Alfred Vargas and LJ Reyes still working out their relationship

IMAGE 0


Alfred Vargas and LJ Reyes both agree that theydo not see each other often because of their busy schedules.


Nagkita ang magkasintahang sina Alfred Vargas at LJ Reyes sa"Hitch Party" ng Head and Shoulders kagabi, November 12, sa Fiamma Bar saMakati. Ito ang unang pagkakataon na nagkitaang dalawa matapos ang pag-amin ni Alfred sa Showbiz Central noong Linggo, November 11, tungkol sa namumuong problema sa kanilang relasyon.

Una nang naitanong ng entertainment press si LJ tungkol samga balitang hiwalay na sila ni Alfred ngunit naging mailap sa pagsagot ang dalaga. "Kung anoang sinabi niya, yun na lang po sa akin," halatang paiwas na pahayag ni LJ.

Matatandaang inamin ni Alfredsa Showbiz Central na hindi na sila masyadong nagkikita ni LJ. Paliwanag pa niya, "We're just giving eachother space. Kasi ngayon, siguro ang pinakamagandang gagawin namin is talagangi-admit namin kung ano ang priorities namin sa buhay. Tutal mga bata pa namankami, lalo na siya."

Bagama't hindi diretsong sinagot ni Alfred kung nagkakalabuanna sila ni LJ, sinabi niyang, "Mahirap sabihin na on the rocks ngakami kasi open yung communication lines. Our relationshipis a very understanding relationship."

Samantala, na-corner naman ng media sina LJ at Alfred sa Hitch Party atkinumusta ang kanilang relasyon. Diretsahan na silang tinanong kung sila pa rin, ngunit hindikaagad nakasagot at parang ilang na nagkatinginan sina LJ at Alfred.

Matapos ang ilang sandali, sinabi ni Alfredna, "Okay lang po kami."

Sinang-ayunannaman ito ng sagot ni LJ na, "Okay pa rin."

Nang tanungin ng GMA News reporter na si Lhar Santiagokung bakit parang may gap sa pagitan nilang dalawa kagabi, sinabi ni Alfred na,"Actually, after a long time, ngayon lang ulit kami nagkita. Actually, ngayon pa lang kami makakapag-usapin person."

Paliwanag naman ni LJ, "Hindi po nagtutugma ang schedulenamin, kasi yung Zaido po halos every day ang taping, tapos may school papo ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito kaya ang dahilan kung bakit nagkakalamigan na sila sa isa't isa?

"We're trying towork things out. We'll see," ang maiksi at paiwas pa ring sagot ni Alfred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN