Pops Fernandez talks more freely about present love Jomari Yllana

IMAGE 0


During the presscon for her upcoming major concert, Pops Fernandez clarified issues involving her present boyfriend Jomari Yllana (inset, top) and ex-husband Martin Nievera (inset, bottom).



Muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pops Fernandez kanina, November 15, sa second presscon ng kanyang Divalicious concert na gaganapin sa Araneta Coliseum on December 8. Kahit ayaw na nitong pag-usapan si Martin Nievera dahil pagod na siyang sumagot, no choice ang Concert Queen dahil sa kanyang ex-husband nasentro ang first half ng presscon niya.



Paulit-ulit ang tanong kay Pops kung guest si Martin sa kanyang concert at "no" ang paulit-ulit nitong sagot.



"He's not guesting but knowing him..." medyo bitin na sabi ni Pops. "Kaya you have to watch the concert para malaman n'yo. I won't be surprised kung darating siya at ia-acknowledge ko naman siya. Hindi ako bastos para dedmahin siya. Pero hindi rin ako masu-surprise kung hindi siya dumating dahil sa mga nangyayari."



Sa isang interview, sinabi ni Martin na kaya hindi siya pupunta sa concert ni Pops dahil ang manager ng ex-wife niya na si Arnold Vegafria ang nang-imbita samantalang si Pops naman ang magku-concert.



"Kaya hindi ko agad siya inimbita dahil nga may nangyari. Siguro maiintindihan n'yo kung bakit hindi siya invited. Hindi ko rin masagot kung ano ang gagawin ko kung dumating siya. Ini-imagine ko na nga, pero parang feeling ko, di siya darating at maiintindihan ko ‘yon," paliwanag niya.



JOMARI YLLANA. Kung si Martin ay pahulaan pa kung darating o hindi, si Jomari Yllana ay tiyak na nasa Big Dome para manood ng concert ni Pops. Dito na pumasok ang second phase ng interview kay Pops na na-focus naman sa boyfriend niya ngayon.



Nag-a-advice ba si Jomari kay Pops tungkol sa isyu nila ni Martin?



"No, but I consult him at doon siya nagbibigay ng opinion. Alam niya ang mga hinaing ko at mga nangyayari sa akin, at naiintindihan niya ang mga desisyon ko," sagot ni Pops.



Kapansin-pansin ang kakaibang aura ni Pops ngayon at maaliwalas ang kanyang mukha. Biniro siya na dahil siguro ‘yon sa magaling mag-alaga si Jomari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Siguro, dahil naiintindihan niya ako and we have enough respect. If we need advice, naghihintay muna kami bago mag-offer ng advice at hindi namin pini-pressure ang sarili namin," sabi naman ng singer-actress.



Paano niya idi-describe ang relationsip nila ni Jomari?



"Ini-enjoy namin ang isa't isa rather than take everything seriously," sagot ni Pops.



How serious is their relationship? Anong level na ang relasyon nila?



"Ako, everything I do, I'm very intense about it."



First time na sinagot ni Pops ang tsismis na nagli-live in na sila ni Jomari. Hindi siya nag-deny at hindi rin diretsahang kinumpirma ang balita.

Sabi niya, "We're not living-in, not necessarily living-in. But I'm not denying the fact that we spend more time together. Hindi ko ia-advice sa teenagers na wala pang asawa. Ako naman, ikinasal na at dalaga na uli. Ang mapapayo ko, kilalanin muna ang tao, get to know him more."



Sino ang nakikitulog at kaninong bahay sila natutulog?



"Huwag na, that's too personal. O kaya, sa next presscon ko na lang sasagutin ‘yan!" natatawa niyang sabi.



May humirit pa ng tanong kung totoong dependent boyfriend si Jomari.

"No, he's not like that," tanggi ni Pops. "I have to explain, dahil in fairness to him and with all due respect, kung ano ang responsiblidad niya ay kanyang ginagawa. He takes care of me and his obligations.

"Bago naman kami nagkakilala, we're both established na—sino ako at sino siya. I also believe it's not proper to discuss that, hindi maganda. It's not important when it comes to the matter of the heart. Jomari is very hardworking, he has his own business, he has Rapide and he's soon to open another business."



THE INCIDENT. Nilinaw rin ni Pops ang insidente during the birthday party of ABS-CBN executive Deo Endrinal noong November 8 sa The Embassy sa The Fort, Taguig, kung saan nabalitang nakita nina Pops at Jomari si Martin. Pagbungad daw ni Martin, sila agad ni Jomari ang nakita nito kaya hindi ito nagtagal sa party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kuwento ni Pops, "Dumating ako with Jom and my brother. May nagsabi sa aking nandun si Martin. But five minutes after, he left daw. Nasa baba siya at nasa taas kami, hindi kami nagkita-kita at hindi ko alam kung nakita niya kami.



"Kung nagkita, okay lang sa akin para matapos na rin. Siguro mas maganda kung magkita kami na not expected. Siguro hindi pa panahon para kami magkita at hindi pa siya ready."



Walang communication sina Pops at Martin mula nang lumabas ang interview ng Concert Queen sa October 2007 issue ng YES! magazine. Siniguro ni Pops na matagal na siyang nakakatulog nang mahimbing. Ibig sabihin, hindi siya guilty sa mga nangyari sa kanila ni Martin after her interview.



"Mas nakakatulog ako na naging free at totoo ako sa sarili ko. Comfortable ako after the YES! interview at ‘pag babae ka, maiintindihan mo ang ginawa ko," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN