Rayver Cruz reveals he is on speaking terms with cousin Sheryl Cruz

IMAGE 0


Rayver Cruz (in photo) has open communication lines with his cousin Sheryl Cruz now that she is working on the ABS-CBN show Princess Sarah.



Bagama't may silent war diumano si Sheryl Cruz sa mga pinsan niya na sina Donna, Geneva, at Sunshine, open naman ang communication lines niya sa first cousin niyang si Rayver Cruz. Masayang ibinalita ni Rayver sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagkaharap at nagkausap na sila ng kanyang pinsan na si Sheryl. Sinasabing nagkaroon si Sheryl ng problema sa Cruz clan, nang mamatay ang kanyang tatay na si Ricky Belmonte noong 2001.

Naganap ang masayang pagkukuwento ng 18-year old na aktor noong Biyernes, November 18, sa presscon ng Bahay Kubo. Pumunta rin sa nasabing presscon ang co-stars ni Rayver na sina Maricel Soriano, Eric Quizon, Shaina Magdayao, Yasmien Kurdi, Mark Herras, Bearwin Meily, and Ms. Gloria Romero. Kasama din sa presidential table sina Mother Lily at Direk Joel Lamangan.

Ayon sa batang aktor siya ang unang lumapit para batiin ang kanyang "Ate Sheryl" na naging magiliw naman ang pagtanggap sa kanya. "Nagkita na po kami sa trade launch... kasi lately ang daming promo ng Princess Sarah so lagi kaming nagkikita. Sabi niya, ang laki ko na daw kasi ang huling kita ko kay Ate Sheryl, sobrang liit ko pa noon," kuwento ni Rayver.

"Sabi nga niya, ang laki-laki ko na daw at ang galing kong sumayaw. Sabi ko naman, thank you."

SHAINA MAGDAYAO. Tungkol naman sa kanyang nililigawan na si Shaina Magdayao, sabi ni Rayver na isa sa mga katangian na gusto niya kay Shaina ay hindi ito madaling mapikon kahit kung minsan ay inaasar niya ito. Gusto nito ang pagiging palaban ng aktres dahil nagka-counter-asar din daw ito sa kanya.

Hanggang ngayon pala ay di pa rin naniniwala si Rayver na may lihim na unawaan sina Shaina at John Prats.

"Hindi ko alam kasi wala namang sinasabi sa akin na ganun eh. Basta ako, ang alam ko close kami. Hindi kasi ako naniniwala sa sabi-sabi. Para sa akin, tanggap ko na 'yon, given na 'yon. Ang hirap kasing kontrolin ang mga nanliligaw sa kanya. Kasi maganda naman siya talaga, e, nasa kanya naman lahat. Wala, wala akong magagawa, maganda talaga ang ka-loveteam ko, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if, isang araw ay umamin sina Shaina at John na sila na pala? "Kung mangyari man 'yon, siguro kahit papaano, maintindihan ko 'yon sa kanila. Rerespetuhin ko naman kung ano ang decision ni Shaina. Pero sa tingin ko malabo, e. Kasi sa alam ko mas close kami ngayon, mas close kaysa dati. Mas komportable na kami sa bawat isa.

Nang tanungin ng PEP kung talagang mahal nito si Shaina, isang matunog na "Oo naman!" ang sagot ni Rayver. Subalit, nilinaw niya na hindi naman daw sila exclusively dating ng dalaga.

UNDERWEAR MODEL? Sa edad na 18 ay puwede nang maging underwear model si Rayver. Papayag ba itong maging endorser ng brief tulad ng ibang modelo ng Bench?

"Puwede naman siguro pero kailangan sobrang astig na ang katawan ko, di ba? Matagal-tagal pa 'yan, ilang taon pa ang bibilangin.

"Puwede ako sa walang pang-itaas na damit at naka-jeans lang. 'Di ko pa kaya ang naka-brief habang naglalakad sa stage," pagwawakas ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN