Annulment case prevents Desiree del Valle and Vhong Navarro from admitting relationship

IMAGE 0


"Ang alam lang namin, we are happy. When we're together, we cantalk. I find him so mabait and very charming. Okay naman siya. Ako,okay din, so okay kaming dalawa," says Desiree del Valle about her relationship with Vhong Navarro (inset).



Rumaket man daw ang aktres na si Desiree del Valle sa GMA-7—nakasama siya sa soap opera na Now and Forever at fantaserye Atlantika, at sa pelikulang Ouija na iprinodyus rin ng nasabing istasyon—sinabi ng aktres na she owes a lot to ABS-CBN kung saan matagal din siyang nakabilang sa mga Artist Center talents nito. Pero now that she is being managed by Viva Films, allowed naman siyang magpalipat-lipat ng bahay, depende sa offer.



Pagkatapos ng Palimos ng Pag-ibig at Margarita, balik siya ulit sa Kapamilya network sa pamamagitan ng Ysabella. Pivotal ang character niya as Cristina dahil may anak pala sila ni Andrew (ang namayapang karakter ni Ryan Agoncillo na may kakambal, si Albert).



Ang nakakatuwa kay Desiree, aminado ito na sa features niyang mataray, hindi maiaalis na pawang kontrabida roles ang maihatag sa kanya sa TV man o sa pelikula.



"Kaya nga challenge sa akin ang role ko ngayon in Ysabella. Kasi mabait ako until such time na, well...sa bandang huli pa naman ng soap 'yon," kuwento ng aktres sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



That afternoon na makausap namin ang dalaga, papunta rin siya sa taping niya ng Palos, na pinagbibidahan ni Jake Cuenca, kung saan may bit role daw siya. Pero mukhang hahaba ang kanyang role bilang nanay ni Julia Barretto (anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla).



VHONG NAVARRO. Samantala, inusisa na namin kay Desiree kung may katotohanan ang balitang nagselos diumano siya kay Janelle Jamer, na nakasama ng napapabalitang boyfriend ni Desiree na si Vhong Navarro nang magkaroon sila ng U.S. tour. Kasunod pa nito ang balitang sa isang birthday party raw na dinaluhan ni Vhong ay hindi si Desiree ang kasama ng comedian-dancer.



"Kami ang magkasama noon," paglilinaw ni Desiree. "And as far as that issue is concerned [about Janelle], wala. Dahil wala namang isyu. Nagulat pa nga si Vhong nung lumabas 'yon at maging item. Tinawanan na lang namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



So, nasaan na ba ang level ng pagiging super close nila ni Vhong?



"Ang alam lang namin, we are happy. When we're together, we can talk. I find him so mabait and very charming. Okay naman siya. Ako, okay din, so okay kaming dalawa. So, wala rin yung on-and-off na nasusulat. Nagugulat nga kami, e. Hindi pa nga kami nagiging mag-on, nag-break na raw kami. As it is, we are comfortable with what we have," paliwanag niya.



May pumipigil pa rin ba para umamin na sila?



"His annulment case," direktang sagot ni Desiree. "Although nag-meet na kami ni Bianca [Lapus, Vhong's ex and the mother of his child]. Okay naman kami. Siguro lang, we're not the type na kailangan pang ipagsigawan sa buong mundo na kami na. It's not a big thing naman. As long as we're pretty much okay with what we have."



Matagal na ba sila?



"Matagal-tagal na rin," pag-amin niya. "And it just happened. Hindi naman namin ito plinano. Nagkakilala at nagkasama lang kami sa isang bar where I was with my friends and siya rin. After that, constant na yung conversations namin over the phone. Tumagal na, until now.

"I just know na whatever kind of relationship we are sharing now, alam ko na it will turn out to be much better. Ako, sa pagkakilala ko sa kanya, naniniwala ako na guwapo siya!" tawa niya.



Chickboy din ba si Vhong?



"Sabi ko nga, guwapo, di ba?" bulalas niya. "Hindi maiaalis na girls get smitten by him. Basta ako, I trust him completely. When you love someone, ibibigay mo naman talaga lahat-lahat, pero you have to be smart also.

"At saka 'yang isyu na chickboy siya, wala nang ganyan dapat. Diyan lang nagsisimula ang mga away-away, e. Pero kami, alam namin na hindi namin pag-aawayan yung ganoong bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WHAT IF. Halimbawa lang, kung siya si Cristine Reyes at may babaeng kumumpronta sa kanya, ano ang gagawin niya?



"I'll go to her and usap right away, in a nice way. Kung ako 'yon, I know magagawa ko kasi palaban ako, e," sabi ni Desiree.



Kung siya naman si Carlene Aguilar na kukumpronta sa babaeng nali-link sa boyfriend mo?



Sagot niya, "Ang kakausapin ko muna dapat, yung lalake. Hindi dapat na sugurin ko ang sinuman. Nasu-showbiz-an ako masyado sa ganun. ‘Sensya na, ha. Opinyon ko lang ang tinanong n'yo. Naniniwala kasi ako na hindi na yata dapat umabot pa sa gano'n, na may kaso na."



Sabi pa ni Desiree, "Ang saya-saya ng life. There is so much you can do!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN