Maricel Soriano does not seek new love while content with her children

by Nora Calderon
Nov 23, 2007
"Masaya ako ngayon sa piling ng mga anak ko, kaya bakit pa ako maghahanap ng magpapasakit ng ulo ko?" explains Maricel Soriano when asked about finding a new love.


Lahat ng cast members ng Bahay Kubo, Regal Entertainment's entry in the 2007 Metro Manila Film Festival, ay naka-red nang dumating sila sa presscon kaninang tanghali, November 23, sa Imperial Palace Suites sa Quezon City.



Isang masayang Maricel Soriano—ang gumaganap na nanay ng anim na adopted children at ng nag-iisa nilang anak ni Eric Quizon—ang unang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"This is my last movie sa contract ko sa Regal," nakangiting wika ni Marya. "Pero anytime na gusto akong kuning artista ni Mother Lily [Monteverde], hindi ako tatanggi.

"I hope magustuhan ninyo itong movie na idinirek ni Joel Lamangan from the script of RJ Nuevas and Suzette Doctolero. Pinoy Mano Po ang sabi ni Mother Lily dahil Pinoy na Pinoy talaga ang tema nito. Tatawa, iiyak, tatawa ka. May kurot ito sa puso kapag napanood ninyo," very proud na sabi ng aktres tungkol sa kanyang pelikula.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya with the younger members of the cast, lalo na ang mga taga-GMA-7 na sina Marian Rivera, Mark Herras, at Yasmien Kurdi?

"I'm very blessed na nakilala at nakasama ko sila," sagot ni Maricel. "Magaganda sila, hindi lamang sa panlabas kundi magaganda rin ang kalooban nila, at ang sisipag nila. Kaya hindi totoo ang tsismis na may mga attitude sila dahil mababait at very professional sila. Kahit galing sila sa shooting or taping, pagdating nila sa set, nakahanda na sila. Parang wala silang kapaguran.

"Nalaman ko nga na si Marian, nanggagaling pa sa Zambales dahil doon ang taping ng Marimar, ‘tapos pupunta siya sa location namin—sa Magdalena, Laguna at sa Pagsanjan, Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung minsan, nagpa-flashback ako. Naalaala ko noong kasing-age ko rin sila, yung hindi rin ako halos nagpapahinga, sunud-sunod ang trabaho. Kaya sabi ko sa kanila, ‘Mga anak, magpapasalamat kayo sa mga blessings na tinatanggap ninyo. Kaya n'yo ‘yan dahil mga bata pa kayo. Nasa inyo kung paano kayo magtatagumpay," kuwento ng multi-awarded actress.

Kasama rin ni Maricel sa Bahay Kubo si Shaina Magdayao, na gumanap bilang pamangkin niya noon sa sitcom nila ni Cesar Montano sa ABS-CBN. Ngayon ay mag-ina naman ang kanilang role.

"Oo nga, e. Sabi ko, ngayon anak ko siya, baka sa susunod kaagaw ko na siya sa isang lalaki sa pelikula tulad noong kami ni Angelica Panganiban sa A Love Story!" natatawang wika ni Marya.

"Pero mahal ko talaga 'yang si Shaina," patuloy niya. "Very protective ako diyan, kaya sabi ko sa kanya huwag muna siyang makikipag-boyfriend. Siguro puwede na when she turned 21. Kaya lang, hindi naman mapipigilan ang puso. Kaya kung hindi na talaga mapigilan, humayo siya, sa kung sino ang mahal niya."

Medyo matagal-tagal na rin ang huling pakikipagrelasyon ni Maricel, wala pa ba siyang napupusuang bago?

"Wala pa," sambit niya. "Masaya ako ngayon sa piling ng mga anak ko, kaya bakit pa ako maghahanap ng magpapasakit ng ulo ko? Saka depende pa rin kung mai-in love pa ba ako. Wala rin akong problema sa mga anak ko, pareho silang mabait. Kung anuman ang nangyayari, ipinauunawa ko sa kanila ang lahat ng bagay."

Tinanong na rin ng PEP kung ano ang plano nila ng mga anak niya sa Christmas. Last year kasi ay nagpunta sila sa United States.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala pa, wala pa kaming napag-uusapan para sa Christmas," sagot ni Maricel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masaya ako ngayon sa piling ng mga anak ko, kaya bakit pa ako maghahanap ng magpapasakit ng ulo ko?" explains Maricel Soriano when asked about finding a new love.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results