Derek Ramsey on girlfriend Angelica Panganiban: "She's my inspiration now."

IMAGE 0


Despite the seven-year age gap between Derek Ramsey and Angelica Panganiban, their relationship is going stronger and their respective careers are flourishing.


Bagong pasok sa cast ngteleseryeng Maging Sino Ka Man Book 2ng ABS-CBN ang character ni Derek Ramsey. Siya ang gaganap na Joaquin delos Santos at makakatambalniya ang real-life girlfriend na si Angelica Panganiban.

Masarap kausap ang binatadahil very candid at straightforward itong sumagot sa mga tanong at intrigangibinabato sa kanya. Walang kiyeme, kumbaga.


Ang unang tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya during the presscon of ABS-CBN's upcoming TV series last night—November 28—sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City, ay tungkol sa pagsasama nila ni Angel sa isang proyektong pang-telebisyon. How does it feel na makakatrabaho mo si Angel (ang tawag ni Derek kay Angelica)?

"We've worked togethersa Ysabella ni Angel. Excited uli akoworking with her dito. Ever since, bilib na ako kay Angel as an actress,especially noong mapanood ko siya sa movie na A Love Story. She's really good and great actress. I'm also lookingforward working with new people. This is such a wonderful cast, and I'm soproud to be part of this teleserye," bungad ni Derek.

Isa si Derek sa fast-risingstars ng Kapamilya network. Sinasabi nga ng iba na puwede na siyang ihanay sa level nina JohnLloyd Cruz, Sam Milby, at Piolo Pascual. Ano naman ang masasabi niya ukol dito?

"It's nice to becompared to them, but honestly, hindi pa ako puwedeng ikumpara sa kanila. I'mjust starting in this business. Sila, marami nang napatunayan. But I'm glad atnaa-appreciate pala ng tao ang akting ko. Marami pa akong dapat matutunan whenit comes to acting, and willing ako to learn and improve my craft. Inaaral kotalaga lahat ng projects na ibinibigay sa akin.

"It's really an honor for mekapag sinasabing puwede na akong ihilera kina John Lloyd, Piolo, and Sam whenit comes to acting. It's really a compliment. I just hope I can live up totheir expectations. But I'm really, totally different from Sam, hindi akomarunong kumanta," ang sabi pa ng guwapong aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RULES OF RELATIONSHIP. Samantala, tinanong din naminsi Derek tungkol sa girlfriend niyang si Angel, hindi ba niya itopinagbabawalang magpa-sexy sa TV at maging sa mga magazine covers?

Aniya, "I've met her nakasi, lumabas na yung mga cover niya sa men's mag like Maxim, FHM, hindi ako yungtipo ng lalaki na porke't kami na, eh, pagbabawalan ko siya. I'll support her,at saka hindi naman malalaswa at pangit kaya I should be proud pa ngainstead."

As a boyfriend, do you setrules sa relationship ninyo? Gaano na ba katagal ang inyong relationship?

"No, hindi. Yun angmaganda sa amin, wala kaming rules. Matagal na kaming magkakilala ni Angel,over a year na, pero yung official na mag-on, four months na kami. Hindi kasiako sanay dito sa Pilipinas na may anniversary at monthsary pa, eh. Si Angelang pang-fourth girlfriend ko, and so far, I'm enjoying every minute with her.She's a wonderful person inside and out. We pretty get along well at maramikaming bagay na nadi-discover with each other. I love her the way she is and Iwanna thank her for coming into my life. She's my great inspiration now,"papuri pa ng binata sa girlfriend.

Seloso ba siya as a boyfriend?

"Hindi. I think jealousyis bad. Seloso ako pero yung sadya na selos, yung naglalambing lang. Tampuhansiguro."

Nang usisain siya tungkol sa pagiging protective sagirlfriend, ang sagot niya,
"Protective...kung sinapaksiya, sasapakin ko siyempre. Pero like me, sinabi ko sa kanya na kapag maymanglanding lalaki sa iyo, dapat you should be able to handle that on your own.Kasi maganda kang babae, siyempre, yung mga lalaki titingnan ka, hindi ako yungtipo ng lalaki na kapag may tumitingin sa gf ko aawayin ko."

Sa ngayon, masasabi ni Derek na secure siya kay Angel. "Secure ako kasi shesaid yes to me, di ba? Sabi ko sa kanya, 'pag may babaeng lumandi sa akin, likeyou, I handle my business. Sasabihin ko may, gf ako. Ayoko ng gulo, eh."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAMILY MATTERS. Balitang botong-boto raw angMommy ni Angel sa kanya.

"Mabait ang Mommy niAngel sa akin. Binibigyan ako ng pagkain, pinagluluto ako paminsan-minsan, medyomahiyain nga lang. Ewan ko ba, bakit tingin ng tao sa akin antipatiko o mahirapmakausap. Mahiyain yung Mommy niya, eh. Minsan nagdi-dinner kami...Alam namanniya sigurong inaalagaan kong mabuti ang anak niya at hindi sinasaktan kayasiguro good shot ako sa Mom ni Angel," ang tinuran ng binata.

Sa side ng family mo,naipakilala mo na ba si Angel?

"Yes. Dinala ko na siyasa amin. Yung mga niece ko nga, ang tawag sa kanya, Tita Angel. Lagi siyanghinahanap ng mga anak ng kapatid ko. On Dec. 13, a-attend kami ni Angel ngisang function with my family sa British Embassy, so medyo excited ako dun paramakita ko kung paano siya makikipag-communicate sa Tatay ko. Nakilala na n'yaDad ko. Na-meet na rin siya ng Mom ko. Request ng Dad ko, kaya isasama ko siAngel. They all like Angel at sobrang ganda at bait nga raw ng girlfriendko," ang pagmamalaki ni Derek.

WEDDING TALKS. Since going strong angpagsasama ninyo ni Angel, napag-uusapan n'yo na ba ang kasal? Nasa plano na niyo na bangdalawa ang lumagay sa tahimik?

"Ay wala pa. We haven'ttalk about stuff like that. Talaga enjoy kami sa relationship ngayon, maybelater on, pero ngayon wala pa kaming pinag-uusapan about marriage. It's tooearly to tell and she has to concentrate on her career. I have to concentratealso on my career. Tulungan muna kami doon. And then, pagkatapos nun, you cannever say...so right now, hindi namin pinag-uusapan. The relationship is going sowell, baka lang ma-jinx pa 'yan. Faithful naman ako," sagot ni Derek.

BIRTHDAY WITHOUT ANGEL. Meanwhile, this December, paalispapuntang Taiwansi Derek para lumabas sa Frisbee competition and incidentally, ay birthday niyapa 'yon (December 7) kaya hindi sila magkakasama on that special day ni Angel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'll be representingthe country in Taiwan,and I'll be leaving on Dec. 5 or 6. On my birthday, lumalaban ako. But Angeland I will gonna celebrate before I leave. As long as we have one day tocelebrate, okay lang sa akin kahit walang gift sa akin si Angel. Hindiimportante sa akin ang gift."

May knee injury ka, hindi baito delikado sa magiging laban mo?

"Actually, advise nga ngdoctor that I should go with the operation pero I'm really stubborn. Nakikitanaman n'yo sa personality ko, talagang never say die. Talagang laban kunglaban. ‘Live one day at a time,' that's my motto. Iingatan ko na lang siguro,poprotektahan ko, pero hindi ko kasi puwedeng palagpasin ang opportunity naito.

"Actually, naka-plano angschedule ng operation on Dec 27 pero may taping naman ng MSKM [Maging Sino Ka Man]. Sana mapa-opera ko na nga ito soon," ang pagwawakas niDerek sa aming interview, sabay imbita na panoorin at subaybayan ang teleseryekung saan makakasama niya sina Anne Curtis, Toni Gonzaga, Christopher de Leon,Phillip Salvador, Chin Chin Gutierrez, and Rosanna Roces.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN