Piolo and Sam's lawyer says Lolit's video claim diverts real issue

IMAGE 0


"The ironic part about it, parang the issues have been diverted. It's agay issue, it's an issue of whether Piolo and Sam were there—that's notthe issue. The issue is whether or not the column of Lolit Soliscontained malicious indications or defamation against Piolo and Sam," says Atty. Joji Alonso (middle) about the video claim of Lolit Solis.



Nauna nang nagsabi ang batikang talent manager/entertainment columnist/TV host na si Lolit Solis na may video siyang maaaring iprisinta para patunayang nasa Hotel Sofitel si Piolo Pascual noong October 12. Nakita raw ni Lolit sina Piolo at Sam Milby na magkasama sa isang coffee shop at isinulat niya ito sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon noong October 15.

Ang naturang column ni Lolit ang naging dahilan upang idemanda siya nina Piolo at Sam ng P12 million-libel case.

Hindi na pinalampas ni Atty. Joji Alonso, abogado nina Piolo at Sam, ang pahayag ni Lolit na may ebidensiya siya na magpapatunay na nasa Hotel Sofitel si Piolo noong October 12.

"Unang una, we have to see the video to able to really react to it," sabi ni Atty. Alonso sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "But offhand, if it's a video supposedly taken of Piolo on October 12 at Sofitel, we don't buy it. As far as we're concerned, we're not calling the bluff that she has presented before us, because we know where Piolo is on that day."

Giit pa ni Atty. Joji, huwag daw sanang iwasan ni Lolit ang totoong isyu.

"The ironic part about it, parang the issues have been diverted. It's a gay issue, it's an issue of whether Piolo and Sam were there—that's not the issue. The issue is whether or not the column of Lolit Solis contained malicious indications or defamation against Piolo and Sam. If you analyze the article closely, whether Piolo and Sam were there, the article in itself is libelous. The fact that Piolo and Sam were not there makes it even worse because it shows the entire story was concocted," paliwanag ng lady lawyer.

Ayon pa kay Atty. Alonso, kahit pa raw dumaan sa matinding sakit ng kalooban sina Piolo at Sam, pinipilit daw ng dalawang matinee idols na muling ibalik sa normal ang kanilang mga araw-araw na aktibidades.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They're working. They have to work. Life goes on. Along the way, we have to go back to the fiscal's office to file our reply affidavit when Ms. Lolit and Ms. Samio file their counter-affidavit. We're just waiting for that one," sabi ni Atty. Alonso.

Sa naunang report, sinabi ng entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon [PSN] na si Veronica Samio na wala na siya sa naturang daily tabloid nang nailathala ang controversial Piolo-Sam article. Naka-leave na raw siya habang ina-anticipate ang kanyang pagbibitiw sa huling araw ng Oktubre.

Ayon sa abogado nina Sam at Piolo, dawit pa rin daw si Veronica sa kaso kahit naka-leave siya ng mga araw na iyon.

"It doesn't matter if she was on leave already at that time. The fact that I have... Hindi ko nga [maintindihan] kung resignation ba o retirement was effective October 31. Therefore, it necessarily follows that since she was just on leave during that period, terminal or vacation as the case may be, empleyado pa rin siya ng PSN as an editor," paliwanag ng abogado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN