PEP EXCLUSIVE: Ara Mina says sister Cristine has strong evidence against Carlene

IMAGE 0


"Kung tutuusin, pareho lang sila ni Cristine na walang karapatan kayDennis. E, bakit kailangang sumugod siya doon at gumawa ng eskandalo?" says Ara Mina about the confrontation between her sister Cristine Reyes (inset, top) and Carlene Aguilar (inset, bottom).


Pagkatapos asikasuhin ni Ara Mina ang pagsuporta sa kapatid na si Cristine Reyes sa pagsampa ng huli ng demandang grave scandal and oral defamation laban kay Carlene Aguilar kahapon, November 13, dumiretso agad ang aktres sa taping ng Magpakailanman sa Pandacan, Manila.Doon ay dinayo siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) para sa kanyang pangkalahatang pahayag tungkol sa isyu.



"Never pa akong nakarating sa Quezon City Hall of Justice dahil wala pa akong nasangkutang ganitong klaseng demanda, pero I have to be with Cristine para suportahan siya.



"Siya ang nag-decide ng bagay na 'yan. Pinabayaan namin siyang mag-isip ng kanyang gagawing move. Nang tawagan niya ako para samahan ko siya nang makapaghain na ng demanda, tinulungan ko siya," kuwento ni Ara.



Sinabi ni Ara na nasaktan din siya sa ginawa ni Carlene sa kanyang kapatid. Sa palagay niya, naagrabyado nang husto si Cristine nang basta na lang sinugod nitong si Carlene ang kapatid niya sa taping ng All Star K para pagsalitaan ng kung anu-ano dahil kay Dennis Trillo.



"But, again, laban ni Cristine 'yan, e," diin ni Ara. "Ayoko namang makialam. Pero sa move niyang 'yan, natural lang na suportahan ko siya."



JEALOUSY. Ayon kay Ara, bago pa ang confrontation na naganap ay nakatatanggap na ng kung anu-anong text messages si Cristine from Carlene.



"Ginugulo niya ang kapatid ko dahil sa selos. Naka-save lahat ng messages na 'yon sa phone ni Cristine. Sigurado raw silang number ni Carlene 'yon at may mga makapagpapatunay. Kahit nga palitan na niya ang SIM card niya," pahayag ni Ara.



Napag-isip-isip ni Cristine na magsampa ng demanda laban kay Carlene nang ma-feature sa StarTalk at Showbiz Central ang pangyayari, pagkatapos na sundan-sundan pa ni Carlene si Cristine para bulabugin lang dahil kay Dennis.



"Nagpa-consult na siya sa legal, through Atty. Dexter Lacuanan. Bale sa ngayon, ako na lang ang tumatayong spokesperson ng kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi basta magsasalita si Cristine dahil hindi lang nila alam, may pagka-emotional din 'yan. Kaya lang, hindi ko siya katulad na very transparent, na 'pag nasaktan ako, ipinapakita ko. Kinikimkim niya 'yan. Kaya huwag na lang hintaying sumabog. Marunong naman siyang mag-simmer down."



Dagdag ni Ara, "Hinihintay siyempre niya ang counter-move ni Carlene sa pagpa-file niya ng demanda. At saka naman siya mag-iisip, with the help of her lawyer, kung anu-ano ang kanilang gagawin."



EVIDENCE. May nakapagsabi sa PEP, na bukod sa witnesses ng ginawang pagsugod ni Carlene kay Cristine, alerto ang young actress at nai-tape niya sa pamamagitan ng kanyang cell phone ang masasamang salitang ibinato sa kanya ng dating beauty queen.



"Basta, ang masasabi ko lang, hindi magdedemanda si Cristine kung wala siyang matibay na ebidensiya laban kay Carlene. Yun lang," makahulugang pahayag ni Ara.



Naloloka nga si Ara dahil pagkatapos ng isyu niya tungkol kay Manny Pacquiao, ito namang kay Cristine ang hinaharap niya.



"Pero laban ito ni Cristine, sabi ko nga. Napakiusapan lang niya ako, kaya mapababayaan ko ba ang kapatid ko?" paliwanag ng sexy actress.



"May karapatan si Cristine dahil hindi naman kasal si Carlene kay Dennis, di ba? At sigurado siyempre ang kapatid ko na wala na sina Dennis at Carlene.



"Ito namang si Dennis," patuloy niya, "hindi nagsasalita. Ewan ko ba, siguro napagsabihan na ng manager niya [Popoy Caritativo]. Dapat lang siguro na
ipagtanggol niya ang sarili niya tungkol sa isyung ito.



"Kaso nga, sinugud-sugod na siya ni Carlene, na walang karapatang gumawa ng ganoon. Kasi kung tutuusin, pareho lang sila ni Cristine na walang karapatan kay Dennis. E, bakit kailangang sumugod siya doon at gumawa ng eskandalo?" katuwiran ni Ara.



LATEST ON MANNY.Sa set ng taping ng episode na "Kapit-Puso sa Trahedya" para sa Magpakailanman, naitanong din namin kay Ara ang latest sa kanila ni Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"O, di ba? At least, just imagine, kung sa akin nangyari 'yon na susugud-sugurin ako dahil sa isyung 'yon," natatawang sabi ni Ara.



"Nagsalita na rin naman si Manny, at okay na sa akin 'yon. Nang mag-shoot kami uli, he asked me kung masama ang loob ko sa kanya. Sinabi ko talaga na nainis ako sa nangyari.



"Pero okay na rin dahil nag-resume na kami ng shooting ng Anak ng Kumander. Hindi naman totoong nagsalita ako na hindi ko na tatapusin ang pelikula. At saka sinabi nga niya [Manny] sa interviews niya, kagagawan lang lahat ng ito ng mga taong naiinggit sa akin. Solb na ako sa ganoon.



"Puro naman din sila salita at sulat, e. Wala silang maipakitang ebidensiya na hinuthutan ko nga ng pera yung tao. Please lang, tigilan na nila ako!" napangiting pahayag ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN