Cristine Reyes initiates meeting with Carlene Aguilar via "The Buzz"

IMAGE 0


Weeks after their much-publicized confrontation, Cristine Reyes (left) and Carlene Aguilar (right) settled their differences through a meeting yesterday afternoon, November 23.



Sinugod ng iba't ibang TV crew from different networks ang Hotel Rembrandt sa Quezon City kahapon, November 23, para saksihan ang pagbabati nina Cristine Reyes at Carlene Aguilar.

Nilapitan ng abugado ni Cristine na si Atty. Dexter Lacuanan ang showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz para maayos ang gusot sa pagitan ng young actress at ni Carlene.



Nagsimula ang lahat nang mapanood ni Cristine ang exclusive interview ng The Buzz kay Carlene last Sunday, November 18. Doon daw naintindihan ng young actress ang pinanggagalingan ng sama ng loob ni Carlene sa kanya kaya biglang napalitan ng pagpapatawad ang galit na naramdaman niya noon sa dating beauty queen. Masyado rin daw nabagbag ang kalooban ni Cristine nang maisip niya ang kalagayan ni Carlene bilang isang ina.

Si Carlene ang ina ng anak ng young actor na si Dennis Trillo, na nauugnay naman ngayon kay Cristine.



Pagkatapos mapanood ang interview ni Carlene sa The Buzz, nagdesisyon si Cristine na makipagkasundo kay Carlene at kinausap niya si Atty. Licuana kung paano nila magagawan ng paraan na iurong na lamang ang demandang isinampa niya laban kay Carlene.

Unang tinawagan ni Atty. Licuana ang co-host ng The Buzz na si Cristy Fermin at humanap ng paraan para makausap nila ang kampo ni Carlene. Agad namang kinausap ni Cristy ang executive producer ng naturang showbiz talk show na si Nancy Yabut upang iparating kay Carlene ang naging desisyon ni Cristine.

Pagkatapos nito ay tumawag ang EP ng The Buzz kay Carlene, pero ang ina ng beauty queen ang nakausap dahil natutulog noong mga oras na ‘yon si Carlene.

After a while, nakausap na si Carlene ang EP ng The Buzz at pumayag naman siya na makipagkasundo na kay Cristine. Isang bagay lang ang tiniyak ni Carlene sa kampo ni Cristine—ang withdrawal ng kaso sa korte. Hiling naman ng kampo ni Cristine na magkaharap muna sila at mag-usap bago bawiin ang kaso sa korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa tulong ng The Buzz, inayos ang araw at lugar kung saan maghaharap ang dalawang babaeng naugnay kay Dennis. Ang The Buzz din ang nagbayad ng private room kung saan nag-usap-usap ang dalawang kampo.



Kahapon bago matapos ang presscon ng Bahay Kubo sa Imperial Palace Suites, kung saan nandoon ang maraming entertainment press at TV crew,ay kumalat ang pagtatagpo nina Carlene at Cristine. Tinawagan ng EP ng show ni Cristine sa GMA-7 ang TV crew ng showbiz talk shows nila at pinapunta sa nabanggit na hotel.



Matatandaan na ilang linggo ring naging usap-usap ang banggaang Cristine at Carlene sa iba't ibang pahayagan at talk show sa telebisyon. Sa gitna ng kontrobersiya ay nanatiling tahimik si Dennis kaya umani siya ng mga batikos hanggang ngayon. Wala man lang daw kasing ginawang aksiyon ang aktor para mapag-ayos ang dalawang babaeng nagmamahal sa kanya.

Mapapanood ang iba pang detalye ng pagbabati nina Cristine at Carlene ngayong Linggo, November 25, sa The Buzz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN