Kristine Hermosa unsure whether Oyo Sotto is courting her or not

by Nerisa Almo
Nov 15, 2007
Kristine Hermosa insists that Oyo Sotto (inset, top) is just a very close friend: "Kahit makita n'yo kami ng ilang beses [magkasama], wala kaming itinatago kasi we're really just friends." The actress admits that she still loves old flame Diether Ocampo (inset, bottom).

Muli na namang nakitang magkasama sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa sa "Hitch Party" ng Head & Shoulders kagabi, November 14, sa Fiamma Bar sa Makati.

Sa sabay nilang pagdating, muling napag-usapan kung ano nga ba ang real score sa pagitan nina Kristine at Oyo. "We're both invited. Yung make-up artist ko kasi may friend siya from the organizer, so in-invite kaming dalawa ni Oyo," depensa ni Kristine.

Ayon sa star ng Prinsesa ng Banyera, kahit na madalas silang magkasama ni Oyo ay wala naman siyang ideya kung nanliligaw ang binata. Aniya, malapit lang talaga siya sa mga kaibigan niya.

"We're good friends. Hindi ko alam, e, [kung nanliligaw]. Hindi ko kasi alam kung papaano yung ligaw na kasi iba-iba naman yung lalaki. Hindi naman sila basta-basta pare-pareho ng style, right? So hindi ko alam kung ano yung ligaw na at saka kung ano yung hindi pa, kung ano yung kaibigan lang.

Continue reading below ↓

"Kasi ako, sobra talaga akong close sa mga guy friends ko. So parang sobrang affectionate at sobra talaga akong sweet sa mga guy friends ko. Kahit hindi sa mga guy friends ko, kahit sa mga girls. So hindi ko alam, hindi ko ma-differentiate," paliwanag ni Kristine.

Nabanggit din ng aktres na naipakilala na siya ni Oyo sa ina ng binata na si Dina Bonnevie at sa kapatid nitong si Danica Sotto-Pingris. "Ipinakilala na siya [Danica] sa akin ni Oyo. Mababait sila, mababait ang buong family nila."

Ibig sabihin ba nito na hindi totoo ang balitang hindi boto sa kanya si Dina para kay Oyo?

"Alam n'yo hindi naman kailangan ng mga boto-botohan kasi, unang-unang, hindi naman kami ni Oyo. We're just friends. So huwag na tayong magboto-botohan ng ganyan kasi wala namang nangyayari, di ba?" sabi ni Kristine.

Magkasama gumaganap sina Kristine at Oyo sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Enteng Kabisote 4.

Continue reading below ↓

DIETHER OR OYO? Ngayong mas madalas na makitang magkasama sina Kristine at Oyo, naitanong tuloy ng entertainment press kung mas pinipili na niya si Oyo kaysa sa dating asawa na si Diether Ocampo.

"Alam naman ni Oyo na mahal ko pa si Diet and alam niya na gusto ko pa rin na magkaayos kami ni Diet. And sobra naman siyang understanding doon sa part na 'yon kasi nga kaibigan ko talaga si Oyo."

Dagdag pa niya, "Alam naman ni Oyo where he stands, e. At saka, kami naman ni Oyo, nag-promise na kami na no matter what, we'll be friends. So hindi ko alam kung anong mangyayari, basta magkaibigan kami."

Naikuwento rin ni Kristine na napag-usapan na nila ni Diether ang tungkol sa isyu nang minsang magkita sila sa isang birthday party. Salaysay ng dalaga, "Napag-usapan namin, sinabi ko sa kanya na wala naman talaga, e. Minsan kasi nilalason ka na lang ng mga iniisip mo, di ba? Parang since hindi mo ma-clear out, wala kang choice kundi paniwalaan yung mga iniisip mo.

Continue reading below ↓

"So sabi ko sa kanya, 'You ask kung may gusto kang itanong sa akin. Pero make sure na kapag tinanong mo ako, kaya mong maniwala sa sasabihin ko. Kasi ang mahirap doon na part, tatanungin mo tapos sasabihin sa 'yo yung totoo, pero hindi ka maniniwala.'"

Sa ngayon, ayon kay Kristine, in the process pa rin ang kasong annulment nila ni Diether. "Wala pa kasi kaming alam ngayon. Wala pang balita sa amin kung na-grant na ba o hindi pa na-grant. So hinihintay na lang namin yung result," aniya.

Kung sakali, gusto pa rin daw ni Kristine na magkaayos sila ng dating asawa. Aniya, "Ang dami na naming pinagsamahan ni Diet. Ang dami na naming bagyo na na-surpass. Siyempre, hoping pa rin naman. Pero sana, if ever man, maayos na talaga, plantsado na lahat, okay na kami. Yun lang naman ang gusto kong mangyari."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristine Hermosa insists that Oyo Sotto (inset, top) is just a very close friend: "Kahit makita n'yo kami ng ilang beses [magkasama], wala kaming itinatago kasi we're really just friends." The actress admits that she still loves old flame Diether Ocampo (inset, bottom).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results