Dennis Trillo's lips still zipped on Cristine Reyes-Carlene Aguilar conflict

Nov 15, 2007
Young actor Dennis Trillo has chosen to keep silent for now in the midst of the widening rift between Carlene Aguilar (inset, top) and Cristine Reyes (inset, bottom).


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Zaido: Pulis Pangkalawakan sa IBC Compound sa Marikina City, kagabi, November 14. Siyempre pa, si Dennis Trillo ang aming unang kinausap dahil sa mainit na isyu na kinasasangkutan niya ngayon—ang kumprontasyon ng dalawang babae na iniuugnay sa kanya, sina Cristine Reyes at Carlene Aguilar.

Matatandaang pagkatapos mawala sa ere ng fantaserye na Super Twins, lumabas ang balitang may namamagitan kina Dennis at Cristine, na kasama sa naturang palabas. Parehong itinanggi ng dalawa ang balita.

Nang pumutok naman ang balitang buntis si Carlene, si Dennis agad ang pinaghinalaang ama ng dinadala ng beauty queen. Ang young actor kasi ang alam ng publiko na naging boyfriend ni Carlene, bagama't hindi naman talaga nila inamin ang kanilang relasyon. Parehong pinabulaanan nina Dennis at Carlene na ang young actor ang siyang ama ng ipinagbubuntis ng beauty queen.

Nang magsilang si Carlene ng isang baby boy sa Amerika, kumalat ang balita na "Baby Ho" ang nakalagay sa wrist tag ng sanggol. Ang tunay na pangalan ni Dennis ay Dennis Abelardo Ho. Sa kalaunan, umamin din si Dennis na siya nga ang ama ng isinilang na sanggol ni Carlene, pero nilinaw niya na wala na sila ng beauty queen.

Continue reading below ↓

Then, noong November 7, nagkita sina Cristine at Carlene sa taping ng All Star K sa Broadway Centrum. Doon naganap ang pagkumpronta ni Carlene kay Cristine at humantong nga sa pagsasampa ng demanda ng young actress laban sa beauty queen.

Sa gitna ng kaguluhang ito'y nananatiling tahimik si Dennis na siya naman talagang puno't dulo ng lahat. Kaya mabuti sana kung marinig ng publiko ang kanyang saloobin tungkol sa alitan nina Cristine at Carlene.

Kaya bago pa kami pumunta sa taping ng Zaido, nakahanda na sa isip namin ang mga tanong na ibabato kay Dennis:

Totoo bang patuloy pa rin silang nag-uusap at nagti-text ni Cristine after magsampa ng kaso ang young aktres laban kay Carlene?

Sinabi ba ng young actor kay Cristine na kakausapin na niya si Carlene para maayos na ang lahat at handa na rin siyang magpahayag ng saloobin niya?



Totoo bang nakaranas din si Rufa Mae Quinto ng harassment mula kay Carlene kaya hindi nagtagal ang relasyon nila?

Continue reading below ↓

Si Carlene din ba ang dahilan ng biglang panlalamig sa kanya ni Angel Locsin noong Mulawin days pa nila, matapos mapabalitang nakikipag-date na ito sa kanya?

Pero bago pa man namin maibato ang mga nabanggit na tanong kay Dennis, nakiusap na ang young actor na pagbigyan muna siya sa kanyang pananahimik.

"Bago pa kayo dumating, sinabihan na ako ng mga boss ko rito na wala na muna akong sasagutin," seryosong sabi ni Dennis. "Gusto ko rin munang makausap ang manager ko, si Popoy Caritativo. Mahirap kasing sumagot ako nang sumagot nang hindi pa kami nagkakausap, para alam ko kung ano ang sasabihin ko."

Pagkatapos nito ay humingi ng paumanhin si Dennis sa pagtanggi niyang sumagot sa mga isyu.

Mahusay na aktor si Dennis, pero hindi niya naitago sa kanyang mga mata ang sakit at pagkalito na nararamdaman niya ngayon sa mga itinatanong sa kanya.

Sa patuloy na pananahimik ni Dennis, patuloy rin ang mga tanong na nagihihintay ng kasagutan.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actor Dennis Trillo has chosen to keep silent for now in the midst of the widening rift between Carlene Aguilar (inset, top) and Cristine Reyes (inset, bottom).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results