FIRST READ ON PEP: Cristine Reyes threatens to quit showbiz

IMAGE 0


Young actress Cristine Reyes failed to show up at the presscon of her launching movie, Green Paradise, earlier today. PEP found out that the reason for her no-show is that she is contemplating an exit from showbiz.



No show si Cristine Reyes sa first (and possibly last) presscon ng kanyang launching movie under New City Entertainment na Green Paradise kaninang tanghali, November 16, sa Max's restaurant sa Roces Avenue, Quezon City. Directed by the combined efforts of Filipino director Bing Santos and Hong Kong director Kant Leung, ang dalawang leading men niya lang na sina Andrew Schimmer at Kris Martinez ang dumating para ma-interview ng entertainment press.

May ipinadala namang message si Cristine na binasa ng nag-invite sa presscon na si Leo Bukas, publicist ng magkapatid na Cristine at Ara Mina. Ito ang nilalaman ng message ni Cristine:

"Hi everyone.

"Magandang tanghali po sa inyong lahat. Gusto ko pong humingi ng paumanhin sa hindi ko pag-attend sa presscon ng launching movie kong Green Paradise ngayong tanghali. I just felt na hindi ko pa po kayang humarap sa movie press dahil sa mga nangyari sa akin nitong nakaraang linggo.

"I would like to ask for your understanding. Sana po ay maunawaan ninyo kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Pero alam ko pong malalampasan ko rin ang lahat ng ito sa tulong ni Lord.

"I would like to ask for your support sa launching movie ko. Maganda po sanang pag-usapan kung ano'ng mga ginawa ko sa pelikula ko, pero ipinagkakatiwala ko na po ang lahat sa publicist ng New City Entertainment.

"Maraming salamat po sa inyong suporta at pag-unawa. See you soon."

UNEXPECTED MOVE. Sa labas ng Max's, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nasaan si Cristine that time. Kasama raw niya ang kanyang Ate Ara, na tumatayo ring co-manager with GMA Artist Center. Nasa GMA-7 sila to meet with the management.

Tinanggihan na ni Cristine ang magiging launching soap niya sana as a leading lady, ang Joaquin Burdado opposite Robin Padilla at ka-triangle si Iza Calzado. On the side, si Cristine ang ikalawang aktres na nag-beg off sa Joaquin Burdado after Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ironically, si Cristine ang naging dahilan ng pagtanggi ni Jennylyn sa naturang serye dahil mas magmumukhang bida si Cristine kesa sa kanya. Si Jennylyn nga naman ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor at Avenger lang si Cristine. On her own, nagbibida na si Jennylyn sa ilang shows ng GMA-7, primetime and otherwise, ‘tulad ng ipinapalabas ngayon na La Vendetta kung saan equal billing and role si Jennylyn with Jean Garcia and Sunshine Dizon.

The reason kung bakit tinanggihan ni Cristine ang Joaquin Burdado ay magku-quit na raw siya sa showbiz, sabi ng aming impormante. Ito ang dahilan ng meeting nina Cristine at Ara with GMA-7 executives.

Isa pang meeting ang naganap kaninang alas-singko ng hapon in an undisclosed place. Para naman ito sa GMA Artist Center kung saan nakatakda raw niyang tapusin na lang ang kanyang contract until February 2008.

Ang Green Paradise ang launching movie ni Cristine. May follow-up na sana ito with the same film outfit, a ghost type of love story.

Nakapirma na rin si Cristine for Viva Films for a one-shot project at may mga pelikulang ipi-present sa kanya sana ang Regal for 2008.

Kung itutuloy ni Cristine ang kanyang pagtalikod sa showbiz, malamang na tapusin niya na lang ang mga projects na napirmahan na niya ang contract. The rest, she will beg off na rin.

Tila hindi talaga nakayanan ni Cristine ang pag-iiskandalong ginawa sa kanya ni Carlene Aguilar, ina ng anak ni Dennis Trillo, nang magpangkita ang dalawa sa taping ng All Star K kung saan nag-guest si Cristine. Ito ang ipalalabas na episode this Sunday, November 18, at mahahalata raw ang pagka-depress ni Cristine dahil siya ang unang na-disqualify sa laro.

Magbibigay raw ng official statement si Cristine about her early and sudden retirement sa showbiz; the first local rising star who will turn her back to stardom at the time she's on the verge of making it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang statement ni Cristine, balak niya lang magpahinga sana sa showbiz kung kaya't nakakagulat ang naging turn of events today when she decided to quit altogether.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN