Ehra Madrigal would be glad if sister Michelle joins her in GMA-7

IMAGE 0


"Maganda na magkasama kami sa isang TV station, di ba? But I heard nainteresado pa rin ang kabilang station [ABS-CBN] sa kanya. Bahala nasiguro kung ano ang mapagkasunduan nila ni Tita [Annabelle]," says Ehra Madrigal (right) about sister Michelle (left), who is also under her manager Annabelle Rama.



Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ehra Madrigal sa press conference ng Kamandag last November 12 kung totoo bang makakasama na rin niya ang kapatid niyang si Michelle Madrigal sa GMA-7. Nasa pangangalaga na rin kasi ni Annabelle Rama, manager ni Ehra, si Michelle.



Si Michelle ang isa sa original na talent ng Star Circle Quest ng ABS-CBN, kung saan din nagsimula sina Hero Angeles, Sandara Park, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, at Joseph Bitangcol.



"Hindi ko alam ang pinag-usapan nila ni Tita Annabelle," sabi ni Ehra. "Kasi wala na ngang kontrata si Michelle sa kabila and she wants to be a freelancer yata. E, gusto rin siya ni Tita kaya sila ang nag-uusap.

"Natural naman na I would welcome her sa GMA-7 kung ‘yon din ang gusto niya. Maganda na magkasama kami sa isang TV station, di ba? But I heard na interesado pa rin ang kabilang station [ABS-CBN] sa kanya. Bahala na siguro kung ano ang mapagkasunduan nila ni Tita."



Hindi ba siya mai-insecure kay Michelle kung sakaling maging Kapuso na rin ang nakababata niyang kapatid? Kapag ikinukumpara kasi silang dalawa, marami ang nagsasabing mas sexy raw si Michelle kaysa kay Ehra.



Ayon sa kanya, "Naku, noon pa kami kinukumpara ng marami and I admit na mas sexy talaga si Michelle sa akin. No doubt about that, di ba? Si Michelle ang unang nagpa-sexy sa aming dalawa.



"Kaya nga ako, super workout at diet para naman kahit paano ay makapantay ako sa kaseksihan niya. Mas disiplinado kasi sa pagkain si Michelle. Ako kasi kapag gusto ko, okay lang, kain lang nang kain. Si Michelle, sanay na tumanggi lalo na kung alam niyang makakaapekto sa figure niya.



"Pero as sisters, we support each other. Kung ano ang problema niya, problema ko rin. Kung ano ang success ng isa, success naming dalawa ‘yon. Nagmamahalan kami ni Michelle and that is what's important," pagtatapos ni Ehra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN