FIRST READ ON PEP: Cristine Reyes denies wanting to quit showbiz

IMAGE 0


"Wala po akong sinasabing titigil ako. Ang pagkakasabi ko,gusto ko lang magpahinga ng saglit kasi nga sa mga nangyari sa akinlately. Pero I never said na I would quit," says Cristine Reyes.



Dahil sa hindi pagdalo ni Cristine Reyes sa press conference ng kanyang launching movie na Green Paradise kahapaon, November 16, sa Max's restaurant sa Sct. Tuazon, Quezon City, ay kumalat ang balitang nagku-quit na raw ito sa showbiz.



Sa sulat na ipinadala diumano ni Cristine sa presscon, nakasaad doon ang paghingi niya ng paumanhin sa hindi niya pagdalo sa sarili niyang presscon. Sinabi niya na hindi pa siya handa na humarap sa entertainment press dahil sa mga nangyari sa kanya noong nakaraang linggo.

Kahapon ay lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang artikulo ni Dinno Erece na nagsasabing magku-quit na sa showbiz ni Cristine. Ang source ni Dinno ng kanyang artikulo ay ang mismong road manager ni Cristine na si Manny Ballester.

Mula kay Manny, hindi na raw tatanggapin ni Cristine ang mga proyektong io-offer sa kanya, kabilang na ang role bilang isa sa leading ladies ni Robin Padilla sa action-adventure series na Joaquin Burdado, ang mga pelikula sa Regal Entertainment at Viva Films; pati na ang follow-up project niya after Green Paradise. Pati nga raw guestings niya sa ilang shows ay hindi na raw pupuntahan ni Cristine.

Sa katunayan pa nga raw, habang isinasagawa ang presscon ng Green Paradise ay kasalukuyang nakikipag-meeting si Cristine kasama ang kanyang kapatid na si Ara Mina sa GMA-7 management.



CRISTINE'S STORY.
Kinagabihan din ay pinuntahan ng PEP si Cristine, kasama ang TV crew ng Showbiz Central at StarTalk sa Zirkoh Comedy Bar sa Timog Avenue, Quezon City, kung saan may show ang young actress kasama si Dingdong Dantes. Gusto naming kumpirmahin mismo sa kanya kung totoo ngang magku-quit na siya sa showbiz. Umere na rin kasi that night sa 24 Oras na titigil na siya sa pag-aartista.



Nang malaman daw ni Cristine na may issue na titigil na siya sa showbiz dahil sa hindi niya pagdalo sa sarili niyang presscon, natawa lang ito at sinabing wala itong katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat nga ako noong maging istorya ‘yon sa TV. Wala naman akong sinabing ganun," nagtatakang sabi ni Cristine.

"Kaya hindi ako nakarating sa presscon ng Green Paradise ay dahil noong madaling-araw lang nila sinabi sa akin na may presscon pala ako. E, kakauwi ko lang from taping noong sinabihan ako. Grabe ang pagod ko kaya sinabi ko na hindi na ako makakarating. Hindi naman kasi nila sinabi ang tungkol sa presscon a day before para hindi sana ako napuyat," paliwanag niya.

"Wala po akong sinasabing titigil ako," diin niya. "Ang pagkakasabi ko, gusto ko lang magpahinga ng saglit kasi nga sa mga nangyari sa akin lately. Pero I never said na I would quit.

"Yung tungkol sa project with Robin at sa iba pa, pinag-uusapan na namin nang maayos. Nakipag-meeting ako with Tita Yda [Ynares, Artist Center head] at may plano silang ipa-presscon ako para masagot ko na lahat ng issues tungkol sa akin. Gusto ko kasi isang bagsakan na lang para tapos na, di ba?"

Inamin din ni Cristine na hindi raw siya ang gumawa ng sulat na binasa presscon ng Green Paradise.

"Hindi po galing sa akin ‘yon. Sila ang gumawa nun, e. Nalaman ko lang about the letter noong bandang hapon. Hindi po ako ang nagsulat nun. Ayokong isipin nila na nagpapaka-bratinella na naman ako," sabi niya.

CASE AGAINST CARLENE. Kailan lang ay nag-file si Cristine kasama ang kanyang Ate Ara Mina ng kaso laban kay Carlene Aguilar dahil sa panunugod nito sa kanya sa Broadway Centrum dahil kay Dennis Trillo.



"Yung ginawa naman naming ‘yon ay para maprotektakan ako," sabi ni Cristine. "Kasi yung ginawa niyang panunugod sa akin sa Broadway, nakakatakot na ‘yon, e. What more ang puwede niyang gawin kapag nasa labas ako? It's for my own protection lang. Wala akong balak na awayin or komprontahin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Inamin ni Cristine na bago pa man umuwi si Carlene sa Pilipinas kasama ang anak nila ni Dennis na si Calex Andreas, nagkakausap daw sila ni Carlene at maayos naman daw itong kausap.



"Ilang beses kaming nagkakausap noong nasa States pa si Carlene at okay naman siya. Ang bait-bait nga niyang kausap. Ewan ko lang kung bakit nagkaganun siya pag-uwi niya rito. Weird nga, e. Hindi mo pala alam ang puwede niyang gawin sa iyo," kuwento ng young actress.



Ilang text messages din daw ang natanggap ni Cristine mula kay Carlene na hindi magaganda ang mga sinasabi. Pero hindi na raw niya pinag-aksayahan ng panahon ang mga text messages ni Carlene sa kanya.



"Actually, dinedma ko lahat. Kaya siguro nagngingitngit sa akin!" sabay tawa ni Cristine.

"Wala akong sinagot na messages niya. Bakit ko siya pag-aaksayahan na i-text pa. E, di dumiretso na lang kami sa abogado at nag-file kami ng kaso. Yun na lang ang tamang paraan, di ba?"



Tinanong namin si Cristine kung pagkatapos ba ng kumprontasyon nila ni Carlene sa Broadway Centrum ay nagparamdam ba ng suporta sa kanya si Dennis.

"Noong malaman niya what happened sa akin sa Broadway, nag-sorry naman siya sa akin at sa family ko. Pero after that, wala na. Hindi na kami nagkakausap pa. He never texted me or called me sa cell ko. Okay lang kasi magulo talaga, e.



"Gusto ko munang maayos itong lahat bago ako mag-move on sa ibang bagay. Nakakaapekto siya because hindi mo alam ang puwedeng gawin ng ibang tao sa iyo, e. I just want to be safe, pati na ang pamilya ko," pahayag ni Cristine.



That very same day din ay nagpa-interview ang ate ni Cristine na si Ara Mina sa Showbiz Central at nalaman nga niya ang hindi pagdalo ni Cristine sa sarili nitong presscon. Nakiusap si Ara na intindihin na lang ang kanyang kapatid dahil dumaraan ito sa mga pagsubok ngayon both sa personal at professional life nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Malaki ang pasasalamat ko kay Ate Ara kasi nandiyan siya to always support me," mahuha-luhang pahayag ni Cristine. "Alam ko na marami na siyang tiniis sa akin at marami na akong naging pagkakamali sa kanya. Pero she's always there to protect me. I will forever be grateful sa mga ginagawa niya para sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN