Lorna Tolentino supports manager Lolit Solis with hope for end to conflicts

IMAGE 0


"Sa show business wala pa akong alam na nag-away na hindi nagkabati. Kasieventually, parang nagkakapatwaran sila. Hindi man sila nagkikita, peroalam mo nagkapatawaran na, na okay na sila," says Lorna Tolentino about the possibility of her manager, Lolit Solis, patching things up with her enemies.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mahusay na aktres na si Lorna Tolentino sa grand opening ng Forever Flawless sa SM Muntinlupa kahapon, November 25. Inusisa namin si LT tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang manager na si Lolit Solis kaugnay ng libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby laban sa kanya.



"Wala naman akong masasabi kasi kanya-kanya kami ng battles na nilalabanan, di ba? Basta ang importante, nakasuporta ka kung sino ang may pangangailangan sa inyo. Pareho naman kaming nagsusuportahan sa isa't isa," bungad ni Lorna.



Anong klaseng suporta ang ibinibigay niya sa kanyang manager?



"Tumatawag ako sa kanya. Inaaalam ko kung kumusta na siya," sagot niya.



Kumusta naman si Manay Lolit off-cam?



"Okay naman siya. Sa dami na rin ng pinagdaanan ni Manay, di ba? Ilang taon na ba siya?" sabi ni Lorna.

"Sabi nga niya, marami na talaga siyang pinagdaanan. Pero tungkol sa kaso niya, hindi ko masasabi kung ano ang chance niya. Hindi ko alam. Mahirap magkomento tungkol sa kaso, di ba?

"Baka naman eventually... Sa show business wala pa akong alam na nag-away na hindi nagkabati. Kasi eventually, parang nagkakapatwaran sila. Hindi man sila nagkikita, pero alam mo nagkapatawaran na, na okay na sila," pahayag ng aktres.

Speaking of bati, nagkaayos na ba sila ng nakaalitan niya noon na si Rosanna Roces?

"Matagal na, Dyusko!" reaksiyon ni Lorna. "Matagal na, di ba nga? Wala namang problema ‘yon. Baka sabihin na naman niya bakit siya papatawarin. Huwag na nating pag-usapan. Basta ako, wala akong nega. Hindi na kailangang maging nega ngayon. Tama na yung nakaraan. Iba na yung takbo ng buhay. Kasi, kumbaga, ibang level, di ba?"

On December 23 ay magsi-celebrate ng kanyang birthday si Lorna kasunod ang Pasko at Bagong Taon. Sa bahay lang daw sila magse-celebrate ng holiday season ng kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sa birthday ko? Sa bahay pa rin. Hindi ako magbi-birthday," aniya.



May wish ba siya para sa kaarawan niya?



"Dati hindi ako nagwi-wish, puro thank you ako. Ngayon, magwi-wish ako at alam na siguro ninyong lahat kung ano ‘yon," diin ni LT, na obviously ang tinutukoy ay ang paggaling ng kanyang mister na si Rudy Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN