Jed Madela says he has nothing to do with Rachelle-Christian breakup

IMAGE 0


"Nag-usap-usap na kami na as much as possible, dapat kami-kami langtalaga ang nag-uusap. As much as possible, I don't want to go intodetails of the issue because hindi ako kasali. Ayokong lumabas na thirdparty," says Jed Madela about being pointed as the third party in the Rachelle Ann Go-Christian Bautista (insets) breakup.



Nang pumutok ang balitang nag-break na ang magkasintahan na sina Christian Bautista at Rachelle Ann Go, lumabas din ang pangalan ni Jed Madela na siya diumanong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Ang balita pa nga, si Jed talaga ang boyfriend ni Rachelle at hindi si Christian.



According to stories, itinago raw nina Rachelle at Jed ang kanilang totoong relasyon dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa mga shows and concerts ‘pag sina Rachelle at Christian ang magkasama. Ngayon daw na balak nang i-reveal nina Jed at Rachelle ang kanilang relasyon, this breakup news popped out para nga namang makapasok na si Jed sa senaryo.



When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to talk to Jed last Sunday, November 25, during the live presentation of ASAP ‘07, he said that there's no truth to this rumor. According to him, he was even amused by the different stories coming out.



"I don't know where they got those information because definitely, it's not true," sabi ni Jed. "Magkaibigan lang kami ni Rachelle. Ever since nag-start ako sa ASAP... Actually, kahit wala pa ako sa ASAP at nagbabanda-banda pa ako, magkakilala na kami ni Rachelle. So it's unfair na binibigyan nila ng malisya yung closeness namin."



Jed never denied that he really courted Rachelle. Pero nang nakumpirma niya raw na may namamagitan na kina Rachelle at Christian ay tumigil na siya sa panliligaw sa dalaga.



"Respeto ko na lang sa kanila ‘yon. I drew my line when I heard na they are
together, huminto na talaga ako. But I never stopped being a friend," paliwanag ng mahusay na singer.

Pinagbasehan ang sinasabing sobrang closeness ni Jed sa pamilya ni Rachelle, bagay na binigyang linaw ng male singer.



"I know them [Go Family], but not to the point na tumatambay ako sa kanila na talagang close na close," paglilinaw ni Jed. "I know the family—her dad, brother and sisters, I know their mom because she's from Iloilo. Nawi-weirduhan lang ako na pati ‘yon binibigyan ng ibang kulay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANOTHER LEVEL. Sa tanong namin kung liligawan ba niya uli si Rachelle now that she's single and free to be courted again, bitin ang sagot sa amin ni Jed. Ayon sa kanya, nasa ibang level na raw kasi ang pagtingin niya kay Rachelle.



"I don't know," sabi niya. "I don't want to say anything about that kasi it's a fresh issue, it's not the right time and ayokong magsalita ng patapos. What's important is yung friendship namin nina Rachelle and Christian ay nandun. We got to talk about it. First hand, ayaw naming makinig sa ibang tao. I'm here if they need my help, if they need somebody to talk to. Walang problema sa akin.

"She's [Rachelle] still special to me, but in a different level now. Parang we're more good friends, nandun yung damayan because we're in the same business, same career. So, sinu-sino pa ba ang magtutulungan?

"I'm happy nga na nung nag-arise ito [issue], nag-usap-usap na kami na as much as possible, dapat kami-kami lang talaga ang nag-uusap. As much as possible, I don't want to go into details of the issue because hindi ako kasali. Ayokong lumabas na third party," mahabang paliwanag ni Jed.

GAY ISSUE. Despite being linked to Rachelle, hindi pa rin mamatay-matay ang mga issue questioning Jed's gender.



"To be honest, namamanhid na ako," sabi ni Jed. "Parang gasgas na, over and over kasi wala naman silang makitang masama sa akin. They judge me by what they feel and what they see.

"Before, someone told me na masyado raw kasi akong refined, masyadong pino, masyadong tahimik... Yung features ko very soft. ‘Tapos may nagsasabi pa na grabe daw akong mag-lipstick, e, never naman akong nag-lipstick. Masyadong mababaw ang basis nila and tinatawanan ko na lang.



"Sino naman ba ang hindi dumaan sa ganitong mga tsismis?" tanong niya. "Ang tao kasi, they have this attitude na nagdya-judge kaagad even they don't know you and they have the tendency to make up stories."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN