FIRST READ ON PEP: Cristine Reyes and Carlene Aguilar kiss and make up

IMAGE 0


Young actress Cristine Reyes (left) and beauty queen Carlene Aguilar (right) met each other again today, November 23, more than two weeks after their encounter during the taping of All Star K. But this time, the two women being linked to young actor Dennis Trillo have calmed down and agreed to settle their differences.



All's well that ends well sa pagitan ng young actress na si Cristine Reyes at ng beauty queen na si Carlene Aguilar.

Naging emosyonal ang pagtatagpo nina Cristine at Carlene—kasama ang kanilang mga abugado at ilang pinagkakatiwalaang mga tao—nang sa wakas ay mapagdesisyunan ng parehong kampo na magkapatawaran at mag-usap nang masinsinan.

Sa isang kuwarto sa Rembrandt Hotel sa Quezon City naganap ang pag-uusap ng dalawang kontrobersiyal na showbiz figures kaninang alas-dos y media ng hapon, November 23.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ang abugadong si Dexter Licuanan ang nag-initiate ng pagkikita nina Cristine at Carlene, makaraang mapanood nito ang panayam at paghingi ng "sorry" ni Carlene sa The Buzz ng ABS-CBN last Sunday, November 18.

Si Atty. Licuanan ang tumatayong abugado ni Cristine sa isinampa nitong kaso laban sa dating beauty queen makaraang kumprontahin siya nito sa taping ng All Star K ng GMA-7 sa Broadway Centrum noong November 7. Ang pinag-ugatan ng kanilang alitan ay ang young actor na si Dennis Trillo, na ama ng anak ni Carlene at nababalitang karelasyon ngayon ni Cristine.

Sa panayam ng PEP kay Atty. Licuanan, ipinaliwanag niya, "I sincerely feel her [Carlene's] apology and so I spoke to Cristine. Nagkataon naman na napanood din pala ni Cristine ang nasabing The Buzz interview at nauunawaan din daw nito ang pinanggalingan ni Carlene bilang isang babae. Dun lang nagsimula until my client decided to schedule a meeting with Carlene—at ito na nga."

Kasama ni Cristine ang kanyang ina na si Mrs. Frances Marie Klenk habang si Carlene naman ay kasama ang isang kaibigan na tumatayong legal adviser din niya.

Ayon sa kuwento ni Atty. Licuanan, nag-usap nang sarilinan sina Cristine at Carlene, nag-iyakan at nagkapatawaran. Ang resulta ay ang pag-uurong ng demanda ni Cristine laban kay Carlene.

At press time ay kasalukuyang dina-draft ang motion para i-withdraw ang kaso at nangako ang kampo ni Cristine na first thing in the morning sa Monday, November 26, ay isusumite na nila ito sa korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa abugado ni Cristine, nagbigay rin ng statement si Carlene na bukod sa paghingi niya ng apology kay Cristine ay nauunawaan na raw niya ang mga taong kanyang tinatawag na kaibigan. Hindi niya raw dapat na itinuturing na kaaway ang young sexy actress dahil gaya niya ay isa lamang din itong biktima.

Sinubukan din ng PEP na kunan ng pahayag si Dennis Trillo habang nag-uusap pa ang dalawang babaeng nauugnay sa kanya, subalit hindi nito sinasagot ang aming tawag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN