Superhero roles still work for Richard Gutierrez

IMAGE 0


Richard Gutierrez wears special contact lenses for his superhero role in Kamandag, giving him an other-worldly look.



Bago sinimulan ni Richard Gutierrez ang pagte-taping for his newest series sa GMA-7, ang Kamandag, nabigyan siya ng chance na makapagpahinga ng dalawang buwan. Sabi ng young actor, okay na raw sa kanya ang two months and after that ay sasabak na naman siya sa dire-diretsong trabaho at puyatan.

"Okay na sa akin ‘yon, na-energize at na-recharge na ako kahit paano," umpisang sabi ni Richard sa press launch ng Kamandag sa Studio 3 ng GMA-7 kagabi, November 12.

During the presscon, nabanggit ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante na because of Richard's superhero roles—in Mulawin, Sugo, Captain Barbell, and Lupin—tumaas pa ng 10-12 percent ang rating ng Kapuso network compared sa competition nito. Kaya naniniwala si Ms. Galvante na kapag superhero ang role ng young actor ay tiyak na magugustuhan ito ng mga manonood.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Richard kung ano ang dating sa kanya ng naturang pahayag ng GMA executive dahil tila nata-typecast na siya sa mga superhero roles. Is that negative or positive for him?

"No, it's not something negative," diin ni Richard. "It's something that works now. It's what we can offer the best now. And when people get tired of it, eventually, we can offer something new and I'll be happy to offer something new."

SINGLE & AVAILABLE. Sa ngayon, aminado si Richard na he's available now dahil wala na nga silang dalawa ng girlfriend niyang si Georgina Wilson. Ano ang mas gusto niya, yung single siya or may girlfriend?

"Actually, parehong may pros and cons, pero it's something new," sabi niya. "Being single is still something new to me. I'm still trying to live up to it. You know, I'm not saying 'no' to having a girlfriend. Pero sa ngayon, ayoko munang magka-girlfriend. Kasi all my life, I have a girlfriend, I never really became single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There was a time na I became single for, let's say, a month or two months, ‘tapos may girlfriend ulit. So, parang ngayon, gusto ko namang mag-enjoy. Hindi rin naman yung I'll just be playing... Kasi kung magkakaroon din naman ako ng girlfriend, it would just be unfair and that's what I realized.

"Now, I have to focus on my work, on myself. Kung meron man akong time na lumabas, e, di okay," pahayag ni Richard.



Biro namin, paano na ang "kamandag" niya kung single siya?

"Nandiyan lang ‘yan!" natatawang sabi ni Richard.

NEW LEADING LADIES. Ngayon sa Kamandag, dalawa ang bago niyang leading ladies—sina Maxene Magalona at Jewel Mische. Paano niya ide-describe ang dalawa at, so far, kanino niya masasabing mas close siya?

"Well, like I always tell people, I'm close to everyone on the set. Wala akong hindi pinapansin. Kung paano ako sa isang tao, ganoon ako sa lahat. Si Ehra [Madrigal], matagal ko nang kakilala. Si Maxene [Magalona], matagal ko na rin kakilala. Si Jewel, she's the only leading lady na I'm still getting to know. Finding each other kung ano ang mga personalities namin," pahayag ni Richard.

Sa hiwalay na interview ng PEP kay Jewel, nasabi ng young actress na nasa point na na nagte-text at nagtatawagan na sila ni Richard.

"Yeah, I won't deny that," pagkumpirma naman ni Richard.

May lumabas na balita na finalist pa lang si Jewel sa StarStruck ay attracted na raw si Richard sa dalaga. Ito raw ang dahilan kung bakit isa raw ang young actor sa nag-suggest na maging leading lady niya si Jewel sa Kamandag. Totoo ba ito?

"Noong StarStruck, siya na ang bet ko," pag-amin ni Richard. "Kasi everybody was hating her. Everybody was giving negative comments, but I see that it's a wrong way of looking at her. Kasi you have to look at her positive side din before you see her negative side. And that's how I see people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"With the so many things that are going on with her, hindi ko maintindihan kung bakit yung mga negative ang pinag-uusapan ng mga tao, gayong hindi naman totoo."

Ibig bang sabihin nito ay na-challenge siya kay Jewel?



"Well, I see her as a beautiful person, you know," sagot ng binata bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN