Ruffa Gutierrez clarifies billing issue in "Desperadas"

IMAGE 0


"Hindi ko pinuproblema ang billing... Ang trabaho ko lang ay umarte. But I stillbelieve na kahit gaano kalaki ang billing ng name mo, what's importantpa rin ay ang performance mo," says Ruffa Gutierrez about the rumored billing issue in the movie Desperadas.



Ang billing problem agad ang itinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press kay Ruffa Gutierrez sa solo presscon niya para sa pelikulang Desperadas sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City kagabi, November 20. Nagkaroon kasi ng issue na ang billing daw ng Desperadas ay "Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, and Marian Rivera."

May nagsumbong daw agad sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama kaya kinausap agad nito si Mother Lily Montevrede. Pero mali naman daw ang sumbong dahil wala namang "and" bago ang pangalan ni Marian, kaya madaling nagkaayos sina Mother Lily at Annabelle.

"Hindi ko pinuproblema ang billing," sabi ni Ruffa. "Trabaho ‘yon ng Mommy ko, who is also my manager, at ng publicist kong si Jun Lalin. Ang trabaho ko lang ay umarte. Saka naniniwala naman akong anak ako ni Mother Lily at hindi lang basta artista niya, dahil ninang ko siya sa kasal. Hindi magkakaroon ng problema sa ganoong bagay. But I still believe na kahit gaano kalaki ang billing ng name mo, what's important pa rin ay ang performance mo."

RUFFA'S CO-STARS. Kumusta naman ang working relationship niya sa kanyang tatlong co-stars?

"I enjoyed shooting the movie," sagot niya. "I found three sisters in Rufa Mae, Iza, and Marian. I want to make more friends in the industry, not kaaway. Walang nagtaray, walang pasaway.

"Si P-chie [Rufa Mae], matagal ko nang friend ‘yan. Pero now ko lang nalaman na kasama ko na pala siya noon sa movie kong Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa [1996].

"Si Iza, napakabait niyang bata, mahusay na aktres. Okay lang sa akin kahit tinatawag niya akong Ate kasi napaka-sweet niya, plus matagal ko nang kilala ang tatay niya, si Tito Lito Calzado.

"Napakabait din ni Marian. I think she's misunderstood, tulad ng nababasa ko na lumaki na raw ang ulo niya. Siya pa nga ang lumalapit sa akin kapag dumarating siya sa set. And I'm happy for her, she's lucky to get all the breaks and success niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, kung natuloy ang original cast—ako, si Dawn Zulueta, Pops Fernandez, and Gretchen Barretto—baka hindi pa kami tapos at sa susunod nang festival kami makakasali!" natatawang wika ni Ruffa.

CROSSING OVER. Nagkatanungan din kung bakit mga Corporate PR ng GMA Network ang nasa presscon ni Ruffa para sa Desperadas. Napag-alaman namin na sila pala ang kinuhang publicist ni Mother Lily for the movie since ang tatlo sa apat na bida ng Desperadas ay pawang taga-GMA-7; si Ruffa lang ang taga-ABS-CBN.

Puwede bang mag-promote si Ruffa sa GMA-7?

"Nag-try nang makipag-usap ni Jun Lalin kay Tito Deo [Endrinal], pero may guaranteed contract daw ako sa ABS-CBN kaya hindi ako puwedeng mag-promote kahit sa Eat Bulaga! o sa Walang Tulugan ni Kuya Germs [German Moreno]. Siguro puwede ang mga VTR interviews ‘tulad ngayon at puwede akong mag-guest sa QTV 11, huwag lang sa GMA-7. In-assure naman nila ako na bibigyan ng chance na makapag-promote ng aking comeback movie [after 11 years] sa lahat ng shows ng Channel 2," pahayag ni Ruffa.

DESPERADA. Dahil Desperadas ang title ng pelikula nila, may time na bang naging desperada si Ruffa?

"For me naman, hindi ibig sabihin ng desperada ay desperate ka nang gusto mo nang magpakamatay," paliwanag niya. "Kung minsan, meron kang gusto at desperate kang bilhin ‘yon pero hindi mo mabili. Kung desperate ka man dahil marami kang problema, dapat you face your problem at huwag mo yung iwasan.

"But yes, may time na rin akong naging desperate," pag-amin ni Ruffa. "Noong nasa Istanbul ako, mag-isang umiiyak, longing for my family, pero wala sila sa tabi ko. But I guess ‘yon ang nagpatibay sa akin. Kung desperate ako noon, I'm a survivor ngayon."

Naitanong din kay Ruffa ang mister niyang si Yilmaz Bektas. Uuwi ba ito ng Pilipinas this Christmas para makapiling silang mag-iina?

"He is always welcome naman to visit our daughters," diin ni Ruffa. "May communication pa rin naman kami, pero nakiusap siya sa email niya last week na huwag na lang siyang banggitin pa sa mga interviews sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What's important now are my daughters—Lorin and Venice—and my work. May sisimulan akong teleserye sa ABS-CBN at magsisimula na kaming mag-shooting ni Mommy ng Monster Mom sa January under Joey Reyes."

SUPPORTIVE SISTER. Bago natapos ang presscon, nagpasalamat si Ruffa sa suportang ibinigay ng entertainment press sa Kamandag ng kapatid niyang si Richard dahil nakakuha ito ng 42.7 percent rating noong pilot telecast nito last Monday, November 19.

"Talagang nag-text brigade ako sa mga friends ko na panoorin ang Kamandag!" masayang kuwento ni Ruffa. "Kaya sabi nila, taga-ABS-CBN daw ako, bakit programa ng GMA-7 ang pinapapanood ko.

"Sa bahay namin, walang network war, happy kami sa success ng bawat isa. Like si Raymond, happy ako na nakatanggap siya ng two awards sa Star Awards for TV as host. Buti pa siya, nanalo na ng award, naunahan pa ako!" birong pagtatapos ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN