Angel Locsin clarifies issues about Jennylyn Mercado and Luis Manzano

Nov 15, 2007
Young actress Angel Locsin denies rumors that she and Luis Manzano are having a relationship. She says, "Wala naman kasi kaming dapat sabihin. Wala rin kaming dapat i-explain, di ba? Wala, ine-enjoy lang namin ang buhay namin, trabaho lang."

Bagama't huli nang nakarating si Angel Locsin sa "Hitch Party" ng Head and Shoulders kagabi, November 14, sa Fiamma Bar, Makati City, nagtiyaga pa rin ang ilang entertainment press na hintayin siya upang makuha ang kanyang pahayag tungkol sa iba't ibang isyung kinasasangkutan niya.

Pagdating ni Angel, agad na naikuwento sa kanya ng media na magkasamang dumating sa naturang okasyon sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.

"Sayang, sana nagkita-kita kami. Sayang tagal ko nang di nakikita, e. Hindi ko alam, wala rin ako sa posisyon para magsalita pero gusto ko rin silang makita together din naman," agad na sagot ni Angel tungkol sa kanyang kapatid sa manager nilang si Becky Aguila.

Matatandaang nagpahayag si Jennylyn ng kanyang saloobin ukol sa kanyang manager. Nabanggit ni Jennylyn noon na parang nadamay siya sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN mula sa GMA-7 kung kaya't naging matumal ang projects niya sa kanyang mother station.

Continue reading below ↓

Nang malaman na nakaalis na ang magkasintahang Patrick at Jennylyn, nadismaya si Angel dahil pagkakataon na raw sana ito upang magkausap sila ni Jennylyn.

Aniya, "Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Sana nagkaabot kami para mag-usap-usap din kami. Pero okay na naman lahat, e. Pero gusto ko lang humabol o makabawi sa kanya."

Kamusta na ang relasyon nila ni Jennylyn ngayon pagkatapos nitong ibuhos ang kanyang sama ng loob?

"Okay naman," sagot ni Angel. "Yung isyu, napag-usapan na naman, e. Pero sayang, sana naabutan ko siya dito para makabawi rin naman ako sa kanya. Hindi kami close, pero ewan ko lang, parang gusto ko lang ipa-feel sa kanya na nandito naman ako. Sumusuporta naman ako sa kanya kahit anong mangyari."

LUIS MANZANO. Kinuha na rin namin ang pagkakataon na usisain ang totoong relasyon ni Angel kay Luis Manzano na matiyagang naghintay sa pagdating ng dalaga sa "Hitch Party."

Unang-una, nilinaw ni Angel na hindi sila nag-usap ni Luis na magkita sa naturang party. "Actually, ang kliyente naman ang nagde-decide kung sinong model o artista ang iimbitahin nila. Kami, pumunta lang naman kami rito, nagtrabaho lang kami. Ako, galing ako sa Lobo taping."

Continue reading below ↓

Sinabi rin ng young actress na bagama't masaya siya kapag nakakasama si Luis, wala itong ibang kahulugan at trabaho lamang. "Paulit-ulit ko naman sinasabi na priority namin ang trabaho namin," sabi ni Angel.

Hindi kaya pinipigilan lang ni Angel na ma-develop ang feelings kay Luis dahil ang kapareha niya ngayon ay si Piolo Pascual?

"Pipigilan? Sa tingin mo ba mapipigilan pa yun?" rason ni Angel. "At saka ako, never naman ako nag-deny tungkol sa mga naging boyfriend ko, alam n'yo naman 'yan, e. Siguro hindi lang ito yung tamang panahon din, nag-e-enjoy lang muna ako."

Ipinaliwanag din ni Angel ang isyung ginagamit lamang siya ni Luis. Para sa kanya, "Sinagot ko na yan dati, e. Sabi ko, ‘Kailangan bang manggamit ang anak ni Darna [Vilma Santos] at saka ni Captain Barbell [Edu Manzano]?' Kailangan pa ba nun, di ba? Sino ba naman ako? Sobrang kalokohan yung issue."

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP na hingan ng pahayag si Luis, na nasa party rin, tungkol sa gamitan issue.

Continue reading below ↓
"Even before pa siya lumipat, I think kasagsagan pa ng Darna yata, I was asking friends to introduce us na, common friends.... Pero wala tayong magagawa kung 'yon ang opinion nila, e," maikling paliwanag ni Luis.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Angel Locsin denies rumors that she and Luis Manzano are having a relationship. She says, "Wala naman kasi kaming dapat sabihin. Wala rin kaming dapat i-explain, di ba? Wala, ine-enjoy lang namin ang buhay namin, trabaho lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results