Jennylyn Mercado not closing her doors to ABS-CBN

IMAGE 0


"Hanggang next year pa ang contract ko sa GMA Artist Center.Pag-uusapan pa rin po naman namin ‘yon ng manager ko at ng GMA. Perohindi ko po isinasara ang pintuan na puwede akong lumipat sa ABS-CBN," declares Jennylyn Mercado.



Isang very slim na Jennylyn Mercado ang dumalo sa presscon ng Resiklo—the official entry of Imus Productions for 2007 Metro Manila Film Festival—kahapon, November 28, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Jen plays the love interest of Bong Revilla sa futuristic movie na ginawa para sa mga bata, sa direksiyon ni Mark Reyes.

Kumusta naman working with Bong na first time niyang nakatrabaho?

"I'm honored and flattered nang malaman ko pong ako ang napili ni Senator Bong na makatambal niya," sagot ni Jen. "Masaya siyang katrabaho. Akala ko nga seryoso siya dahil isa siyang senador. Pero kapag nasa set siya, palabiro pala siya at hindi niya ipinakikitang mataas siya kesa amin. Nagbibiro siya at alaga niya ang buong cast at staff. Lagi kaming busog sa set dahil madalas siyang nagtatanong kung ano ang gusto naming kainin, ipabibili raw niya.

"Kaya po nagpapasalamat ako sa kanya sa pagkakataong ibinigay niya sa akin para makatrabaho siya at makasama rin ang ibang taga-ABS-CBN, tulad po nina TJ Trinidad, Michelle Madrigal, at si Empress Schuck. Although si Empress po, nakatrabaho ko na siya sa GMA-7 noong nandoon pa siya at iisa ang manager namin [Becky Aguila]."

Tinanong namin si Jennylyn tungkol sa mga intrigang kinasasangkutan niya, gaya ng ipinagpalit diumano niya ang Bahay Kubo sa Resiklo. Ayon kasi sa lumabas na balita ay kasama dapat si Jennylyn sa Bahay Kubo ng Regal Entertainment, pero mas pinili nga niya ang movie with Bong.

"Ang alam ko po, mas unang nag-offer ang Resiklo na tinanggap naman ng manager ko. Kasabay ko rin pong ginawa noon ang dalawang indie films—ang Nars at Manila West Side Story," paliwanag ng young actress.

Tinanggihan din ni Jennylyn ang isang primetime show sa GMA-7 na pagsasamahan sana nila ng ka-loveteam niya na si Mark Herras, ang Joaquin Burdado ni Robin Padilla. Ayaw ba niyang makasama si Robin o totoo ang balitang tumanggi siya dahil mas malaki ang role ni Cristine Reyes na isa sa magiging love interest ni Robin sa naturang palabas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po," tanggi ni Jennylyn. "Wala pong kinalaman doon si Cristine at hindi ko po tinanggihan si Robin. Pinag-usapan po namin ‘yon ng manager ko at ang naging desisyon namin, huwag ko na lang gawin. Mayroon pa naman po akong soap na ginagawa, ang La Vendetta na hanggang January 2008 pa mapapanood."

May nasulat noon na gusto na ring lumipat ni Jennylyn sa ABS-CBN. Hindi kaya ito ang dahilan kaya tumatanggi na siya sa offers sa kanya ng GMA-7?

"Hindi naman po," tanggi niya. "Hanggang next year pa ang contract ko sa GMA Artist Center. Pag-uusapan pa rin po naman namin ‘yon ng manager ko at ng GMA. Pero hindi ko po isinasara ang pintuan na puwede akong lumipat sa ABS-CBN."

Incidentally, magbabalik ang character ni Mark sa La Vendetta. Request daw ito ng mga fans nila na gusto silang mapanood muli na magkasama.

"Salamat po sa kanila," sambit ni Jennylyn. "Mayroon nga po kaming taping ni Mark mamayang gabi [November 28] sa Sta. Rita, Pampanga. Abangan na lang po nila ang eksenang ‘yon dahil very touching."

Magkasama rin sina Jennylyn at Mark papuntang Okinawa, Japan, sa December 1 at babalik sila sa Pilipinas pagkalipas ng dalawang araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN