Allan K admits going to the casino but denies being hooked

IMAGE 0


"Kung yung walang pera, pumupunta sa casino, ako pa kaya na kahit paanoay may naipon? Para namang mortal sin sa mga artista ang pumunta sacasino? Mas mayayamang tao at kilala pa ang nagpupunta doon. Parangako, hindi puwede," explains Allan K about going to the casino.



Hindi itinanggi ng comedian na si Allan K ang nasusulat sa kanya—blind item man o hindi—na nagka-casino siya. Ito ang inamin niya sa presscon ng pelikulang Pasukob kahapon, November 21, sa Guilly's restaurant sa Mother Ignacia Ave., Quezon City.

"Hindi naman ako yung burara o waldas ‘pag nagka-casino. May control ako sa pera dahil kung wala, lalalago ba ang mga negosyong itinayo ko?" rason niya.

Patuloy ni Allan, "Kung yung walang pera, pumupunta sa casino, ako pa kaya na kahit paano ay may naipon? Para namang mortal sin sa mga artista ang pumunta sa casino? Mas mayayamang tao at kilala pa ang nagpupunta doon. Parang ako, hindi puwede. Naku, kung alam lang nila ang enjoyment ko ‘pag nakakapasyal doon!"



Kuwento nga ng komedyante, bata pa lang siya ay namulat na sila sa bahay nila sa Bacolod na may nagsusugal.

"Mahilig ang tatay ko sa mahjong," sabi niya. "Mga pamangkin ko nga, bata pa lang, marunong nang sumalat sa mahjong, huh! Pero kasiyahan lang yung pagma-mahjong sa amin. Hindi naman ini-encourage 'yon.

"Ako nga, marami rin akong alam na sugal. Ang hindi ko gusto, yung poker dahil natatagalan ako. Mas masarap laruin ang slot machine dahil alam mo na agad ang magaganap. Malaki pa ang jackpot!" tawa niya.

Tinabla rin ni Allan ang balitang milyon siya kung magpatalo ng pera sa casino.

"Ay, hindi naman ako umaabot sa stage na 'yan. Yung perang nilalaro ko, sobra lang sa kinikita ko," depensa niya.

"Tuloy pa rin naman ang sustento ko sa kapatid at pamangkin ko sa Bacolod. Normal ang takbo ng negosyo ko. Kaya tsismis lang yung milyon ang natatalo sa akin.

"Of course, hindi ko naman ini-encourage na magpunta sa casino yung iba. Sa akin, form of therapy kumbaga dahil alam naman ninyo, trabaho sa tanghali sa Eat Bulaga! at show sa gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So kapag fresh at bored sa bahay, saka lang ako pupunta sa casino. Naku, kung alam lang ninyo ang feeling!" katuwiran pa ng tinaguriang Pambansang Ilong ng Pilipinas.

Lingid sa kaalaman ng marami, nagbabalak ding magtayo ni Allan ng foundation upang makatulong sa mga nangangailangan. Hopefully next year, masimulan na rin niya ang kanyang import-export business ng mga damit.

At this point na medyo kumportable na sa buhay si Allan after ilang years ng struggle at kandakuba sa trabaho, he is just enjoying the fruits of his labor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN