Maxene Magalona had a hand in Angel Locsin's success

IMAGE 0


After turning down the role of Alwina in the fantaserye Mulawin, Maxene Magalona was the one who suggested Angel Locsin (inset) to play the role. The rest is history.



This time ay buo na raw ang konsentrasyon ng young actress na si Maxene Magalona sa kanyang showbiz career, lalo pa nga't napakalaking project ang kinabibilangan niya ngayon—ang Kamandag. Isa si Maxene sa tatlong leading ladies ni Richard Gutierrez, along with Ehra Madrigal and Jewel Mische.

May issue kasi dati na parang wala talaga sa loob ni Maxene ang kanyang showbiz career, kaya parang ang dating noon ay wala siyang ganang magtrabaho. Nag-iba na ba ang pananaw niya ngayon?

"Actually, nung time na ‘yon, siguro I was... Iba na talaga, kasi at that time, I was 17 or 18. Now that I'm more mature, I'm growing up na," sabi ni Maxene sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Kasi siyempre, when you enter college, that's when you find yourself, that's when you look for who you are. At that time, medyo ano ako, e, parang lost na, ‘Ano ba talaga ang gusto ko?' I mean, I entered showbiz at the age of four or seven. When I started, in Ang TV, parang all my life, yun na. So when I went to college, parang sabi ko, stop muna. Parang okay, I have one show, so yun na muna.

"And now, I'm just so thankful na at least tinatanggap pa rin ako ng showbiz ulit, ng mga tao. At least hindi nila ako nakalimutan, nababasa ko nga sa PEP, sa IGMA.tv Forum, na lahat sila parang, ‘We're so happy that she's back.' I'm just so glad, kasi siyempre I owe it also to my showbiz family. Yung Dad ko... Kasi honestly kung wala sila, feeling ko talaga mawawala na rin ako," mahabang pahayag ni Maxene.

Ngayon ba ay seseryosohin na niya ang kanyang showbiz career? Is she here to stay?

"Definitely, more dedicated," paniniguro niya, "I'm happy na at least malapit na akong magtapos. But at the same time, magagawa ko ‘to [showbiz career]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DESTINY. Samantala, napag-alaman namin mula kay Maxene na siya pala ang nag-suggest sa GMA-7 noon na kay Angel Locsin na lang ibigay ang role na Alwina sa Mulawin matapos niya itong tanggihan.

Kuwento ni Maxene, "Actually, nung napag-usapan po namin sa meeting noon, they really want to get me, I said... Nahiya naman ako, nag-meeting pa kami and everything, ‘tapos hindi rin natuloy. So sinabi ko, ‘Tita Redgie [Magno, program manager of GMA-7], what if kunin ninyo po si Angel?'"

As we all know, kay Angel nga napunta ang naturang role na nagbukas ng mas maraming opportunities para sa young actress.

"Feeling ko talaga, meant for her," sabi ni Maxene tungkol kay Angel. "And feeling ko, like let's say kahit tinanggap ko yung Mulawin, feeling ko kahit tinanggap ko ‘yon, hindi mawawalan ng career si Angel, kasi yung ginawa niyang Mulawin na ‘yon, that was all her, e, it wasn't because of me. I mean, pinaghirapan niya, nagsikap siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN