Dennis Padilla and Marjorie Barretto evade the press on their annulment case

IMAGE 0


Estranged couple Dennis Padilla and Marjorie Barretto have been keeping their silence since Marjorie filed an annulment case.



Iwas-pusoy ang comedian na si Dennis Padilla sa media ngayon nang kumalat ang balitang nag-file na ang kanyang estranged wife na si Marjorie Barretto ng annulment.



Ayon sa balita, nag-file na nga raw si Marjorie ng petition for annulment noong isang linggo sa Quezon City. Natatandaan pa namin ang huling interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis kung saan sinabi niya na gagawin niya ang lahat para hindi maipa-annul ni Marjorie ang kanilang kasal. Kung kinakailangan daw na ligawan niya ulit ang asawa ay gagawin niya basta hindi lang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.



Maging ang nakababatang kapatid ni Marjorie na si Claudine Barretto ay hindi sang-ayon sa paghihiwalay ng dalawa. Kung puwede pa raw maayos ay gawin daw nila dahil sayang ang pinagsamahan nila na nagbunga ng tatlong magagandang anak.



Pero mukhang hindi na nga napigilan pa si Marjorie at itinuloy nito ang pag-file ng annulment. Tuloy ay mas tumindi ang bali-balitang may namamagitan diumano sa kanila ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri. Ilang beses na kasing natsismis na may itinatagong relasyon ang dalawa after manalo ni Marjorie bilang konsehal sa Caloocan City sa ilalim ng partido ni Echiverri.

Pareho itong itinanggi nina Marjorie at Dennis.



Sinubukan ng ilang taga-media na kunan ng pahayag si Dennis tungkol sa pagpa-file ng annulment ni Marjorie, pero umiiwas itong magbigay ng statement sa press. Maging ang balita na may bago na raw siyang girlfriend na kapalit ni Marjorie ay ayaw niya rin munang pag-usapan.



Kasalukuyang nagtatrabaho si Dennis bilang administrative consultant sa mayor ng Bocaue, Bulacan, na si Jon-Jon Mendoza. Maging sa munisipyo ng Bocaue ay hindi rin maapuhap ng media si Dennis.



Nang sinubukan naman ng media na kunan ng pahayag si Marjorie, tumanggi rin ito at ang manager nitong si June Rufino ang sumasagot sa mga tawag ng media. Ayon sa mga mensahe ni June ay pass daw muna si Marjorie sa pagsagot regarding her annulment. Ayaw raw ng actress-politician na maapektuhan ng kanyang annulment case ang mga anak nila ni Dennis kaya tahimik muna siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Huling mensahe na nakuha ng media ay magsasalita sila Dennis at Marjorie sa tamang panahon kapag handa na silang pareho na pag-usapan ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN