Derek Ramsey will compete in Asian Ultimate Frisbee, postpones knee operation

by Alex Datu
Nov 29, 2007
Derek Ramsey (in photo) has still not undergone an operation for his dislocated knee but he continues to play Ultimate Frisbee. "We just had a tournament last week and I admit, masakit siya pero kaya kong tiisin 'yong pain," declares the model-actor.


Isang challenge para Derek Ramsey na gampanan ang isang pobreng karakter sa Maging Sino Ka Man (Ang Pagbabalik) samantalang nakilala siya bilang isang mayaman na chef sa TV series na Ysabella.

Kung kaya't maraming nagtanong kay Derek noong presscon ng Maging Sino Ka Man Book 2 kung papaano nito gagampanan ang kanyang role bilang Joaquin na malayo sa katauhan ni Chef Mito sa Ysabella na ongoing pa rin hanggang Pebrero 2008.

"Mahirap ako dito [sa Maging Sino Ka Man]," pambungad ng aktor sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP). "Ang challenge sa akin dito, the whole Chef Mito, tatanggalin ko sa mga mata ng mga tao. That's my biggest challenge kasi everywhere I go, Chef Mito ang tawag sa akin."

Sa ngayon, malaki ang pagpapasalamat ang aktor dahil natapos na nilang i-tape ang buong istorya ng Ysabella. Kung hindi ay mahihirapan itong gampanan nang sabay ang dalawang karakter.

Continue reading below ↓

"Ang hirap siguro pagsabayin ang dalawang karakter, one day ang Mito, one day ang Joaquin. At dahil tapos na nga ang taping sa Ysabella, I will have time, 'yong mga mannerism ni Mito, matatanggal ko na sa sistema ko and start anew."

JOHN LLOYD MOOD. Naging running joke na sa showbiz ang sinasabing "John Lloyd mood," isang pag-ugali ng aktor na tatahimik lang ito sa isang sulok sa buong shooting para 'di ito ma-distract sa pag-internalize ng kanyang karakter. Ini-apply din kaya ng aktor ang nasabing "mood" para agad maalis ang kanyang karakter bilang Mito at gagampanan ang bagong karakter na Joaquin?

"Alam mo hindi siya mood, e, it's actually a good method especially kung mabigat ang eksena. For you to just stay by yourself and internalize and think about what you have to do, doon sa eksena kasi, at the end of the scene, mag-isa siya."

ULTIMATE FRISBEE. Itinanggi ni Derek na may namumuong isyu sa kanila ng girlfriend niya na si Angelica Panganiban dahil ayaw nitong payagan maglaro sa Ultimate Frisbee competition. Ito raw ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagpapa-opera si Derek para sa kanyang tuhod na na-dislocate sa paglalaro ng nasabing sport.

Continue reading below ↓

"Wala naman, napag-usapan na namin 'yan," mahinahon na pahayag ni Derek habang tinitingnan ang katabing girlfriend na halatang kontra ito sa gagawin ng aktor.

Sa December 7 gaganapin ang Asian National Champion sa Taiwan at ayon sa aktor, ito ang araw ng kanyang kapanganakan.

"Siguro hangga't kaya ko pang talunin sa takbuhan ang mga bata na naglalaro ng frisbee, hindi ako titigil. We just had a tournament last week and I admit, masakit siya pero kaya kong tiisin 'yong pain. I strengthen my leg pero kailangan ma-operahan."

Dagdag pa nito, "Kung manalo kami sa Asian National Championship doon sa Kaushung in Taiwan, pasok kami sa world championship sa Vancouver."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsey (in photo) has still not undergone an operation for his dislocated knee but he continues to play Ultimate Frisbee. "We just had a tournament last week and I admit, masakit siya pero kaya kong tiisin 'yong pain," declares the model-actor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results