Mark Herras attributes weight loss to heavy workload

IMAGE 0


"Sa sobrang pagod sa trabaho, ako yung tipong hindi nakakakain. Mayroonkasing iba, kung pagod sila, doon lumalakas ang pagkain nila. It's notthe same with me," explains Mark Herras about his weight loss.



Nakakaalarma para sa marami ang pagpayat ng young actor na si Mark Herras. Nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping set ng My Only Love sa Loyola Grand Villas, ito ang unang kinumusta namin kay Mark.



"Sila nga ang umako ng workload na ginagawa ko sa ngayon, ewan lang kung hindi rin sila mamayat," pasaring ni Mark sa kanyang detractors.



"Sa sobrang pagod sa trabaho, ako yung tipong hindi nakakakain. Mayroon kasing iba, kung pagod sila, doon lumalakas ang pagkain nila. It's not the same with me," paliwanag ng young actor.

Kung anu-ano na nga ang speculations na kumakalat sa pamamayat ni Mark. Mayroong kesyo iniinda pa rin niya ang problema sa kanyang inang may sakit.



"Okay na ang mom ko," pagbabalita ni Mark. "Nagkaroon siya ng problema sa stomach, last year pa 'yon, but okay na siya ngayon. Wala akong pinoproblema sa family ko ngayon. Even my lola, wala siyang sakit. My mom is on vacation right now at nagpapahinga."

Dahil sa pagpayat ni Mark, may mga nagsasabi ring tila nalululong na sa droga ang young actor. Pero sa dami ng trabaho ni Mark, baka nagkaproblema rin siya rito kung gumagamit nga siya ng ipinagbabawal na gamot.



"Bakit ko naman gagawin 'yon? Alam ko ang ill effects ng drugs, kaya bakit ko pa susubukan?" tanong niya.



"Ang problema lang sa akin, grabe rin akong maglabas ng energy. Gusto ko, yung lagi akong may ginagawa. Kaso kung ganyang puyat ako sa sunud-sunod na taping, at hindi ako masyadong nakakakain, anong calories ang ibe-burn ko?" paliwanag niya.

TEAM-UP WITH RHIAN. Wala nang pinoproblema nang matindi si Mark pagdating sa trabaho. Masaya siya sa ibinibigay na trabaho ng GMA-7 sa kanya, at sa bagong soap opera na My Only Love, mayroon pa siyang bagong leading lady, si Rhian Ramos.



"Very promising si Rhian," sabi ni Mark. "Sa palagay ko, maganda ang magiging epekto niya sa akin, sa popularity ko. Sana rin, masuportahan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakabilib ang pakikisama niya. Kahit sa maliliit na nagtatrabaho sa set, pantay ang trato niya. Kinakausap niya ang lahat. Parang one of the boys ang dating ni Rhian. Pero hindi siya tomboy, or tomboyish. Talagang ganoon lang siya, yung kumportable siya sa lahat."



Happy si Mark dahil ito ang narating ng career niya, na tanggap ng mga tao kahit iba ang kapareha niya, other than Jennylyn Mercado.



"Kami ngayon ni Rhian, at hindi siya mahirap maging ka-loveteam," banggit ni Mark. "Kasi wala talaga kaming relasyon. At sinasabi ko naman, I'm carrying on a relationship with Lian [Paz], member siya ng EB Babes."



Patuloy niya, "Si Ryza Cenon ang kasama ko sa Fantastic Man, at marami rin ang natutuwa sa pareha namin. There was a time, may guestings na kami ni Marian Rivera ang magkapareha at maganda rin ang feedback.



"I guess, the fans just got over it na, yung sa amin ni Jen. Nariyan pa rin naman sila to support us, pero tanggap na nila kahit iba ang nakakapareha namin."

PATRICK & JENNYLYN. Kung magdidirek daw ang bagong boyfriend ni Jennylyn na si Patrick Garcia, okay lang daw sa kanya na magkapareha sa pelikula niya sina Mark at Jennylyn.



"Gusto ko rin yung ganyang idea," nakangiting sabi si Mark. "Kami naman ni Patrick, nagkasama kami sa Fantastic Man, okay kaming dalawa. Hindi nga lang namin pinag-uusapan si Jen. Sa akin kasi, respeto na lang doon sa privacy ng relationship nila.

"May mga nagtatanong nga sa akin tungkol sa Boracay escapades nina Jen at Patrick, labas na ako doon. Hindi naman ako kasama sa bakasyon nila. How am I suppose to answer that? Wala akong maiko-comment," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN