Gerald Andreson believes his Best New Male TV Personality award isn't jinxed

IMAGE 0


"Hindi naman siguro ito totoo because mas nai-inspire nga ako paramagtrabaho pa ng mas maayos. Siyempre, dapat patunayan mo na deservingka talaga," replies Gerald Anderson about the belief that the Best TV Personality of Star Awards for TV is a jinx award.



Itinanghal na Best Male New TV personality sa 21st Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Gerald Anderson, pero naka-tie niya ang Pinoy Dream Academy runner-up na si Ronnie Liang. Kapansin-pansin ang hindi pagsipot ni Gerald sa awards night kung kaya't nalagyan kaagad ito ng kulay na parang hindi niya tanggap na naka-tie niya si Ronnie.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald ay nilinaw niya agad ang pang-iintriga sa kanila ni Ronnie. Ayon sa Fil-Am young actor, masaya nga siya na naka-tie niya sa natanggap na karangalan ang singer.



"I'm happy na ka-tie ko si Ronnie," diin niya. "Bago nga siya but he has his own achievements naman as a singer. Hindi siya artista, pero sobrang magaling na singer ‘yan. Ang galing niyang kumanta and may mga hit songs na rin siya.



"Actually, siya nga ang nag-share sa akin kasi hindi ako nakaabot, so sayang talaga. Masaya ako kasi hindi lahat ng artista nananalo ng award. This is an inspiration for me to work harder."

Gerald also explained kung bakit hindi siya nakasipot sa awards night. Isang out-of-town show pala na natanguan ng kanyang manager na si Jun Reyes ang rason kung bakit hindi siya nakarating.



"Nasa Tarlac kasi ako nun for a show. Sinubukan kong humabol kaya lang, wala na, 10:30 p.m. na ako dumating dito sa Manila. Hindi bumababa sa 100 kph ang takbo namin para makahabol, pero wala talaga, e," paliwanag ng young actor.

Incidentally, ang ka-loveteam ni Gerald na si Kim Chiu ay nanalo rin sa Star Awards for TV bilang Best New Female TV Personality at may ka-tie rin—si Lovi Poe.

Speaking of Kim, hanggang ngayon ay wala pa ring pag-amin sa pagitan nila ng kapareha gayong marami ang naniniwala na sila na talaga, pero ayaw pa lang daw nilang aminin. Ano ang masasabi ni Gerald dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ganun pa rin kami ni Kim, close na close kami sa isa't isa. Hindi kami umaamin kasi wala pa namang dapat aminin. I won't deny that she's really special to me, pero mas focus kasi namin is our respective career," paliwanag ng binata.

JINX AWARD? Kapag ang isang artista raw ay nanalo ng isang award, automatic ay nagtataas ito ng talent fee. Hindi kaya kasunod na lalabas na balita ay ang pagtaas na ng asking price ni Gerald dahil sa award na natanggap?



"Hindi naman siguro," sagot ng young actor na naging runner-up sa Pinoy Big Brother Teen Edition. "Siguro ‘pag Best Actor or Best Actress ka. I don't know anything pagdating sa ganyang mga bagay. It's my manager and Star Magic yung may alam when it comes to that matter."

May mga paniniwala before na nagsasabi na jinx award daw ang Best New TV Personality ng Star Awards for TV. Bagama't naniniwala si Gerald sa superstitious beliefs, hindi naman siya naniniwala na malas ang tinanggap na award.



"Hindi naman siguro ito totoo because mas nai-inspire nga ako para magtrabaho pa ng mas maayos. Siyempre, dapat patunayan mo na deserving ka talaga," sabi niya.

Samantala, after the big success of his first soap opera with Kim, ang Sana Maulit Muli, may niluluto na palang follow-up project ang ABS-CBN para sa tambalan nila. Hindi pa raw sigurado ang magiging title nito, pero balitang makakasama raw nila sina Maricel Soriano, Cesar Montano, at Ai-Ai delas Alas.



"May pinag-uusapan nang bagong teleserye namin ni Kim, nabanggit na sa akin. Kami naman, we're just waiting sa projects na ibibigay sa amin," pagtatapos ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN