Marian Rivera asked Mother Lily's decision before accepting movie with Richard

IMAGE 0


Marian Rivera is one of the busiest actresses today. Aside from her primetime soap Marimar, she is also doing three movies—Desperadas, Bahay Kubo, and A Very Special Love.



Magandang gesture ang ginawa ni Marian Rivera at ng manager niya na si Popoy Caritativo bago tanggapin ang A Very Special Love, ang Valentine movie ng young actress with Richard Gutierrez.



Si Mother Lily Monteverde ang pinag-decide nina Marian at Popoy kung tatanggapin nila ang naturang project dahil may exclusive contract pa ang dalaga sa Regal Entertainment. Pumayag naman ang Regal matriarch at lalo pang na-solve ang problema ni Marian dahil co-produced na ng Regal at GMA Films ang A Very Special Love na ididirek ni Mark Reyes.

Nabalitaan din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na bukas, November 16, pa lang makakapag-first day shooting si Marian dahil may taping pa siya ng Marimar kahapon.

Bukod dito, after 9 p.m. lang siya makakapag-shoot at three sequences lang dahil may whole-day pictorial siya for Maxi-Peel bukas. Solo pictorial ni Marian kaya hindi sila magkikita ng kasama niya sa TV commercial na si Kristine Hermosa, kaya walang after-pictorial chika gaya nang mag-shoot sila ng TVC nila.



Tapos na ang shooting ng Desperadas, pero busy pa rin si Marian dahil may eight days shooting pa siyang natitira para sa Bahay Kubo. Parehong entries sa 2007 Metro Manila Film Festival ang Desperadas at Bahay Kubo.

Kailangang matapos ang shooting ng Bahay Kubo bago umalis si Marian at ang leading man niya sa Marimar na si Dingdong Dantes papuntang Las Vegas sa December 1; hanggang December 7 sila roon. Pagbalik ni Marian, nag-promise siya na magfu-full time siya ng shooting ng pelikula nila ni Richard.



"Gustung-gusto ni Marian ang script dahil very light at bagay na pang-Valentine's Day at iba sa ginagawa niya sa Marimar," sabi ni Popoy.

"Prinoblema namin ang schedule niya dahil hindi pa tapos ang Bahay Kubo at aalis pa siya sa December 1 papuntang Las Vegas. Singit lang sa schedule ang first-day shooting niya. Next week, buong Sunday siya magsu-shooting at pagbalik niya from Las Vegas, saka pa lang siya makakapag-shooting nang sunud-sunod."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Patuloy ni Popoy, excited si Marian to be working with Richard dahil first time niya itong makakatrabaho. Pero magkaibigan na raw ang dalawa at hindi lang 'hi' and 'hello' ang batian nila ‘pag nagkikita sila. Mabait daw ang young actor kay Marian. Pati raw kapatid ni Richard na si Ruffa Gutierrez ay masaya na gagawa ng pelikula ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN