Model-actor Janvier Daily clarifies status of his relationship with Ethel Booba

IMAGE 0


"Bago pa man siya pumasok sa loob ng PBB, sinabi ko, alam naman niya na wala na kami," says Janvier Daily about comedienne Ethel Booba.



Lumantad sa unang pagkakataon ang kontrobersiyal na model-actor na si Janvier Daily sa The Buzz noong Linggo, November 25. Si Janvier ang boyfriend ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition 2 ex-housemate na si Ethel Booba.

Isa-isang sinagot ni Janvier ang isyung kinasangkutan niya kay Ethel, pati na ang kumakalat na hubad na larawan niya sa Internet.



Isiniwalat ni Janvier na bago pa man pumasok sa Bahay ni Kuya si Ethel ay nasabi na niya na ayaw na niyang makipagrelasyon sa comedienne. Kabaligtaran naman ito sa mga usap-usapan na si Janvier ang dahilan kaya gustong lumabas ng PBB house ni Ethel at naging dahilan ng muntik nang hindi pagkakatuloy ng pagpasok niya sa Bahay ni Kuya.



"Hindi ko rin maintindihan, pero alam ko na alam niya na bago pa siya pumasok sa Bahay ni Kuya, talagang ayoko na po," diin ni Janvier.



As of last Sunday, sinabi ni Janvier na kahit nakalabas na ng Bahay ni Kuya si Ethel ay hindi pa rin sila nagkakausap ng dating kasintahan.



"Opo, totoo po 'yon," pagkumpirma ni Janvier.



Tinanong si Janvier ng host ng The Buzz na si Boy Abunda kung bakit ayaw niyang makaharap si Ethel.



"Ayoko rin po kasing maging unfair kay Ethel," sagot niya. "Nakita ko yung hirap niya sa loob ng Bahay ni Kuya. Naghihirap siya sa loob samantalang ako nasa labas.

"Humihingi rin ako ng paumanhin sa PBB dahil hindi ako pumayag doon sa phone call, kasi hindi ko rin po alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, e. Bago pa man siya pumasok sa loob ng PBB, sinabi ko, alam naman niya na wala na kami."



Kailan niya balak kausapin si Ethel?

"Hindi na," direkta niyang sagot.



Bakit ayaw na niya kay Ethel?



"Actually, bago pa siya pumasok doon [Bahay ni Kuya], medyo malabo na kami. On and off na kami," paliwanag ni Janvier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May third party involved ba?



"Ay, wala po," tanggi niya.



Iginiit ni Janvier na hindi naging hadlang sa relasyon nila ni Ethel ang pagpasok ng komedyana sa loob ng Bahay ni Kuya. Nakahanda naman si Janvier na magkita silang ulit ni Ethel nang hindi sinasadya.



"Actually, wala namang problema kay Ethel. Mabait naman po siya. Kaso yun nga lang po, pasaway nga na medyo nahihirapan ako. Kung makakasalubong ko man siya, babatiin ko siya," sabi ng binata.



May posibilidad bang magkabalikan sila?



"Imposible na po," sagot ni Janvier. "Pero right now, e, gusto ko munang mag-focus sa sarili ko at sa family ko."



Mahal pa rin ba niya si Ethel?



"Ang pagmamahal hindi naman mawawala ‘yon, pero tulad ng ano... Siguro po, hanggang doon na lang po ‘yun."

Bilang panghuli, nagbigay ng message si Janvier kay Ethel: "Masaya akosa nangyayari sa ‘yo. Yung mga natutunan mo sa loob ng bahay ni Kuya,isabuhay mo. Mag-ingat ka palagi."

NUDE PHOTO. Kasunod ng kontrobersiya sa kanila ni Ethel ang pagkalat sa Internet ng hubad na larawan ni Janvier habang natutulog. Totoo bang nagalit si Janvier kay Ethel at sa mga kaibigan ng comedienne dahil sila ang nagkalat ng hubad niyang larawan?

"Ay, hindi po!" tanggi nya. "Actually po, ang kaibigan ni Ethel kaibigan ko rin. Si Ethel naman po, hindi naman niya kaya sigurong gawin sa akin ‘yon. Kahit papaano, meron naman kaming pinagsamahan."



Naniniwala si Janiver na hindi si Ethel at mga kaibigan niya ang nagkalat ng nude picture niya. Pero siya nga ba ang nasa larawan?

"Opo, ako ‘yon," pag-amin niya. "Pero hindi ko alam kung paano ako nakunan. Ang hirap po kasi dahil tulog po ako, e."

May suspetsa ba siya kung sino ang kumuha ng picture niya habang natutulog nang hubad?



"Nung una, akala ko yung isa sa mga dati kong housemates yung kumuha. Pero nung makita ko yung picture, ang hirap din pong mambintang sa kapwa ko," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN