Kris Martinez open to having same-sex relationship

by Rommel R. Llanes
Nov 24, 2007
Kris Martinez (in photo) appears with Andrew Schimmer and Cristine Reyes in Green Paradise. In an interview, he expressed openness to all kinds of relationship, including same-sex affairs, based on honesty and trust.


Napabalitang may isang mayamang bading na naka-base sa Amerika ang nagpapadala ng pera at sustento sa sexy male actor na si Kris Martinez. Nakilala si Kris bilang first runner-up sa Close-up to Fame Season 1 noong 2005. Naging parte rin siya ng Twilight Dancers (2006) na idinirek ni Mel Chionglo at sinulat ni Ricky Lee tungkol sa mga macho dancers.

Kaya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris kamakailan para sa promo ng pelikula nila nina Cristine Reyes at Andrew Schimmer na Green Paradise, inusisa namin siya tungkol dito. "Hindi totoo yun, walang nagpapadala sa akin ng pera," pahayag ni Kris.


Pero inamin naman ni Kris na may kakilala siyang gay sa Amerika na nagpapadala sa kanya ng mga regalo at pasalubong, pero wala raw malisya 'yun at hindi raw dapat lagyan ng kulay. Kaibigan niya lang raw ang naturang gay at natutuwa lang daw sa kanya. "Pero hindi mga ano...parang mga items lang na ano, mga items lang, walang money involved, mga ganun-ganun lang."

Continue reading below ↓


Marami rin daw mga kaibigan si Kris na gays dito sa Pilipinas, sa loob man o sa labas ng showbiz. Wala naman daw masama sa pakikipag-kaibigan, hindi naman siya namimili, kahit anong gender, kung tao namang humaharap sa kanya, okay ‘yun kay Kris.


Which led us to the question na gusto naming itanong kay Kris: Sa tingin ba niya ay posible o imposible ang isang tulad niya na magkaroon ng isang seryosong relasyon sa isang bading?

"Siguro, depende sa sitwasyon, depende sa tao, depende kung gaano na kami katagal magkakilala. So, kung mas kilala ko na siya as a person talaga, so why not? Bakit hindi?"

So hindi niya isinasara ang pinto ng pagkakataon na makipagrelasyon siya sa isang gay? "Hindi ko isinasara. 'Tsaka siguro, lahat naman tayo, nafo-fall tayo sa taong mabait sa ‘yo, na ipinapakita sa ‘yo yung pagiging totoo niya.


"Hindi lang siguro sa girls o sa gays o sa lesbians o kahit ano pa ‘yan. Dun ako nagbe-base, hindi sa personality o dahil sa tao, kundi sa kung ano ‘yung pinapakita mo."

Continue reading below ↓

Depende ba ito kung gaano kabait ang tao sa kanya? "Kung totoo siya sa ‘yo, kasi yun ang pinakamahirap hanapin sa tao, e, yung totoo at puwede mong pagkatiwalaan," huling binitiwang salita ni Kris.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Martinez (in photo) appears with Andrew Schimmer and Cristine Reyes in Green Paradise. In an interview, he expressed openness to all kinds of relationship, including same-sex affairs, based on honesty and trust.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results