lang ako palagi."

Ayon pa kay Mark, dalawang beses na raw siyang nakapagbigay ng speech in behalf of Senator Lapid, pero mas madalas raw ang pag-attend niya ng iba't ibang functions na kadalasan ay nandoon lang siya para kumain.

"Kaya ang sarap nga, e!" natatawa nitong sabi. "Actually, natutuwa lang ako dahil dati si Senator Lapid, isa lang sa mga artistang dati kong hinahangaan, ‘tapos ngayon, parang kai-kaibigan ko na."



Paano siya nagsimulang magtrabaho para kay Senator Lapid?



"Bale ginagawa namin ang Batas Militar noon, nagkakuwentuhan ng kung anu-ano lang sa Pilipinas. Parang bata na nagkukuwento lang. Natuwa siya, so yun na... Sabi niya, ‘Kung interesado ka, punta ka sa ganito...'" salaysay ni Mark.



Hindi rin itinanggi ni Mark na noong ikinasal sila ng asawang si Melissa ay isa si Senator Lapid sa tumulong sa mga gastusin nila.

Bagama't nagtatrabaho siya part time for the senator, binigyang-diin ni Mark na wala siyang planong pumasok sa pulitika.



"Wala po, e...wala po talaga. Tingin ko, ang gusto ko lang talaga ay ang pag-aartista at suporta-suporta lang sa mga gusto kong pulitiko. Kumbaga, parang sigaw ng bayan, yung ganoon," sabi niya.

RUDY'S HEALTH. Kinamusta rin ng PEP kay Mark ang kalagayan ng kanyang ama na si Rudy Fernandez.



"Si Papa, hopefully maging okay na okay na, pero hindi pa declared na wala," sabi niya. "So, konting dasal pa po. Sa ngayon, another forty-five days pa raw po na gagamutin siya. Hindi ko lang po alam kung chemo pa rin ba ang tawag doon or may ibang tawag yata. Ang alam ko lang po, yung ganoon, every forty-five days po ang gamutan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bilang anak, paano niya naipapakita ang suporta sa ama?



"May mga times na sinasabi ko sa kanya na kung ano yung mga hang-ups ko dati, hindi ko na hang-ups sa ngayon. Minsan, gusto ko iparamdam sa kanya na parang dati lang, walang nabago," pahayag niya.



FULLY RECOVERED. Hindi kaila ang mga pinagdaanan ni Mark during his late teens to his early twenties. Would he say na sa ngayon, totally healed and recovered na nga siya?



"Sa tingin ko po, opo, totally healed and recovered po," sagot ng 28-year-old actor. "At saka, wala na po yung regrets kung dahil sa naging sitwasyon ko noon, may mga na-miss or nasayang. At peace talaga ako ngayon, thankful ako sa lahat ng bagay.



"Kung personal ang pag-uusapan, kumbaga, lahat ng pinagdaanan ko noon, nagbunga naman para maging at peace ako. There's joy naman within.

"With regards to career naman, I am more happy dahil karamihan ng role na nakukuha ko ay magaganda at markado naman," pagtatapos ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN