Piolo and Sam admit feeling paranoid due to gay issue

IMAGE 0


"This is the straw that broke the camel's back. We want these malicious intrigues to stop," says Atty. Joji Alonso on Lolit Solis's article about Piolo Pascual (left) and Sam Milby (right).



Labis na dinamdam nina Piolo Pascual at Sam Milby ang isinulat ni Lolit Solis sa kanyang October 15 column na inilathala sa Pilipino Star Ngayon. Ayon sa dalawang matinee idols, isang malaking kasinungalingan at gawa-gawa lang daw ang isinulat ni Lolit.

Patungkol ito sa isinulat ni Lolit na nakita raw niya sina Piolo at Sam na magkasama sa Hotel Sofitel sa Roxas Boulevard noong October 12 bandang alas-kuwatro ng hapon. Bukod sa magkatabi, nagbubulungan pa diumano ang dalawang aktor.

Para raw ilabas ang katotohanan, nagsampa ng kasong libel sina Piolo at Sam kahapon ng umaga, November 16, sa Manila Prosecutor's Office. Kasama ng dalawang aktor ang Star Magic big boss na si Johnny Manahan. Nandun din ang ina ni Piolo na umuwi pa mula Estados Unidos para samahan ang anak sa filing ng kaso.

"Iba talaga kung kasama mo ang nanay mo. Talagang nararamdaman mo ang suporta at labis akong nagpapasalamat," sabi ni Piolo.

Nagmistulang premiere night ng isang pelikula ang City Hall ng Maynila. Hindi mahulugang karayom ang corridors ng City Hall. Humigit-kumulang isandosenang bodyguards ang itinalaga ng ABS-CBN para sa proteksiyon nina Piolo at Sam.

Matapos ang filing, nagkaroon naman ng isang press conference sina Piolo at Sam, kasama ang kanilang abogadong si Atty. Joji Alonso sa Bayview Hotel.

Dito nagpahayag ang dalawa ng labis na kalungkutan sa mga pangyayari. Naaapektuhan daw ang kanilang pagiging makaibigan dahil sa malisyosong artikulo.

PARANOIA. "I dunno, probably it's common human nature na manira or mainggit tayo sa mga nangyayari sa ibang tao, pero para siraan mo ang reputasyon ng isang tao at malagyan ng malisya, for lack of a better term, nakakalalaki," dismayadong pahayag ni Piolo.

"More than galit," patuloy niya, "sometimes you feel broken. When you're seen in public, hindi mo alam ang iniisip ng tao sa ‘yo. When you chance an article as such, nakaka-praning kapag may kaharap kang ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Sam, "When I hear from my friends, always, people always ask me. The first question is always ‘Is Sam really gay?' It affects me, of course. I just want people to know the truth," mariing pahayag ni Sam.

Ayon naman sa abogado ng dalawang aktor na si Atty. Joji Alonso, "Earlier, Piolo went to the bathroom and Sam had to go the bathroom. We told him [Sam] to stay. Baka the next write-up is that you're having sex in the bathroom. There's paranoia already and that is very sad."



Itinanong naman ng GMA News at ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang dapat gawin ni Lolit Solis para iurong nila ang kaso.

"We were asking for... The only thing were asking for is a retraction and a public apology. That's it," sabi ni Sam.

Sinabi rin ni Atty. Alonso na maaari raw makulong si Lolit dahil minsan na itong pinagbigyan ng korte ng probation. Hindi na raw magbibigay pa ng pangalawang pagkakataon ang korte.

Aminado ang kampo nina Piolo at Sam na hindi ito ang unang pagkakataon na nakuwestiyon ang kasarian nila. Pero ito raw ang pinakamasakit na naisulat sa kanilang dalawa.

"This is the straw that broke the camel's back. We want these malicious intrigues to stop," dagdag ng abogado ng dalawa.

Humihingi ng danyos na umaabot sa P12 million, both exemplary and moral, sina Sam at Piolo.

LOLIT'S AND EDITOR'S REPLY. Samantala, nakuha rin namin ang panig ni Lolit at ng entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon na si Veronica Samio na sangkot din sa libel case.

Naiiintindihan daw ni Lolit ang ginawang hakbang nina Piolo at Sam. Pero pinaninindigan pa rin daw niya ang kanyang isinulat.

"Kaparapatan nila ‘yon. Dapat lang naman nilang proteksyunan ang kanilang sarili. Pero ako, pinaninindigan ko ang sinabi ko," pahayag ni Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, wala naman daw kinalaman ang entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon sa mga pangyayari.

Paliwanag ni Veronica, "Obviously, hindi alam ng mga nagdemanda na wala na ako, hindi ba? Dapat editor pa ako up to October 30, pero kasi meron akong bakasyon. I took advantage yung 15 days na leave ko, so wala na ako dun nung nangyari yung article. Wala na ako dun a day after na nawala ako, so hindi ako ang nag-edit."

Sa huli naming balita, nakikipag-usap na si Lolit sa kanyang mga abogado para sa kanyang depensa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN