Shaina Magdayao plays 'hard to get' with Rayver Cruz and John Prats

IMAGE 0


"Hindi ko tinatanong kung nagseselos siya, bahala sila. Sila naman angnanliligaw at problema na nila ‘yon. Ang alam ko, friends sila at hindinila isinasama sa trabaho ang personal na bagay," replies Shaina Magdayao when asked if Rayver Cruz is jealous now that John Prats is also courting her.



Nasa Japan si Shaina Magdayao sa unang presscon ng pelikulang Katas ng Saudi, kaya hindi siya na-interview ng entertainment press. Sa nasabing bansa kasi nag-celebrate ng kanyang debut ang young actress.

Sa second presscon ng pelikula na ginawa sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last Friday, November 16, si Shaina lang ang kasama ng mga bida na sina Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino na ipina-interview ng Maverick Films.



Ang ganda-ganda ni Shaina that night at lalo pang nagningning ang kanyang ganda sa suot na ruby brilliantitos earrings and ring na birthday gift sa kanya ng kanyang Ate Vina Morales.

Sayang daw at walang katernong necklace ang alahas, pero masaya na rin siya. Halatang mamahalin ang alahas na balak sana niyang siya ang bumili, pero pag-iipunan muna niya. Nang malaman ni Vina na type niya ang alahas, ito na ang bumili at ibinigay sa kanya.



So, how does it feel to be 18?



"Wala namang masyadong nagbago. More responsible siguro dahil mas mataas ang expectation sa akin ngayon. Kailangan ko na ring mag-save at bawas-bawasan ang gastos," sagot ng dalaga.



Narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sinabi ni Shaina na baka payagan na siyang mag-boyfriend ng parents niya ngayong disiotso na siya, pero ayaw pa raw niya. Ang career at studies pa rin daw ang priority niya at tuwang-tuwa nga siya dahil graduating na siya sa high school next year.



"Sa Angelicum pa rin ako nag-aaral, dapat nga graduate na ako. Nakakahiya nga dahil 18 na ako, pero nasa high school pa rin. Gusto kong mag-college, dati medicine ang gusto ko, na imposible dahil sa career ko. Business-related course na lang ang kukunin ko."



JOHN OR RAYVER? Samantala, ayaw pa ring sabihin ni Shaina kung sino kina John Prats at Rayver Cruz ang mas matimbang sa kanyang puso at mas gugustuhin niyang maging first boyfriend. Ayaw rin niyang ikumpara ang dalawa niyang masugid na manliligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipina-describe na lang ng PEP sa kanya sina John at Rayver.



"Tahimik si Rayver, mabait, very close sa family niya, maalaga, and tall—the opposite of John. Mabait din si John, makulit, at masayahin. Lagi siyang nakatawa at maski pikunin ay hindi siya napipikon. Ayoko munang pumili, siyempre pa-hard to get muna tayo," sabi ni Shaina.



Si Rayver ang kapareha ni Shaina sa Katas ng Saudi at Bahay Kubo ng Regal Entertainment. Ayon kay Shaina ay okay sila ni Rayver. Hindi niya alam kung nagseselos ang binata sa pag-eksena ni John.



Sabi niya, "Hindi ko tinatanong kung nagseselos siya, bahala sila. Sila naman ang nanliligaw at problema na nila ‘yon. Ang alam ko, friends sila at hindi nila isinasama sa trabaho ang personal na bagay."



Natawa si Shaina nang ipaalala ng PEP na ang Ate Vina niya ang nagkumpirma sa press na dumadalaw sa bahay nila si John. Nagulat din daw siya sa ginawa ng kapatid, pero alam nitong responsable siya pagdating sa love matters.



"Medyo lumuwag-luwag siya [Vina], pero alam naman niya ang priority ko. Lagi niyang sinasabing kung sino ang gusto ko at kung saan ako masaya, doon ako at susundin ko ‘yon," pagtatapos ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN