FIRST READ ON PEP: Lolit Solis to Piolo and Sam: It's not about the network war

IMAGE 0


"Kung ano'ng gusto ninyong gawin, kung ano'ng nararapat ninyong gawin,gawin n'yo. Huwag kayong ano...ipaano ninyo sa tao na talagang lalakikayo na wala kayong kinatatakutan, di ba? Huwag na kayong magbulungan,maghalikan na lang kayo!" says Lolit Solis to Piolo Pascual and Sam Milby (insets).


Sa isang radio interview ay nagpahayag si Lolit Solis ng kalungkutan dahil sa dami raw ng entertainment writers na nagsusulat laban kina Piolo Pascual at Sam Milby ay tanging sa isinulat niya nag-react ng matindi ang dalawang aktor.



"Parang nagbulungan lang ang sinabi ko, nag-react na sila talaga, parang galit na galit na sila. Kaya parang nalungkot ako dahil bakit ako lang ang pinatulan nila," sabi ni Lolit sa panayam sa kanya sa radio program ni Ogie Diaz sa DZXL, ang Wow, Ang Showbiz! kaninang umaga, November 16.

Ang naturang panayam kay Lolit ay bilang reaksiyon sa P12-million libel case na isinampa nina Piolo at Sam sa Prosecutor's Office ng Manila kaninang umaga.



"Kaya nagtataka ako kung bakit ganito ang naging reaction nila," patuloy niya. "Gusto kong sabihing nalulungkot ako kasi parang ako lang ang nagsabi ng ganung bagay. Parang ang gusto kong sabihin ay napakaimportante ko palang tao dahil nang magsabi ako kung ano ang nakita ko ay bigla na lang ganun ang reaksiyon nila, di ba?"



Nagbigay rin ng pahayag si Lolit tungkol sa hindi pagtanggap nina Piolo at Sam ng kanyang public apology.



"Kung para sa kanila, hindi public apology 'yon, hindi na ako naniniwala na iuurong nila ang kaso kahit mag-public apology ako o mag-retract ako. Kasi alam ko kahit anong gawin ko, itutuloy nila 'yan."



NETWORK WAR? Ayon pa kay Lolit, ang nangyayari ngayon ay isang malaking publicity para sa dalawang aktor. Naniniwala siya na sa showbiz, "good or bad publicity is still a publicity," lalo na sa kaso ni Piolo na magse-celebrate ng kanyang 10th anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng isang major concert sa Araneta Coliseum.



"Nagtataka ako kung bakit ganun lang ang naging reaksiyon?" ulit ni Lolit. "At saka kanina sa pagsagot ni Piolo, parang sinabi niya na network war ang nangyayari dahil taga-kabilang channel siya kaya siguro ginawa ko 'yong parang naglubid-lubid ako ng salita. Dyusko, umabot na sa ganun, network war na! Magpasalamat nga sila dahil nakita kung nagbubulungan lang sila. Ano kaya ang susunod doon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa puntong ito ay naging matatag ang paninindigan ni Manay Lolit na hindi nito aatrasan ang demanda sa kanya nina Piolo at Sam.



"Hindi!" diin niya. "Ang gusto kong sabihin, gusto ko rin ipaalam sa kanila na kung nasaktan sila ay ganun din ang naging reaksiyon ko sa kanila. Imadyinin mo, ang dami-daming nagsusulat tungkol sa kanila, kung anu-anong nababasa ko tungkol sa kanila, wala silang reaction. Pero pagdating sa akin, may reaction sila.

"Para bang napakamaldita kong tao...malisyoso ko na nakakita ako ng nagbubulungan ay 'yon ang magiging dahilan para mademanda ako Naku, dapat nakita ko sila sa ibang posisyon para maibalita ko rin!"



Tinanong ni Ogie si Lolit kung ano ang masasabi niya sa tila napapa-paranoid ang kampo ng dalawang aktor dahil sa isinulat niya.



"Aba, bakit sila mapa-praning?" balik-tanong niya. "Bakit, mayroon bang dapat pagtakpan para ka ma-praning? Kung mayroon man silang regular na ginagawa, bakit di nila gawin? Kung gusto man nilang tingnan ang sunset, bakit di nila gawin kung dati nilang ginagawa 'yon, di ba?



"Bakit dapat mong pigilan ang sarili mo sa dati mong ginagawa? Dahil lang sa baka matsismis ka? E, di magkakaroon ka tuloy ng question mark, baka may katotohanan 'yong mga tsismis, di ba?



"Kung anuman, hindi porke sikat na artista ng isang malaking network ay dapat katakutan kung ano ang mood nila. Nakaka-afford sila ng lawyer, nakaka-afford siguro naman ako ng lawyer. ‘Tsaka huwag nilang ilagay sa utak nila na ginagawa ko ito dahil taga-Channel 7 ako at saka taga-Channel 2 sila. Ano bang pakialam ko kung saang channel sila, di ba?" mariing pahayag ni Lolit.



Hiningan din ng reaksiyon ni Ogie si Lolit tungkol sa pagbibigay ng suporta ng kolumnista na si Dolly Anne Carvajal kina Piolo at Sam.



"Kahit ano man ang gawin, balik-baliktarin man ang mundo, hindi magbabago ang tingin ko sa kanya dahil matalik kong kaibigan ang nanay niya [Inday Badiday]. Ang tingin ko sa kanya, parang anak na rin. Whatever she believes, nirerespeto ko. Kung kanino man siya panig, nirerespeto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabuti alam nina Piolo at Sam na magpasalamat ‘pag may magandang nasusulat tungkol sa kanila. E, ba't hindi nila ano... Yung mga ibang reporter na nagsulat din ng maganda tungkol sa kanila ba't hindi nila pasalamatan, di ba? Kailangan maging fair siguro sila," sabi ni Lolit.

Bilang panghuli, nagbigay rin ng mensahe si Lolit para kina Piolo at Sam.

"Naku, huwag kayong mapraning kahit anong kuwento sa paligid, kahit ano'ng iniisip ng mga tao tungkol sa inyo. Kung ano'ng gusto ninyong gawin, kung ano'ng nararapat ninyong gawin, gawin n'yo. Huwag kayong ano...ipaano ninyo sa tao na talagang lalaki kayo na wala kayong kinatatakutan, di ba? Huwag na kayong magbulungan, maghalikan na lang kayo! Babu!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN