Rufa Mae Quinto refuses to be dragged into Carlene-Dennis controversy

IMAGE 0


"I have nothing against anyone. Ayoko na lang patulan. ‘Tsaka kawawanaman si Dennis, kasi I'm sure... Hindi pa ako sumasali sa issue, hirapna hirap na siya," says Rufa Mae Quinto about the controversy involving Dennis Trillo (inset, top) and Carlene Aguilar (inset, bottom).



Halatang nairita si Rufa Mae Quinto nang bigla siyang tanungin ng co-host niya na si Mo Twister sa Showbiz Central last Sunday, November 18, tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa alitan nina Carlene Aguilar at Cristine Reyes dahil kay Dennis Trillo. Napasimangot si Rufa Mae nang marinig ang tanong ni DJ Mo at sinabing, "Kailangan ko bang sagutin ko ‘yan ngayon?"

Matatandaang inamin ni Rufa Mae noon na nagkaroon sila ng short-lived romance ni Dennis. Ayon sa isang panayam ng sexy comedienne, dahil ginu-groom noon ang young actor bilang pangunahing leading man ng GMA-7, nagdesisyon sila na tapusin na ang kanilang relasyon. Pero may naniniwala rin na ang isang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang kanilang relasyon ay dahil kay Carlene.

Kaninang tanghali, November 21, sa second presscon ng pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas na Pasukob ng OctoArts Films sa Guilly's restaurant sa ABS-CBN, Quezon City, inamin ni Rufa Mae na nainis nga siya kay DJ Mo nang tanungin siyang bigla nito tungkol sa pagtawag diumano ni Carlene sa kanya noong na-link siya kay Dennis. Although kinumpirma niyang tinawagan nga siya ni Carlene, hindi na siya nag-elaborate tungkol dito.

"Alam mo, hindi naman artista si Carlene," medyo naiiritang pahayag ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Huwag na akong isali sa kanila. Kung gusto n'yo, siya na lang ang tanungin. Kung gusto niya, sumagot siya. Kung ayaw niya, bahala siya sa buhay niya. Ayokong makisukob sa gulo nila.

Dagdag pa niya, "May sarili akong problema, may sarili akong buhay, may sarili akong iniintindi. Wala akong koneksiyon sa kanya. Hindi naman siya artista.

"I have nothing against anyone. Ayoko na lang patulan. ‘Tsaka kawawa naman si Dennis, kasi I'm sure... Hindi pa ako sumasali sa issue, hirap na hirap na siya."

Sa tingin niya ba ay dapat nang magsalita si Dennis upang linawin ang isyu sa pagitan nina Carlene at Cristine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanong ko siya [Dennis] last Sunday sa SOP, tinanong ko lang kung ‘Okay ka lang?' Okay naman daw siya. Sabi niya, ‘Lilipas din ‘yan.' Yun lang. Hindi ko na inusisa. Basta okay siya, yun lang ang importante. Mukha naman siyang masaya. Hindi naman siya nakikipag-away kahit kanino sa dalawa.

"Nasa kanya ‘yon, e, kung ayaw niya [magsalita], di ba? Pero kung ayaw niya, choice niya ‘yon, e. Kung ano ang nararamdaman niya, then follow his instinct. Kung gusto niyang sumagot, di sumagot siya. Pero dahil sa ibang tao, sasagot siya...parang ewan ko lang," opinyon ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN