Marco Alcaraz "exclusively dating" a Cebuana

IMAGE 0


"Exclusively dating lang, ganun. Hindi pa naman formal na ano...na kami," says Marco Alcaraz about the girl he is currently seeing.



Isang non-showbiz girl ang regular date ngayon ng young actor na si Marco Alcaraz. Ito ang inamin niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Pero ayon kay Marco, wala pa silang relasyon ng naturang babae na ayaw niyang ipabanggit ang pangalan. "Exclusively dating lang, ganun. Hindi pa naman formal na ano...na kami," sabi ni Marco.

Masasabi lang daw niya na formal na ang relasyon ng isang babae at isang lalaki kapag "yung nagkakaseryosohan na. Yung may commitment na, para at least may inspiration ka."

Isang working girl na mas bata sa kanya at may family business ang nabanggit na babae, na taga-Cebu at kababayan ni Marco. Gaano na kalalim ang relasyon nila?

"She inspires me ‘pag sa work ko, ganun. May mga goals ako sa life na gusto ko, kasama siya," sagot ng binata.

Sinabihan na ba niya yung girl ng "I love you"?

"Hindi, wala pang ganun, wala pang 'I love you,'" sabi ni Marco.

Pero aminado si Marco na mahal na niya ang girl.

"Siyempre, kaya ko nga tina-try na exclusively dating para malaman ko kung okay ba kami."

Kuwento ng young actor, nagkakilala raw sila ng girl through their common friends. "Friends na kami before pero recently lang kami nagiging close," dagdag niya.

Kung saka-sakaling magkakaroon sila ng pormal na relasyon, pang-limang girlfriend na ito ni Marco. Naipakilala na rin daw niya ang girl sa parents niya, at nakilala na rin ni Marco ang mga magulang ng babae.

Dahil taga-Cebu ang babae, hindi ba siya nahihirapan sa set-up nila?

"Date-date pa lang naman, e. Hindi pa naman ganun kaseryoso. Kaya nga tina-try, di ba? May text na naman ngayon, may Internet. Usually ‘pag may ano dun, umuuwi ako. Mga once a month lang. Hindi naman regularly once a month, may mga times na marami sa isang buwan," sabi ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Marco sa daily afternoon soap opera na My Only Love ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN