Janelle Jamer dispels rumors linking her to Billy Crawford and Vhong Navarro

IMAGE 0


Comedienne-TV host Janelle Jamer is being romantically linked to comedian Vhong Navaro (inset, top) and international singer Billy Crawford (inset, bottom). But Janelle explains that the two gentlemen are just her friends.



Sa nakaraang show nina Janelle Jamer, Vhong Navarro, at Pooh sa Los Angeles, California ay naging kapansin-pansin at naging palaisipan ang presence ng Pinoy international singer na si Billy Crawford. Marami ang nagtaka kung sino ang pinuntahan ni Billy sa naturang concert.

Nagkaroon ito ng kasagutan nang lumabas ang balita na nagkakamabutihan na raw sina Billy at Janelle. Ayon sa mga balita, pagkatapos ma-link kung kani-kanino ni Billy ay si Janelle ang bagong apple of the eye ng singer.



JUST FRIENDS. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Janelle, nilinaw ni Janelle na magkaibigan lang sila ni Billy.



"Magkaibigan lang kami ni Billy at sana huwag bigyan ‘yon ng malisya ng ibang tao," diin niya. "Hindi ko pa siyang gaanong kakilala but sobrang thankful din ako na nanood siya ng show. Siguro gusto rin niyang makita doon si Vhong."

According to Janelle, nagkakilala sila ni Billy through a common friend. But right now ay wala na silang communication.



Bukod kay Janelle ay na-link din si Billy kina KC Concepcion, Rufa Mae Quinto, Marian Rivera, at iba pang mga artista. May pag-asa ba si Billy kung saka-sakaling manligaw ang binata sa kanya?



"Hindi ko ini-entertain yung ganyang thought, but Billy is a very talented person, very down to earth, and as a person, I like him. Any girl would fall in love with someone like him.



"Regarding that playboy image, just like I've said, bago pa lang kaming magkakilala. Pero sa tingin ko, he's a nice person, very friendly, very accommodating, sobrang gentleman kaya siguro nami-misinterpret siya ng ibang tao dahil sa sobrang bait niya."

VHONG NAVARRO. Samantala, nabalita rin na break na sina Vhong at ang girlfriend nitong si Desiree del Valle at si Janelle ang itinuturong third party. Ano ang masasabi ni Janelle dito?



"Di totoo ‘yon," tanggi niya. "Sa Yes Yes Yo! pa lang magkasama na kami ni Vhong. Nabigyan lang siguro ng kulay kasi magkasama kami sa Jordan, ‘tapos heto na naman, kami na naman uli ang magkasama sa U.S. tours. Siguro na-issue din kasi matagal-tagal na rin akong walang boyfriend kung kaya't kani-kanino na ako nali-link.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Isa pa, never pa kaming lumabas ni Vhong together, even dito sa Philippines. Hindi rin siya nanliligaw sa akin," diin ni Janelle.

Pero paano ipaliliwanag ni Janelle ang lumabas na picture kung saan sweet na sweet silang tingnan ni Vhong?



SINGING COMES FIRST. Nasa ilalim ng pagma-manage ni Cacai Velasquez, marami ang nagatatanong kung kailan babalik sa telebsiyon si Janelle.



"Hindi namin napag-uusapan ‘yon ni Ate Cacai kasi ang focus niya, gusto niya singing muna then everything follows. Ako naman, I trust her kasi nga pumayag ako na magpa-handle sa kanya. Masaya ako na tinaggap din niya ako, so kailangan nandun yung trust. Kasi kung wala, negative na agad, di ba?" paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN