Angelica Panganiban on wedding plans with Derek Ramsey: Que sera, sera

IMAGE 0


"Nakita ko na kay Derek yung tao na gusto kong makasama for the rest ofmy life, but never pa naming napag-uusapan yung ganyan. If evermapag-usapan man, laging biruan, lambingan, pero never kaming nagingserious about that," says Angelica Panganiban about rumored wedding plan with boyfriend Derek Ramsey (inset).



Sa itinatakbo ng relasyon ngayon nina Angelica Panganiban at Derek Ramsey, it seems that everything will fall into the proper place and time.



Parehong tanggap ng kani-kanilang pamilya, fans, at mga taong nakapaligid sa kanila ang kanilang relasyon. Bukod dito, they have their respective careers na pareho namang successful.



Para sa iba, bagay na bagay talaga sina Angelica at Derek sa kabila ng kanilang age differences. Balita pa nga na dahil sa sobrang nagkakasundo sila ay nauwi na raw tuloy ito sa planong pagpapa-secret marriage nila.



"Nakita ko na kay Derek yung tao na gusto kong makasama for the rest of my life, but never pa naming napag-uusapan yung ganyan. If ever mapag-usapan man, laging biruan, lambingan, pero never kaming naging serious about that.

"Saka ayoko ng secret marriage, gusto ko lahat invited. Simple lang, mas important kasi sa akin yung event, yung ceremony, yung pagiging solemn ng mga pangyayari," pahayag ni Angelica sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Saan niya gustong ikasal?



"Kahit saan, pero mas gusto ko sa church. Gusto ko may basbas ng Diyos," sambit niya.

Maaaring maaga pa nga para pag-usapan ang tungkol sa salitang kasal, may specific age ba si Angelica para magdesisyon siya na lumagay na sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya?



"Yung nasa tamang panahon. Dapat naman kasi lahat nasa tamang oras, takdang panahon. Yung ganung mga bagay hindi binibigla ‘yan, hindi basta-basta na lang na ‘pag naisipan mo, e, gagawin mo," paliwanag niya.

Kuntento at masaya kay Derek, inamin ni Angelica na tapos na sila sa adjustment period ng boyfriend na maya-maya ay away sila nang away kahit sa maliliit na bagay lang.



"Happy, stable," paglalarawan ni Angelica sa relasyon nila ngayon. "Dumating na kami sa point na wala nang away. Nung una kasi, may mga away pa kasi kinikilala pa n'yo yung isa't isa. Pero ngayon, sanay na kami with each other, sobrang kumportbale na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEX VIDEO. Isa rin sa isyung napag-usapan namin ay ang sex video diumano nina Angelica at Derek. Kung napanood na ni Derek ang naturang sex video, wala namang plano si Angelica na pag-aksyahan pa ito ng panahon.



"Hindi ko pa siya nakikita and bakit pa? Para saan pa, di ba?" rason niya.

"Actually, tinext lang sa akin ‘yon ng mama ko. Natutulog ako, naalimpungatan ako pero binalewala ko lang, natulog lang uli ako. Noong una, wala lang pero nung pinapatulan na siya ng mga tao, parang nakakainis na. Pero hanggang ganun lang ‘yon.



"Sa akin, sana masaya na silang nagpakalat nito. Nakakasawa na rin kasi yung ganyang mga intriga. Siguro kung dati ako naintriga ng ganyang isyu, maaapektuhan ako. Pero ngayon, wala na sa akin ‘yan. Lahat naman ng artista natsitsismis na may sex video na. Uso kaya ‘yon!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN