Marian Rivera flies to Vegas November 30 amid hectic schedule

IMAGE 0


"She has everything to thank for. Para sa kanya, isangmalaking suwerte itong biglaang pagbabago ng takbo ng career niya. Atdahil dito, walang hanggan ang pasasalamat niya sa GMA-7 sa pagbibigaysa kanya ng matinding break," says Popoy Caritativo (not in photo) about his talent, Marian Rivera.



Wala na raw panahon sa mga personal na lakad niya ang young actress na si Marian Rivera. Simula nang sumalang siya sa primetime drama series ng GMA-7 na Marimar, hindi na raw siya talaga makahanap ng panahon para sa kanyang sarili. Tuluyan na raw talagang binago ng sobrang taas ng ratings ng Marimar ang buhay ni Marian Rivera.

Sa isang kaswal na pakikipagkuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa manager ni Marian na si Popoy Caritativo, sinabi nitong hindi na raw sila makatanggap ng mga schedule dahil halos lahat ng panahon ng kanyang alaga ay sa trabaho lahat napupunta. Sabay-sabay raw kasi ang proyektong dumarating, pero hindi naman daw nagrereklamo si Marian.

"She has everything to thank for," sabi ni Popoy. "Para sa kanya, isang malaking suwerte itong biglaang pagbabago ng takbo ng career niya. At dahil dito, walang hanggan ang pasasalamat niya sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng matinding break."

Ayon pa kay Popoy, marami raw silang natatanggap na inquiries mula sa mga show promoters hindi lang sa probinsiya, kundi sa ibang bansa. Pero talagang lagi nilang nabibitin at hindi masagot ang mga inquiries dahil hindi na talaga nila mahanapan ng panahon ang mga show proposals kay Marian.

"I just tell them that we will try when our sked allows us. Pero sa ngayon, talagang sarado ang schedule ni Marian. She tapes four times a week for Marimar ‘tapos yung ibang araw, sa pelikula niya sa Regal na kailangang makahabol ng playdate this Christmas, yung Bahay Kubo na kasali sa Metro Manila Film Festival. Wala talaga siyang time," lahad ni Popoy.

Sa manager din ni Marian namin nalaman na tutulak patungong Las Vegas, Nevada, si Marian sa darating na November 30. Babalik daw ang young actress sa Pilipinas sa December 8 pa.

"That means na lahat ng mga araw niyang natira bago umalis, kailangang mag-taping siya sa Marimar para may pambangko silang mga episodes habang wala siya rito. Pagbalik naman niya sa December, lalagare naman siya kay Mother Lily dahil gaya ng sinabi ko, kailangang matapos ang pelikula [Bahay Kubo] bago mag-Pasko," sabi ni Popoy. Bukod sa Bahay Kubo ay kasama rin si Marian sa isa pang MMFF entery ng Regal, ang Desperadas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama ni Marian si Dingdong Dantes sa Las Vegas dahil sila ang ipadadala ng GMA 7 para i-promote ang opening ng Pinoy TV sa naturang lugar. Does this mean na tuloy na sa pagbabakasyon si Marian?

"Ay hindi po, trabaho lang po talaga!" tanggi ni Popoy. "Masyadong hectic ang itinerary nila ni Dingdong pagdating doon at sa tingin ko, kalahating araw lang yung bakante niya for her personal. Halos wala talaga, dahil pagbalik niya rito, trabaho muli ang aasikasuhin niya."

Kailangan daw maghintay ang mga provincial promoters hanggang Enero kung sakaling malinis na nila ang takbo ng schedule ni Marian.

"Pagdating po ng Enero, saka ko pa lang puwedeng sagutin ang maraming inquiries sa amin," panghuling sabi ni Popoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN